Chapter 15:

629 6 2
                                    

Minsan akala natin tuloy tuloy na ang masasayang ala-ala....

Minsan akala natin nakilala na natin yung taong para sa atin pero paano kung akala lang lahat ng yun?

Bree's POV

Katatapus namin manood sa sinehan.

Grabe!Ang gwapo talaga ni Xian Lim!!! :">

"Pssh. Di hamak naman na mas gwapo ako dun ehh."

Ay narinig niya. Ganun ba kalakas yung pagsabi ko? >.<

"Whooh! Mas gwapo pa rin si Xian no!"

Sabi ko. hehe. Maasar nga muna tong Nick na to.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko mas gwapo si Xian-------"

"Edi magsama kayo ng lalaking yan! Tutal mas bagay naman kayo eh. Nakakita ka lang ng mas gwapo iiwan mo na ako. psshh."

Aba. Nag walkout ang loko! Ehhh. joke lang naman eh. >.< Sineryoso nga lang niya. waaahhh. galit na siya. ano gagawin ko? Susundan ko o hindi? Ano sa tingin niyo?

isshhh!! Sige na nga! nakakakonsensya eh! Baka mamaya mas lalo pa yang magtampo.

"uyyy, nick. Joke lang yung kanina."

"Whooh! Akala ko ba sumama ka na sa lalaki mo? Bat ka pa nandito?Di ba mas gwapo naman siya kesa sakin?"

uh oh. Galit na siya. :/

"Ikaw naman! Siyempre mas gwapo ka pa rin dun no! At isa pa, yung pagtingin ko sakanya, celebrity crush lang. Pero yung puso ko, nasayo pa rin."

Hindi siya nagsalita. Pero nakita ko siyang nag-blush. hahaha. Ang cuteeee! :D

"Ayieee ok na tayo ah?"

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko yung kamay niya..at kumanta.

"Sampung mga daliri nawala ang lima, hinanap ko, hinanap ko. hawak mo pala."

Ngumiti siya..Senyales na pinapatawad na niya ako. yeey! parteh.parteh.

"Tara na, hatid na kita sainyo."

Naglakad kami pauwi since malapit lang naman yung bahay namin. Kaso alam mo yung feeling na AWKWARD? Kasi sa bawat daan na nadadaanan namin, may couple na naghoholding hands at sobrang sweet. Nahiya naman kami. Iniwasan nalang namin tumingin sa isat isa ni Nick.

After 1345672832984 years, ayan. nakadating na din kami sa bahay.

"Nick, salamat pala sa araw na ito. Nag enjoy ako. Pakisabi din kay Miyuki Thank you."

"no, we should thank you kasi kung hindi dahil sayo hindi magiging ganito kasaya ang araw namin. Thank you for your time."

"walang anuman. Sige pasok na ako ah. Ingat ka."

"Bree!"

*chup*

ADIK! grabe talaga. Pagharap ko kasi, bigla nalang niya akong hinalikan! >.<

"Good night! Mag-ingat ka ha? Papakasalan pa kasi kita.."

Tapos ayun. Tumalikod na siya nagsimulang maglakad.

Hayy naku. Ang saya talaga ng araw na ito! Sana Ganito nalang lagi  kasaya! ^__________^

*FAST FORWARD

"Gising na Ateeee! Dali malelate na tayo!"

WAHHH. Anu ba yan. Umagang umaga.. Ayoko pang bumangon ehhh!

"Oo! Nanjan na!!"

Dinalian ko ng kumilos. ligo,bihis,kain, brush, ayan! READY TO GO na!

Pagdating ko sa school, nakasalubong ko si Mrs. Valdez ang adviser ng english club.

"Good morning ma'am, bati ko."

"Good Morning din iha. Ahh siya nga pala. May ipaparesearch pala ako sayo about sa project ng club natin. Ito yung reference book na gagamitin mo oh. Hanapin mo nalang mamaya pag may time ka."

"Ahh ok po. Sigee."

Pagkakuha ko ng papel, dumiretso na ako sa classroom. Tumambad sakin ang mukha ni Kurt na sobrang lungkot.

"ohh bakit parang biyernes santo yang mukha mo? Umagang-umaga!" sabi ko sakanya.

"Ahh wala ito."

Sus. alam kong merong problema si kurt. Alam ko lang. siguro ayaw niyang sabihin kaya di ko muna siya pipilitin.

*FAST FORWARD

Uwian na.Lumapit sakin si Diane.

"Uyy sasabay ka ba samin? Dadaan kasi kami sabookstore kasi balita ko may magandang book daw na bagong labas. "

"ahh ehh, mauna na kayo. Kelangan ko pa kasi hanapin yung reference book na kelangan para research ko."

"ayy sayang naman. ohh sige una na kami ahh? Byeee!"

"byeee."

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Dumiretso na ako sa may libraray. Hayy nakuu. nakakloka! Bat ba kasi sobrang lawak ng library namin? Hanggang third floor pa! Ang hirap tuloy umakyat.. Nagsimula na akong maghanap.

May narinig akong boses.. sa may shelf. Parang boses ni nick yun ah! Sinundan ko yung boses. At nakinig sa usapan nila.

"Uyy tol, balita ko nagkakamabutihan na daw kayo ng nerd na yun ah!"

"Haa? Paano niyo naman nasabi yan?"

Sabi ni nick. nakakaintriga. Ako ba pinag-uusapan nila? malamang ikaw lang naman ang super nerd dito na close kay nick ehh. hayy. pakikinggan ko muna sila.

"Totoo ba? Nick naman! Hindi namin aakalain na papatol ka sa mga nerd na gaya niya."

"Sus! Naniwala naman kayo. Hindi ako papatol sa kagaya niyang nerd no."

SHEETT. Ang sakit. yung mga salitang yun. galing sa bibig niya mismo. Anong klaseng lalaki siya? Akala ko pa naman totoo na yung mga sinasabi niya! tapos yun pala trip lang?

"sabi ko na ehh! Hinding hindi makikipagdate ang isang hunk sa nerd kahit kelan. At isa pa, yun ang rule di ba?"

"Ahh ehh. O-oo naman! Alam ko yun no."

"Apir tayo jan!"

Tumakbo na ako palabas ng library. Ewan ko pero. Sobrang sakit talaga dito sa puso. Parang milyong milyong karayom ang tumusok. bawat salita na narinig ko mula sakanya ay nakakasakit.

Ayan, mukhang nakikisabay pa ang panahon sa damdamin ko. Bigla kasing umulan. pero sa totoo lang mas gusto ko ng umulan para hindi nila alam na umiiyak ako. para maitago ko na ang mga letseng luhang ito.

Akala ko pa naman totoo yung nararamdaman ni Nick. psshh. Masyado pala akong umasa. ang sakit! Putcha naman ohh!

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon