Chapter 21:

510 5 1
                                    

Okay sorry sa super late update. WAHHHHH.. Anyway, eto na po.

Minsan mahirap talagang intindihin kung hanggang saan mo kayang magpakamartyr para sa taong mahal mo… lalo na kung patuloy ka niyang binibigyan ng dahilan para sumuko na.

Bree’s POV

Mahal ako ni Nick. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang makakasakit sakin. Mahal niya ako. May tiwala ako sakanya. Teka? Bat nga ba ako nag-aalala na linoloko lang ako ni Nick.. di ba nga nagpromise siya na hinding hindi niya ako sasaktan? …. TAMA! Hindi ako dapat mag-alala. Relax bree. Hehe. Ang sama ko talaga. Bat ko naman pagdududahan ang lalaking mahal ko. Bad bree! Bad!

Hay naku makakain na nga lang. Nagutom ako bigla ehh. T______T pagkababa ko sa hagdan, nakasalubong ko si mama.

“Oh Bree, bakit parang biyernes santo yang mukha mo? May problema ba?”

Sumagot nalang ako.

“Ahh wala  to ma, pagod lang ako. SIge kain na po ako.”

Kahit papano eh nalulungkot parin ako. Alam kong wala na dapat akong ipag-alala pero hindi ko talaga maiwasan. Waaaahhhh. Dumiretso na ako sa kusina para kumain…

“ATEEEEE!!!Gusto mo bang masunog tong bahay?!!!!”

Nagulat ako nang biglang sumigaw tong kapatid kong si Nikki? T-tekaa.. parang..ano yun? May naamoy akong nasusunog. Pero hindi pa rin dun nakatuon ang atensyon ko kundi kay Nick pa din. T_____T Ano ba.. Nick, umalis ka na sa isipan ko pwede?

"ATEEEE!!! Nasusunog na to…putragis naman ohh! Tabi nga!”

Nagulat ako ng biglang itinulak ako ni Nikki at agad agad na in-off yung  stove. Nagbuhos din siya ng tubig kasi nga mejo malakas na yung apoy

“Ate naman, next time naman kung magluluto ka ayusin mo. Tignan mo nga ohh! Muntik ng masunog tong buong kusina. Ang kapal kapal pa ng usok!”

Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya. Kasalanan to ni Nick ehh. Kung bakit kasi siya na lang nandito sa isip ko. Hindi pa siya nakuntento kasi pati tong puso ko agmamay-ari na rin niyaaa!~~ Hayyy.

“S-sorryy.”

Sabi ko nalang.  Nagulat ako ng muling naghanda si Nikki.

“magluluto ka?”

“Hindi Bree, maglalaba ako. Tsk. Utak naman Bree ohh.”

“psshhh. Ate mo pa rin ako ahh. Wag mo akong ginaganyan.”

Loko tong batang to ahh. At sasagot sagutin pa ako.

“Di ka pa nasanay. Teka nga magluluto na ako alam kong gutom ka na. “

“wow. Ang bait naman ng baby sister ko!! Ipagluluto ako..”

Sweet ng kapatid ko kahit papano. Yieeee—

“Kadiri!! Anong baby sister?Yuck. Hindi na ako baby no! At isa pa magluluto ako kasi baka mamaya tuluyan ng masunog tong bahay kapag nagluto ka. Tsk.”

Pinabayaan ko nalang siya. Kahit papano nawala na tong pag aalala ko,hay. Relax Bree, hindi magkakatotoo ang panaginip mo.

*FAST FORWARD.

Monday

pagdating ko sa school. Hinanap ko agad si Nick. Hindi ko man lang alam kung ano nangyayari sa kanya eh pano hindi naman siya nagrereply.  Kung magtetext naman sobrang tipid.. kunwari “Goodnight.” O kaya naman. “Morning. Ingat.” Like duh. Ang ikli na nga magtext wala man lang smiley. Seriously? Ganun na ba kahirap lagyan ng kahit smiley man lang yung mga text niya? Tsk. Speaking of the devil, dumating din siya.

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon