Chapter 16:

606 6 4
                                    

Kurt's POV

Ang sakit talagang makita yung minamahal mong may kasamang iba. Shet lang! Bakit ba kasi nagkagusto pa ako sa kanya? Bakit sa dinami dami ng pwede kong magustuhan, bakit BESTFRIEND ko pa? Lintik namang buhay to oh!

Pauwi na ako ngayon ang lakas pa ng ulan. Tapos yung payong ko nasa loob pa ng sasakyan. Patakbo akong pumunta sa sasakyan pero nagulat ako sa nakita ko...

Si Bree, nagpapaulan. Actually ngayon ko lang siya nakitang nagpapaulan. Sa pagkakaalam ko ayaw niya ng nauulanan kasi ayaw na ayaw niyang magkasakit pero bakit siya nagpapaulan? Tsk. Pumunta muna ako sa sasakyan para kunin yung payong ko. At tsaka ako lumapit sakanya.

Habang papalapit ako sakaniya, naririnig ko ang bawat hikbi niya. Senyales na umiiyak siya.Hindi pa ata niya ako napansin. Pero di nagtagal, itinaas niya yung ulo niya at ng makita niya ako.

"Kurt? Bakit nandito ka?"

"Pshh. Malamang para payungan ka. Bakit ka ba kasi nagpapaulan ha?"

pero nagulat ako dahil bigla bigla nalang niya akong yinakap.

"Kurt! Ayoko na- ang s-sakit sakit ng puso ko!"

Kahit di niya sabihin alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Sino pa nga ba? Edi ang gagong yun na walang iba kundi si Nick. Ano naman kaya ginawa niya? Humanda sakin yung lalaking yun pag nagkataon.

"Bree, hayaan mo na siya. You dont deserve him. Nandito lang ako para sayo Kurt. Wag na wag kang magaalala. Okay?Hinding hindi kita iiwan."

"Kurt, Payakap muna ah? Mas nawawala kasi ang lungkot ko pag may kayakap ako. Kaya pls. Payakap muna."

"Take all the time you need Bree. Wag mong pipigilan. Iiyak mo lang para maibsan yang lungkot na nararamdaman mo."

Bree's POV

Mabuti nalang talaga at nandito si Kurt sa tabi ko. ANg swerte swerte ko na nagkaroon ako ng bestfriend na kagaya niya. Napakasakit ng narinig ko kanina pero kahit papano nabawasan na ang sama ng loob ko. Napagpasiyahahan naming umuwi na. Ihinatid muna ako ni Kurt sa bahay.

"Ohh, wag ka ng umiyak Bree ha? Ang pangit mo pa naman pag umiiyak ka."

"Aba! Ang sama talaga ng lalaking to."

"Joke lang. Basta wag kang umiyak Bree ah? Promise me!"

uhmm. Mahirap naman magpromise ngayong alam kong di ko kayang pigilan tong mga lintek na luhang ito. pero sige.

"I'll Try not to Kurt. Thank you for your time."

"Your welcome. Basta if you have a problem, just call me. okay?"

"Yes Boss!" Sabi ko sabay salute.

Lumabas na akong ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok na pagpasok ko palang sinalubong na agad ako ni Mama.

"Ikaw na bata! Bakit basang basa ka? Ha? Sakitin ka pa man din! Di ba sabi ko sayo, idala mo yang payong mo palagi! Hay naku!"

"Ma, not now." Sabi ko nalang at dumiretso na agad ako sa kwarto. Sa totoo lang, wala na akong paki kung ano pang sabihin nila. I'm so tired.Ni hindi na ako bumaba para sa dinner. Wala naman akong gana eh. Ano bang problema ko? Bakit ba ako nagkakaganito dahil sa sinabi lang ni Nick? Magkaano ano ba kami? May karapatan ba ako para mag reklamo? Ehh totoo naman eh! Isa naman talaga akong nerd.

Masyado lang siguro akong umasa! Pucha naman oh! Ganito ba talaga kasakit magmahal? Ha? Shet lang. Buong gabi naiyak lang ako. At di ko namalayan nakatulog na pala ako.

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon