Chapter 2:

1.2K 16 1
                                    

Bree's POV

*riiiiiinggg*

Finally! Tapos na rin ang 2nd subject namin which means, Meryenda time! Ayyy grabe nagutom talaga ako. EHh panu ba naman, isang pirasong bread at milk lang ang kinain ko kanina.  Tumayo na agad ako at dumiretso sa pinto. Hindi ko na ata mahihintay pa itong gutom ko.

"Bree! teka!"

"Bilisan mo Diane! Gutom na gutom na yung tao eh.-______-"

lumingon ako sakanya tapos, hinintay ko muna siya tutal, bestfriend ko naman eh. Ang tagal niyang kumilos. Nahiya na yung pagong sa bagal niyang mag-ayos ng gamit niya.

"oo nanjan na!" Inaayos na niya ng mabilisan yung gamit niya at sumunod sakin. "Bat ba nagmamadali ka Bree? Di rin halatang gutom ka ah."

"Ehh kasi nga late na ako nagising tapos bread at milk lang breakfast ko. It's not enough to sustain my appetite. "

"Bree, umagang-umaga umienglish ka na. Anu palang balak mong kainin?" nakarating na kami sa canteen.

"Gusto ko yung totoong pagkain."

"Totoo? So anu tong mga ibang pagkain dito, PICTURE lang? ganun?"

"hindi naman sa ganun..ang ibig kong sabihin ehh yung totoong pagkain..As in yung talagang mabubusog ako."

"okay. sakin siguro spag at coke lang." bumili na siya ng pagkain niya.

"Ate, pabili ako ng pancit, burger, large fries, macaroni salad, at pineapple juice. Yun lang po."

yan yung sakin. Take note.. Meryenda ko lang yan. ganyan ako katakaw sa pagkain. I don't care kung anung isipin nila. Ehh sa gutom ako eh.

" Wow Bree. LANG? Ehh halos pang tanghalian na yan ah. Tapos LANG?"

"Grabe ka naman Diane, parang di ka pa nasanay sakin. At isa pa kulang pa nga ito no. Ayaw ko lang kasing maubos pera ko ngayon kasi bibili pa ako ng books mamaya sa national book store"

"Ikaw na teh. Mag-ingat ka lang. Yang weight mo pa naman. Baka mamaya atakihin ka jan sa puso eh."

"oo naman Diane, alam ko namang mag-ingat eh."

At dumiretso na kami sa table naming mga nerds nandun na sila Anne, Camille, at Kurt. Sayang di kami magkakaseksyon.Yung table namin eh malapit sa basurahan. Ewan ko ba, parang nakahiwalay talaga kami sa lahat eh. Kung pagtinginan nila kami, para kaming mga pulubi. tsk. Mga tao talaga.Nang makaupo na kami sa table namin, nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta naman ang first two subjects niyo?" -Camille

"Okay lang naman, kaso parang ang strikto ng pangalawang teacher. Akala mo mangangain ng buhay eh."-Diane

"akdsjfhasdkjfh alsjdfhakdsjfhalkdsjfh akdsjfhakdsfjh"

Wala na akong maintindihan, bigla kasing dumaan si ano.... si Prince charming ko!! KYAA!~ ang gwapo gwapo talaga niya dun sa uniform niya. Bagay na bagay sakanya. Tapos yung bag niyang nakasabit dun sa likod niya. Mukha talaga siyang model. Ayyy.. ang gwapo niya.

"UYY!!"

bigla akong kinatusan ni Diane. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Anu ba Diane, nakikita mong tinitignan ko yung prince charming ko eh!! Ang gwapo niya. Para siyang anghel na hulog ng langit. "0__0

"Ohh ito, piso. Humanap ka ng kausap mo. Ang corny mo eh.."-Anne

"kaya nga ipagkalat mo yan nationwide yang kacornihan mo kay Nick! sigurado sisikat ka. "- Camille

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon