DAHONG HUGIS PUSO

3 1 0
                                    

Tumango ng marahan ang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain sa hawak na hamburger.

"Nais mo bang makita ang lalaking maaari mong maging kasintahan?"

"Puwede po ba iyon?" nagtatakang sagot ng dalaga.

"Kami rin po Impo..." sabay-sabay na wika nina Angel, Grace Ann at jessel

"Maaari rin ninyong gawin at subukan ang ituturo ko, pero ito ay walang katiyakan sa inyong tatlo. Para lang kasi sa mga dalagang wala pang nobyo, tulad ni Ariana, ang gawaing ito. Isang natatanging pag-ibig ang mapapanaginipan at sa panaginip na iyon makikita ang lalaking magmamahal sa iyo. Kung papalarin, magkakatuluyan kayo sa totoong buhay."

"Paano magkikita?" usisa ni grace ann.

"May paraan si Kupido kung paano niya pagtatagpuin ang dalawang pusong magmamahalan sa panaginip."

"Ayyyy, ang sarap! Ano pala ang gagawin ko para managinip ng love story, Hi,hi,hi." kinikilig na tanong ni Angel.

"Ganito, pagsapit ng Pebrero 13, bago lumubog ang araw ay pipitas ka ng isang dahong hugis puso. Tandaang mabuti, huwag paaabot sa paglubog ng araw ang pagpitas sa nasabing dahon." paliwanag ng matanda.

"Eh, bakit February 13?" tanong ng makulit na si jessel.

"Sapagkat ang gabi ng ika-13 Pebrero ay siyang bisperas_ at nagsisimula ang kapistahan ng mga puso pagsapit ng hatinggabi. Diyan pa lang nagkakaroon panaginip..." ng kaganapan ang

"How sweet kung ako si Cinderela sa panaginip, at..." wika ni jessel. Agad itong kinurot ni Ariana para tumahimik.

Nagpatuloy ang matanda. "Ngayon ang dahong hugis puso ay ilalagay ninyo sa basong may tubig. Ang baso naman ay ilagay ninyo sa uluhan o sa ilalim ng inyong higaan. Siguraduhin lamang na ang basong kinalalagyan ng dahon ay nasa tapat ng inyong ulo. Magdasal bago matulog at hilinging makita sa panaginip ang lalaking magkakaroon ng kaugnayan sa iyong buhay at pag-ibig," dugtong na paliwanag pa ng matandang Igorota.

Impong Meyang, bakit kailangan pang may dahon at tubig?" tanong naguguluhang si Angel

"SAPAGKAT ANG DAHONG HUGIS PUSO AY SAGISAG NG PAG-IBIG A ANG TUBIG AY BUHAY. SAYSAY ANG PAG-IBIG WALANG KUNG WALANG BUHAY AT WALANG HALAGA ANG BUHAY KUNG WALANG PAG-IBIG."

Dahil babalik pa sa Baguio ang mag-ina at tiyak ding naiinip na ang asawa n Manang Mayang sa kahihintay kaya kailangan tapusin na ang pag-uusap Matapos magpasalamat at magpaalam ang bawat isa sa kanila ay naghiwa-hiwalay na sila paglabas ng snack bar.

Palibhasa'y matagal pa bago sumapit ang Pebrero 13 kaya nawaglit muna sa isipan ng magkakaibigan ang tungkol sa dahon. Naging abala sila sa pagre-review para sa nalalapit na pagsusulit. Nang dumating ang takdang araw ng examination ay wala si Angel! Nag-alala ang tatlo na baka may nangyari sa kaibigan, kapagdaka'y tinawagan nila ito sa phone.

Ang umiiyak na ina ang siyang sumagot. At na-shock sila sa ibinalita nito. Si Angel ay nagtanan, sumama sa iba! Diyata't nagawang ipagpalit ni Alma ang kanyang boyfriend na almost perfect na ang mga katangian sa kung sinong Herodes lamang? Nang ibaba ni Ariana ang telepono ay nagkatinginan silang tatlo at sabay nilang nabigkas, "ANG HULA NAGKATOTOO!"

Singkad na tatlong araw ang pagsusulit kaya nang matapos ay nagkayayaan ang magkakaibigan Sabado ng na mag-relax hapon ang muna. usapan, maghihintayan sila sa snack bar. Sa Ayala Center sila magwi-window shopping, manonood ng sine at kakain sa class na restaurant. Sayang, wala na si angel siya pa naman ang pinaka-magulo sa tropa.

Paalis na si Ariana nang biglang umulan kaya nahiga muna siya sa sofa at hinintay ang pagtila ng ulan. Napa-idlip ang dalaga.

Bigla itong nagulantang nang tumunog ang telepono... KRIING, KRIING! Si Grace ann ang tumawag. Naalala ang usapan nilang magkakaibigan, nagmamadaling lumabas ang dalaga. Maaliwalas na ang kalangitan ngunit magtatakip-silim na ng mga sandaling iyon. Patungo na sa gate si Ariana nang madaanan niya ang katulong
na si Etang. Nag-aalis ng mga laglag na dahon sa bermuda grass. Napatingin ang dalaga sa halamang nasa paso, napansin niyang hugis puso ang mga dahon nito. HUGIS PUSO? pagkaraka'y... Biglang may naalala,

"Etang, saan galing ang halamang
iyan?"

"Kanina lang kana gipa-diliber ni Ma'am. Sabi ng tao nagdala niana maganda ang bulak nito."

"Ha? anong bulak? Never mind. Ah,

" Etang, anong petsa ngayon?" "Karon? Pitsa 13 man, kay ngano man te?"

"Wala, sigurado ka ba na petsa 13 ngayon?"

DAHONG HUGIS PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon