Oo lagi, kay bukas Valentine Day ug birtdey ni Valintin, Hi, hi, hi"
"Sinong Valentin?"
"Kadtong hardinero sa pikas balay. Ako man siyang boy-friend. Bukas mag-off kami kay magkaon kami sa gawas at manood ng sini. Payag man si Ma'am kasi kilala man niya si Valentin. Haaay, lami diay ang imong feeling if you ar in lab... La la, la, la, la, la."
Napangiti si Ariana sa ikinikilos ng katulong na halatang excited sa magiging first date nito sa kinabukasan. Lumapit ang dalaga sa tabi ng halaman at pinagmasdan maige ang mga dahon nitong hugis puso. Nagdadalawang isip kung gagawin ang itinuro ni Impong Meyang. Kung sakaling niya gawin ngayong Pebrero 13 at sa ibang araw na lang, may bisa pa kaya ito? At totoo naman kaya?
Sinulyapan ang suot na relo petsa 13 nga. Napatingin si Ariana sa gawing kanluran at naalala ang bilin ng matanda: "HUWAG MAGPAABOT SA PAGLUBOG NG ARAW SA PAGPITAS NG DAHONG HUGIS PUSO". May pag-aalinlangan at kinakabahan ang dalaga ngunit kailangan niyang magdesisyon.
Ilang sandali pa'y magkasama nang namamasyal sa Ayala Center ang tatlong magkakaibigan. Nag-window shopping, kumain at nanood ng sine. Masaya silang naghiwalay bago mag-alas diyes ng gabi.
Kinaumagahan,sa hapag-kainan, parang natitigilan sa pagkain ang dalaga at iyon ang napuna ng ama.
"Something wrong, hija? O may kailangan ka lang?"
"Nothing Dad, I'm okey. Naiisip ko lang iyong napanaginipan ko last night. Dad, totoo ba ang panaginip?"
"Ewan ko, sabi ng iba, kabaligtaran daw iyan sa tunay na buhay. But according to some psychics, 'dream is a vision of things that could happen to you in the coming future.' Bakit, hija, ano ba ang napanaginipan mo?"
"Nasa itaas daw ako ng isang burol. Pagkatapos may dumating na isang lalaking nangangabayo at lumapit sa akin. Nagkatitigan daw kami at pakiramdam ko'y lumukso ang aking puso. Hanggang ngayon kinakabahan pa nga ako. Bakit gano'n?"
"Naku, sis, bungang-tulog lang 'yan. Marahil kulang ka lang sa paligo," pagbibiro ni Arnel, agad namang sumabad si Mario
"Lumukso kamo ang iyong puso? Aba, iba na ang kahulugan niyan. Eh, sino naman ang lalaking iyon?"
"Hindi ko nga nakilala, sayang ang guwapo pa naman."
"Ang labo pala ng panaginip mo. Pero teka.., alam ka na kung sino siya. Di ba may binabasa kang magazine kagabi? Tanong ni Arnel, sabay kindat kay Mario.
"Oo, eh bakit mo naman naitanong?"
"Di mo ba napansin na si Aga Muhlach ang nasa cover nito, kaya si Aga ang iyong napanaginipan. Right?"
"Mali ka "tol, nanood 'yan ng T.V. at gustong-gusto niya iyong pelikulang may nangangabayo na kamukha ni Richard, so,iyon na ang lalaki sa kanyang panaginip," panunukso ni Mario.
"Aaah, oo nga, si Richard Gomez
talaga iyon," seryosong wika ni Arnel. "Mommy.... dad... pinagtutulungan
ako...""Ano ba kayo? Alalahanin ninyo pare- pareho pa tayong papasok." Kunwari'y saway ni Mrs. Fernandez ngunit nangingiti ito sa tuksuhan ng mga anak.
Sumapit ang buwan ng Marso, nagkaroon ng malaking handaan sa tahanan ng mga Fernandez, bilang pasasalamat sa pagtatapos ni Ariana. Nakamit ng dalaga ang karangalang "magna cum laude". Maraming panauhin ang dumalo. Sa pagkakataong iyon ay dumating si Romy. Marami itong dalang pasalubong lalo na kay Ariana. Naroon din ang ilang kaibigan nina Arnel at Mario.
na humanga sa kagandahan ng dalaga. Siyempre pa, naroon din sina jessel at grace ann kasama ang ilan nilang mga classmates upang makiisa sa kasayahan. Datapuwa nagpaalam agad si grace ann sapagkat may kaunti ring salu-salo sa kanila at isa pa'y dumating ang kanyang Uncle.
Sa pagbabalik-bayan ng tiyuhin ni Grace ann ay sumama ang BOSS nito na siyang may-ari ng kompanyang pinaglilingkuran. Matandang binata na ang Amerikanong ito at naghahanap ng Pilipinang mapapangasawa. Parang nahuhulaan na ng magkakaibigan ang susunod na mangyayari. Kaya bago umalis Grace ann ay mahigpit na nagyakap ang tatlo at kapwa may nangingilid na luha sa kanilang mga mata. Hindi nga sila nagkamali pagkaraan lamang ng ilang araw ay nakatanggap na agad ng "invitation card" sina jessel at Ariana. Si Grace ann ay ikakasal na sa nasabing Amerikano.
Nagkatotoo at nangyari na ang mga hula kina Angel at Grace ann. Ngayon naman ang isa pang katuparan. Dumating ang Ate Cita ni Jessel, kasama ang asawa nitong Arabo. Kaya nang bumalik ng Saudi ang mag-asawa ay isinama na nila ang dalaga. Hindi naman tumutol ang boy- friend ni Jessel subali't pagkaraan lang ng ilang buwan ay sumunod din ito sa Saudi at doon na rin nagtrabaho.
Sa simula ay panay ang sulatan at tawagan sa long distance ng magkaka- ibigan. Maging si Angel ay nakipagsulatan din sa kanila kahit ito ay sa Ilo-ilo City naninirahan, kaya muling nabuo ang barkada sa pamamagitan ng sulat.
Madalas nilang tuksuhin at kantiyawan si Ariana, na siya palang maninirahan sa bukid. Lagi namang itinatanggi ng dalaga ang bagay na iyon at kanyang pinanindigan na masisira ang hula ng matandang Igorota. Never itong tumira ng nayon, mananatili siya sa Maynila forever. lyon ang madalas isagot ni Ariana sa mga kaibigan. Nang lumaon ay dumalang ang kanilang pagsusulatan at ang dating init ng samahan ay unti-unti nang lumamig. Hindi naman iyon pinagdamdam ni Ariana sapagkat naging abala na rin siya ngayon bilang "Personnel Manager" ng isang malaking Textile Manufacturing Company.

BINABASA MO ANG
DAHONG HUGIS PUSO
Science FictionIKAW BA AY ISANG KATOTOHANAN? IKAW NA BA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA DALANGIN NA MAGBIBIGAY WAKAS SA AKING PAGHIHINTAY? O ISA KA LAMANG PANGITAIN NA SA ISANG KISAPMATA AY MAGLALAHO?