Chapter 20: Another girl?

568 4 1
                                    

Bree's POV

"Ahh maam, oorder na po ba kayo?"

sabi nitong waiter na kanina pa pabalik balik sakin. Ehh pano ba naman 2 hours na kaya akong nakatambay dito para hintayin ang mokong na yun. Hayyst. Bakit kaya wala pa rin siya? May usapan pa naman kaming kakain kami dito sa favorite kong resto.

"Hinihintay ko pa kasi yung kasama ko." sabi ko nalang sa waiter.

Tumango lang siya at umalis na. Linabas ko na yung phone ko at tsaka tinawagan si Nick.

*rinngggggg

*ringggggggggggggg

*RINGGGG!!!!!

Aba! Wala pa ring sumasagot. Ibababa ko na sana ng biglang may sumagot.

"....."

"Hoy lalaki..Nasan ka na? Alam mo bang dalawang oras na akong naghihintay dito?!!"

"............."

WHAT? So hindi talaga siya sasagot?

"So ano to? Makikinig ka na lang sakin? Sumagot ka naman oh!Ano bang problema mo Nick?"

"Ahhh w-wala. Ehhmm. B-Bree.. S-sorry. Hindi ako makakpunta jan. Nandito ako sa bahay ng kaklase ko..may research study kami."

Okay. dalawang oras akong naghintay dito para lang sa wala? pssshhh.

"Sana sinabi mo Nick ng hindi naman ako nagmukhang tanga dito kakahintay sayo."

"Sorry talaga.. next time nalang. Listen..Bree, i have to go. I'm busy. Baka hindi muna kita matextan. Bye."

"Goodbye Nick.. I lo-"

Bigla na niyang binaba. WHAT DA HELL was that? The way he answered me.... it was so cold, distant. What's wrong with him? and why am I speaking in english? Maybe cause I am angry. No... I'm afraid. Why? What if Nick does not love me anymore? What if he'll leave me one day? I can't live without him. Okay magtatagaog na nga ako. Weirdo ko dn minsan eh bigla bigla na lang nag eenglish. -_______- Anyway. Baka busy lang talaga tong si Nick. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Makaalis na nga.

Kurt's POV

Pauwi na ako ngayon. Kagagaling ko lang sa gym para mag workout. Syempre kelangan kong ayusin tong sarili ko baka mapansin ako ni Bree. This may sound foolish but I still love her. I know I don't stand a chance against Nick. Si Nick na prinsipe ng bayan... Si Nick na super perfect.. Oh edi siya na! Sa kanya na lahat ng titulo. Pati puso ni Bree nasakanya na..sakit lang sa puso ehh.. Shet korni ko.

Habang naglalakad ako.. May napansin ako. T-teka... si Nick ba yun? Nakita ko siyang may kasamang girl. Maganda yung babae..actually sexy siya at mukhang model. Pero mas maganda pa rin si Bree para sakin. (nakz. tama na Kurt. Asa ka pa. wala ka ng pag asa kay Bree) Ang tanong ko.. Bakit sila magkasama? At bakit nakahawak yung babae sa braso ni Nick?

Gusto ko tuloy sugurin tong si Nick! Ano bang problema niya? Wag mo sabihing nag twotwo time siya? Tan&in@ lang talaga!!! Kasasagot pa lang ni Bree sa kaniya tapos heto siya at may kasamang ibang babae? Kelangan tong malaman ni Bree. Mali tong ginagawa ni Nick.

Ilinabas ko ang phone ko at tinawagan si Bree.

"Hello?"

sagot ni Bree. Sa simpleng hello lang niya bigla ng tumibok yung puso ko. Alam niyo ba kung gaano kaganda yung boses niya? Para siyang isang anghel na napadpad sa lupa.Ayy set lang. Ano bang pinagsasabi ko.

"H-hello? Ahmm Bree? Maari bang magtanong?"

"Ano pa magagwa ko ehh nagtatanong ka na nga."

Okay. basag ako dun ahh.

"............."

"Ano bang tatanungin mo?"

"Alam mo ba kung nasan si Nick?"

Bigla siyang tumigil pero sumagot agad nung napansin niyang kausap niya ako.

"N-nasa bahay daw siya ng kaklase niya para sa research study. Bakit naman bigla ka atang naging interesado kay Nick? Don't tell me... ohh my gass. Are you gay?"

"WHAT?!!! Hindi ahh! Sa gwapo kong to? Pagkakamalan mo akong bakla? Halikan kita jan ehh."

"Kapal talaga ng lalaking to! Ikaw gwapo? Dream on. haha. ohh sige na pauwi na ako. Byee"

At ini-end na niya yung call. Hindi ko mapigilang mapangiti. Pero nawala din agad yun nang marealize ko yung sinabi niya.

N-nasa bahay daw siya ng kaklase niya para sa research study.

WHAT?! So nagsinungaling si Nick kay Bree? Pero bakit naman kaya siya magsisinungaling kung wala siyang tinatagong sikreto. Think about this.. Bakit niya sinabi kay Bree na nasa bahay siya ng kaklase niya kung ang totoo niyan ehh may kasama siyang babae at namamasyal sila sa labas?

Tsk. This is wrong. Mali ito. Tama. Mali ito. Okay wala ng sense tong mga sinasabi ko. Pero isa lang ang alam ko. Ang tagalog ng fish ay isda.  Hay naku. Gutom na ata ako. Makakain na nga lang. Pero hindi ko ito palalampasin.. malalaman at malalaman ko din kung ano ang tinatagong sikreto nitong gagong toh.. ayy este Itago nalang natin sa pangalang Nick. *No offense sa mga fans ni Nick*

Bree's POV

Hayy naku ang weirdo talaga nung si Kurt. Bigla nalang tatawag at tatanungin kung nasan si Nick. Hayy. Nandito na ako ngayon sa loob ng taxi pauwi na. Hindi ko alam kung imahinasyon ko ba yun kasi parang nakita ko si Nick kaso may kasama siyang babae. It's funny right? As if naman magagawa yun ni Nick. He's not that type of person. I trust him. I love him so much. At isa pa nasa bahay siya ng kaklase niya.

relax Bree. Relax. Hindi yun gagawin ni Nick sayo. Hindi ka niya lolokohin okay?

"Miss mukhang malalim iniisip mo ah."

Nagulat ako kasi bigla nalang akong kinausap nung driver pero dahil magalang akong bata..nakz! Syempre sinagot ko ng magalang.

"Ahh ehh wala po ito. Konting pag-aalala lang."

"Wag mo masyadong damdamin iha. Siya nga pala, san ka nag-aaral?"

"Ahh sa Heartfilia academy po."

Hindi ko alm kung anong droga tinira nitong driver at bigla bigla nalang nagtatanong ng mga ganitong bagay.. ano siya reporter?

"Talaga? Alam mo ba..dun din ako nag-aral dati. May kilala ka bang Mrs. Cruz?"

Seriously? Wala ako sa mood makipagusap pero alangan namang bastusin ko tong si Manong driver.

"Ahh opo. Teacher ko po siya sa Isang subject. Ayy kuya.. Dito na po."

Inabot ko na agad yung bayad at dali daling bumaba. Pupunta na lang ako sa kwarto ko para magbasa. Ilang oras na ako sa kababasa ng the last song ni Nicholas Sparks. At di ko namalayang nakapikit na pala ang aking mga mata...

"Bree..Layuan mo na ako.."

Nagulat ako.. Huh? Boses yun ni Nick. Sinundan ko yung boses at napunta ako sa isang kwarto. Nagulat ako kasi nakita ko ang sarili kong umiiyak.

"Nick..please wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita."

Tama ba tong nakikita ko? Hinwakan ko yung kamay ni Nick. Pero ilinayo niya ang sarili niya mula sa kin..Tila nandidiri siya.. Bakit?!!

"I just don't love you no more.. It's not working anymore. Bree. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo.. Madami pang iba jan para sayo. "

"P-pero ikaw lang ang gusto ko Nick!! Please!"

"I'm sorry.. goodbye Bree...."

"WAAGGGGGGGGGGGGGGG!!!!"

Bigla akong nagising.Napabalikwas ako. PANAGINIP? hayy salamat naman. Panaginip lang. pero parang totoo siya. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang aking mga luha. Nang gabing yun hindi na ako nakataulog.. Nick, alam kong di mo gagawin yun sakin. Mahal mo ako di ba?

[a/n:Yeahh suwakas after so many months.. nakapagupdate din.. sorry sa super duper late na update. Ano satingin niyo ang mangyayari? Sino kaya ang babaeng yun?]

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon