Chapter 3:

1K 12 1
                                    

Bree's POV

Papunta na ulit ako ngayon  sa canteen. Bakit kaya ako pa napili gawing slave ni Prince charming Nick? Hay nakuu. Bat ba niya ako kelangan pahirapan? Di ba dapat hindi pinapahirapan ng prinsipe ang prinsesa niya? :(

Dahil sa inis ko kanina nag bad finger ako sa kanya. Ehh kasi naman. Naiinis talaga ako. at ang mas masahol ehh.. nakita pa niya ako nung ginawa ko yun. >.< Bukod sa di na nga natuloy yung kiss namin sa panaginip ko, ginawa pa niya akong slave. FOR THREE effin months! I should be happy right? Kasi nga Prince charming ko siya at mahal na mahal ko siya. Pero hindi! Naiinis ako!

Bakit ba kelangan pa niya malaman yung mga sikreto ko? At ngayon, alam na niya na patay na patay ako sakanya... and that's a big problem.

BREE..kaya mo to.. whoo.. inhale, exhale..yan..good vibes.. keri ko toh. Basta kelangan mo lang sumunod sa prince charming mo. Maging masaya ka..Dumiretso na agad ako sa canteen, at syempre iniiwasan kong makita ako ng mga kaibigan ko.. dahan dahan akong pumunta dun sa counter para bilhin yung ipinapabili ni Nick. Bawat galaw na ginagawa ko maingat. Ayokong makita ako nila Diane baka ulanan na naman ako ng tanong kung bakit ulit ako nandito sa canteen.

"Ate pabili nga po ng coke at palabok"

Nang makabili na ko, nagmadali na akong pumunta sa rooftop.

"Nick! Nandito na yung pinabili mo."

Iniabot ko na rin sakanya yung sukli. At syempre pag iaabot mo yung sukli, magta touch yung kamay niyo di ba? ^_______^ Waaahhh. Ang sarap hawakan ng kamay niya.  Hinawakan ko pa yung kamay niya.. Siguro pag naging kami na nitong prince charming ko, hinding hindi ako magsasawang hawakan ang kamay niya..

"Pwede mo ng bitawan ang kamay ko."  -________-

Bigla akon nagising mula sa imagination ko. Binitawan ko na ang kamay niya.

"ayy sorry."

"You should be.tsk. palibhasa masyado kang patay na patay sakin. Kulang nalang dasalan mo ko."

"Asus. Parang di ka pa nasanay. Ehh halos lahat naman ng babae dito sa school ganun ang tingin sayo ah?"

"Actually, mejo sanay na ako. Pero kahit ganun, di mo pa rin naman maiwasang mairita di ba? Ang gusto ko kasi ehh, yung simple lang."

"Mukhang imposibleng maging normal ang buhay mo ngayong college. Sa gwapo mo ba namang yan di ba? At idagdag mo pa ang pagiging varsity player mo at pagiging mayaman mo at pagiging super duper mega galing mong kumanta at sumayaw tapos -------.."

"Oo na. Masyado ka ng OA sa description mo. Kilala lang naman kasi ako ng tao bilang sobrang perpekto eh.Hindi talaga sila nag bibigay ng effort para kilalanin ako."

"Anung ibig mong sabihin?" 0_o

Grabe, akala ko ba gusto niya yung mga sinasabi ng tao tungkol sakanya..Na siya si Mr. Perfect Guy.Hindi ko lang alam kung anung ibig sabihin niya dun sa sinabi niya.

"Ehh kasi ang nakikita ng tao eh si Mr. Perfect Guy. Pero di nila alam na marami rin naman akong imprefections sa buhay. Kelangan lang talaga nila akong kilalanin ng maigi. Palibhasa gusto na nila ang nakikita nila kaya wala na silang paki sa imperfections ko."

Whoah. Si Nicholas ba talaga itong kausap ko? I mean, hindi siya yung mahangin na kilala dito sa school. Parang nakakapanibago lang.Grabe, wala akong masabi sakanya. May natutunan na naman ulit ako tungkol sa kanya. ^__________^

Sa labas, isa siyang mayabang at makasariling lalaki... Pero pag nagbigay ka ng effort na kilalanin siya, makikilala mo siya bilang SIYA. As in yung tunay niyang katauhan. Isa lang pala siyang simpleng lalaki na gusto ng simpleng buhay. Pero talagang imposible na ata yun kasi nga di ba, ang akala ng lahat ehh siya si Mr. perfect Guy.

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon