DAHONG HUGIS PUSO

3 1 0
                                        

     
    kung pumayag lang si Ariana at kung sumama rin si Carlito kay Mario nang siya ay yakagin nito. Di talaga sukat akalain ng binata na ang babaeng minahal niya sa panaginip ay ang bunsong kapatid pala ng kanyang mga kaibigan na sina Romy, Amel at Mario.

Hindi rin makapaniwala ang dalaga na si Carlito pala ang kaibigan ng kanyang mga kapatid at nagmamay-ari ng napakalawak na asyenda. Hindi matapus- tapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa panaginip na wari'y isang hiwaga na nagtakda sa kanila sa isa't-isa!

Nang umihip ang malakas na hangin ay saka pa lang natauhan si Ariana. Naalala ang mga tiyahin nababagabag baka dumating na at ngayon sa kanyang pagkawala. Kaya angkas ng kabayong inihatid ni Carlito ang dalaga. Nasa tarangkahan palang sila ay sumalubong agad ang mga natatarantang katulong. Ibinalita ang pagpunta ni Manong Andoy sa bayan upang ipagbigay-alam sa pulisya ang kanyang pagkawala at tuloy humingi ng tulong. na

Nagmamadaling pumasok sa loob ang dalaga, kasunod ang binata. Nadatnan nilang nag-iiyakan ang mga nag-aalalang tiyahin. Datapuwa ang pagdadalamhati ng mga ito ay dagling napawi nang makita ang pamangkin at parang batang niyakap ng buong pagmamahal. Abot-abot naman ang paghingi ng paumanhin ni Ariana sa kanyang nagawa. Nagtaka sina Tita Carmen kung paano sila nagkasama ni Carlito at bakit pati ito ay humihingi ng paumanhin sa kanila? Kung sabagay dati na silang magkakakilala ng binata. Hindi makapaniwala ang mga tiyahin nang
isalaysay ng pamangkin ang tungkol sa DAHONG HUGIS PUSO at kung paano sila'y pinagtagpo ng PANAGINIP.

Kinabukasan nang bumalik ang binata ay wala itong pangiming hiningi ang kamay ng dalaga, na ikinabigla ng magkapatid. Subali't di naman nila magawang tumanggi at hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Bagama't kay-ikli ng mga sandali nang pagkikilala ay kay-haba naman ng kanilang pinaghintay at pinagtiisan. Nalito sina Tita Carmen at Tita Remedios sa bilis ng pangyayari kaya noon din ay nag-long distance sila sa Maynila upang ipagbigay alam ang pangyayari. Balak ng magsing- irog na isabay ang kanilang pag-iisang dibdib sa kasal nina Alexander at Tita Remedios.
  

    Maraming taon na ang nakalipas, doon na nga sa Bukidnon tuluyang nanirahan si Ariana Kinalimutan na nito ang buhay. Maynila at ang kanyang profession. Napapangiti na lamang ito tuwing naaalala ang mga hula ni IMPONG MEYANG.

Tatlong malulusog na lalaki ang naging supling nina CARLITO at ARIANA na ang pagmamahalan ay nasubok ng panahon... habang tumatagal ito'y lalong tumatamis, yumayabong at muli't-muling nananariwa. Kahalintulad nang walang tigil na pag-usbong ng halamang may mga... DAHONG HUGIS PUSO!

                         WAKAS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAHONG HUGIS PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon