DAHONG HUGIS PUSO

3 1 0
                                    

Tinawag ng tatlong dalaga si Ariana at saka pa lang ito nakakilos. Dahil malapit nang mag-GO ang sign ng traffic light kung kaya nagmamadali na silang nagsitawid habang nakatanaw ang matanda.

Ilang araw na ang nakalipas, sariwa pa rin sa isipan ng dalaga ang itsura ng matandang Igorota. Lalo na kapag nag-iisa si Ariana sa loob ng silid parang nakikita niya ang mga mata ng matandang nakatitig sa kanya. Pilit niyang iwinawaksi sa ala-ala ang anyo ng Igorota. Datapuwa parang tukso namang di niya mawari, kung bakit inaapuhap ng kanyang paningin ang bawat sulok ang bawat kanto kapag siya'y naglalakad o nakasakay at baka sakaling makitang muli ang matandang Igorota.

Ilan pang linggoang nakalipas hanggang isang araw, nakita ng magkakaibigan ang matandang Igorota sa pintuan ng snack bar. Sadyang si Angelic yata ang hinihintay. mabikas ang Isang babaeng kasuotan at nasa katanghalian ang edad ang kasama ngayon ng matanda. Mag-ina pala sila at noong huling luwas nila ng Maynila ay napahiwalay ang matandang ina, ayon sa babaeng nagpakilala sa pangalang Manang Mayang. Minsan isang buwan ay nagluluwas sila ng kanyang asawa ng mga native product na gawang Baguio. Iyon ang hanapbuhay nila, buy & sell. Mula sa tribung Ifugao ang mag-asawa at parehong nakapagtapos ng pag-aaral; nakahiligan ang pagnenegosyo at pinalad namang umunlad.

Ngayon lang muling nakaluwas ng Maynila ang mag-asawa kasama ang matanda. Kaya ngayon lang din napuntahan ng mag-ina ang snack bar upang makita at pasalamatan ang dalaga. Hindi nakakalimutan ng matanda ang kabutihang ipinamalas ni Ariana noon.

"Paano kayong nakatiyak na matatagpuan ninyo si Ariana dito?" tanong ni grace ann.

"Alam ko sapagkat ito ang paborito ninyong lugar, di ba?" maagap na sagot ng matanda na marunong din palang managalog. May itatanong pa sana si grace ann subali't nagyaya na si Manang Mayang sa loob ng snack bar. Ang babae na ang umorder at nagbayad. Sa pakikipag-usap sa mag-ina, maraming nalaman ang mga dalaga na nakapagbigay kasiyahan sa kanila.

Ang matandang Igorota na si impong Meyang ay isa palang "quack doctor" ng kanilang tribu, ngunit pinatigil muna ni Manang Mayang para makapagpahinga naman ang ina. Upang makaiwas ang matanda sa panggagamot madalas nila itong isama sa pagbibiyahe. Mula-sapul

DAHONG HUGIS PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon