Chapter 24: His side

533 3 0
                                    

A/n: Hello!! Last two chapters nalang. Masyado bang biglaan? Sa totoo lang, pinag-isipan ko kung paano ko ba to tatapusin at nakaisip na ako kung paano mag eend ang story. Alam kong galit na kayo kay Nick dahil sa ginawa niya pero gusto ko lang ipaalam na may dahilan kung bakit niya iyon ginawa..so basically this chapter is Nick's pov.Mag eexplain na daw tong si Nick. Okay tama na ang salita. Gora na! ^____^

____________________________________________________________________________

Nick's pov

Siguro iniisip niyo napakasama kong tao. Isa akong taksil, manloloko, babaero, at kung ano ano pang masasamang ugali. Inaamin kong mali yung ginawa ko.pero wala na akong ibang maisip na paraan.. Bakit sa tingin niyo ba ginusto ko siyang saktan? Bakit sa tingin niyo ba gusto kong magsinungaling sakaniya?Hindi naging madali sakin na gawin yun sakaniya.Mahirap magpanggap na wala akong nararamdaman para sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. The moment I saw her cry at the pool yesterday, I just want to hold and comfort her but I can't..because I am the reason why she was hurt.

Ngayon nandito ako sa tree house kung saan ko dinala si Bree. Iniisip ko kung tama nga ba talaga ang desisyon kong saktan siya. Sh*t! Bakit ba kelangan mangyari to saming dalawa? Siguro naguguluhan na kayo kung ano bang nangyayari kaya magpapaliwanag na ako.Baka mamaya gumawa kayo hater club para sakin. -________________-

1 month ago, tumawag sakin si Daddy. Sabi niya kelangan ko daw pumunta sa Canada. Dun ko na daw itutuloy ang pag-aaral. Sabi ni daddy mas maganda daw ang kinabukasan ko pag dun ako nag-aral. pinilit ko sila daddy na dito nalang ako sa pinas pero hindi nila ako pinakinggan. They wouldn't take no for an answer.

Tsk! FUTURE? Bree is my future! Damn it! paano ako mabubuhay kung wala siya? Mahal ko siya! Ano nalang mangyayari samin? LONG DISTANCE RELATIONSHIP? That will never work! I mean, let's face it. Siguro nga sa una, lagi kaming mag uusap sa telepono o magvivideo chat pero sooner or later..Darating din ang panahon na mapapagod ang isa samin! I can't afford to risk that possibility! Ayokong malaman na one day, meron na pala siyang boyfriend. What if one day, she fell out of love for me? It's better this way. I am setting her free.

Ohh and about my FIANCE? Well, that was all an act. Actually Abi is my cousin. Pinilit ko siyang magpanggap na fiance ko. Alam kong binabantayan ako nung dalawang bestfriend ni Bree kaya sinadya kong magpakita sakanila. Alam ko ring pinicture-an nila kaming dalawa ni Abi kaya sinadya kong magpose na magmumukha kaming sweet na parang lovers.

For a week, I tried my best to stay away from her. Sinasadya kong lumayo sakaniya. And those text messages? Believe it or not, pinilit kong wag mag text ng mahahabang text messages kagaya ng dati, wag lagyan ng mga emoticons. It took all my strength para wag siyang textan ng mga sweet messages.

Well, this is the only thing that I can come up with.Hindi naman kasi ako biniyayaan ng matalinong utak. Edi sana alam ko kung anong gagawin ko ngayon. AAisshhh! Buti pa ang dinakdakan may utak! Ako wala. -___________-

Masaya ako na kahit papano umubra yung plano ko. Siguro magiging madali na sakaniya pag umalis ako. Syempre galit na siya sakin kaya hindi siya maapektuhan kung sakaling umalis man ako sa katunayan baka yun pa nga ang gusto niya eh. Ang lumayo ako,o baka dahil sa sobrang galit niya gusto niya ipalapa tong katawan ko sa tigre.

Di bale ng ako ang masaktan, di bale ng ako ang magdusa pag lumayo na ako. Ayoko lang talaga na mas masaktan siya pag nalaman niyang umalis na ako habang kami pa. Kaya mas magandang hiwalay na kami. Ang kalimutan siya? Hinding hindi ko yun kayang gawin. She is the best thing that ever happened to me. I was a jerk. But she changed me. She always bring out the best in me. She knows me more than I know myself. Matagal niya akong hinahangaan,pinapanood mula sa malayo. Imagine. 2 years? Sana nakilala ko na siya noon pa edi sana matagal na akong naging masaya.

Tsk! Alam kong wala na lahat ng pinapangarap ko para sa aming dalawa ni Bree. WALA NA. Alam kong kakalimutan na niya ako. It's like I was never a part of her life. May narinig akong mga hakbang.Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Abi.

"Insan, nandito ka lang pala! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"

Ngumiti nalang ako sa pinsan ko. Nag-aalala siya para sa akin.

"Oh bakit mo naman ako hinahanap?"

"Gusto lang sana kitang kausapin tungkol kay ..Bree.You know what? Nung nakita ko siya kahapon, hindi ko maiwasang maawa. Napakabait pa naman niya. Gusto ko na nga sanang sabihin sakaniya ang totoo eh!Na pupunta ka ng ibang bansa."

"Tapos ano?Sa tingin mo ba pag nalaman niya yun hindi siya iiyak?"

"Hay naku! Ewan ko ba sayo Nick! Why do you have to make things complicated than they already were! Ang simple lang naman ng sagot jan sa problema mo eh! Sigurado akong maiintindihan ka ni Bree!"

"Kahit sabihin mo yan Abi, It's already too late. Wala na siyang pakialam sakin. At isa pa, mas maganda na rin siguro to. Siguro nga hindi kami para sa isat-isa."

"Hay.. Nick ewan ko ba kung anong pumasok jan sa kokote mo eh! Sana hindi mo pag sisisihan yang naging desisyon mo."

Nung sinabi niya yun, napaisip ako. Will I regret this in the future? Well, maybe. I love her. I love her too much that I let her go. Bat ba napakonlikado ng love?

[a/n: So that's it! Yan po ang side ni Nick. What do you think? Tama kaya ang naging desisyon niya? hmmm. Last na po ung next chapter. Ano kayang mangyayari? Actually, may naiisip na ako. wieeeee. Anyway, gusto ko malaman yung comments niyo. Kaya magcomment na kayo. ^___^]

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon