Chapter 13:

646 6 0
                                    

Nick's POV

Bakit ganito itsura ng bahay? Ang GULO! Pucha. Ano ginawa ni Miyuki? -_______-'' Ilang oras lang ako nawala parang dinaanan ng bagyo tong bahay! May mga nagkalat na damit sa sahig, may mga CD, DVD, pagkain na nakalagay sa mga furnitures, may mga chocolate, softdrinks, at kung ano ano pa na nagkalat din sa floor. 

"Yuki? What have you done? Nawala lang ako ng ilang oras, nagkalat ka na agad!At nasan sila Manang Nenang at yung ibang maids?"

"Ahh ehh, hehe."

"What?!" sabi ko. Talagang naiinis ako sa ginawa ni Yuki, pero siyempre di ko siya pwedeng sigawan ng grabe kasi baka isumbong pa ako kay tita at kay mommy.

"Kasi kuya, pinabili ko sila lahat ng cake at food para may kainin tayo."

Parang di kapani-paniwala ehh.Pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin tong batang to. Seryoso.

"Ehh bakit wala man lang natira ni isa? Wag mo sabihing lahat sila pabibilhin mo?"

"Ganun na nga po kuya!"^___________^

"Hayy..psshh. tong batang toh talaga!"

"Kuya, paki ayos po ah..At sorry nga pala. Nag-enjoy lang talaga ako at dahil sa sobrang saya ko, ginwa ko ng playground tong bahay niyo. hihi. sigee, kuya. Ayusin niyo muna yan ah? May gagawin lang ako. Hi Ate Bree! Ang ganda ganda mo talaga! Byebye!!"

At ayun, tumakbo na siya pataas. Ano naman kay gagawin niya? -____________-

"uhh. Siguro kelangan na natin tong ayusin Nick."

Sabi ni Bree. Ewan ko pero parang hindi naman siya nabadtrip sa ginawa ni Miyuki.

"Sige. Halika na."

Nagsimula na kaming maglinis. pero parang may napapansin ako.

"Uyy, bree."

"....."

"pssst."

"...."

Aissh! Sabi ko na nga ba eh! Bakit niya ako iniiwasan? Hindi pa ata niya ako pinapansin eh! Ano naman kaya iniisip ng nerd na to?

"oyyyyy Bree!!"

Ayaw mong pumansin ah? Sige nga. Lumapit ako sakanya. Malapit lang siya sa may pader. Ang ginawa ko, kinulong ko siya sa dalawang kamay ko.Ilinapit ko ang mukha ko yung sobrang lapit. Ngulat siya sa ginawa ko. Sino ba naman ang hindi di ba?

"Sa susunod, kung tatawagin kita, tumingin ka. Ang ayoko sa lahat yung hindi ako pinapansin ng taong kinakausap ko. Understand?"

*tsup!*

Ohh, ayan. Mas lalo siyang natulala.

"Hoyy, sarado mo bunganga mo, baka pasukan ng langaw."

"Magnanakaw!"

0_____________0

"Ako magnanakaw?"

"oo! Biglang bigla ka na lang nagnanakaw ng halik! Loko ka talaga!"

"psshhh. Gusto mo rin naman!"

hehe. Mayabang na ba ako masyado? Hindi ah. Nagsasabi lang ng totoo. Nung sinabi ko yun, wala siyang maisip na maisagot.

"tsk.tsk." ayun lang sinabi niya pagkatapos naglinis na lang ulit kami.

1000000000 centuries later.. Finally! Nalinis din ang bahay!

Ayy naalala ko. Wala pala dito sila manang, so ibig sabihin, di pa nadidiligan yung mga halaman ni mommy! PUCHA. Magagalit sakin si mommy pag namatay yung mag halaman niya. Aisshh. Kelangan ko munang magdilig.

"Bree, jan ka muna ah?Punta lang ako saglit sa Garden."

"Ahh. Sige."

Pagkatapos nun, pumunta na ako sa garden at nagsimula ng magdilig. Nang matapos na ako magdilig, isang idea ang pumasok sa utak ko. Ang talino mo talaga nick!hehe. Tinawag ko sia bree.

"BREEEE!!!!"

Mukhang di niya narinig.

"Bree!"

Sigaw ko ulit. Pagkatapos ng ilang minuto, Pumunta din siya garden pero mejo malayo pa siya ng konti sakin.

"Halika, may ipapakita ako sayo. "

"0__________0 Anu naman yun?"

"Ehh kung lumapit ka nalang kaya para makita mo?-.-"

"Sabi ko nga eh. Nanjan na po."

Lumapit siya sakin.

"Ano toh? " Sabi ko, sabay turo sa isang bulaklak.

"Tulips! Duh. Ano namang espe-"

"KYAAAHHHH!!~"

Sumigaw siya kasi paano ba naman binasa ko siya gamit yung hose na pandilig. HAHAH! Nakaktawa talaga siyang paglaruan.

“WAHAHAHA!! Ayan kasi! Lalapit lapit ka.”

Habang tawa ako ng tawa di ko napansin na nabitawan ko nap ala yung hose at agad niya itong kinuha at itinutok sakin.

“Aba! Basahan pala ang gusto mo ah? Sige humanda ka sakin!” Sabi ni bree. Tutok na tutok sakin yung hose. Tumakbo ako palayo sakanya at hinabol niya rin ako. Hindi pwede to. Hinding hindi ako magpapatalo sa babaeng to. Tumakbo ako sa sa isa pang hose. At binasa ko din siya.

“Ayaw mong sumuko ahh. Oohh eto pa!!!”

Sabi ko. Hahaha. Tawang tawa talaga ako!!! Ang saya pala nito.

Umatras siya konti kaso biglang nadulas, pero bago pa man siya mahulog sa may damuhan, tumakbo agad ako papunta sakanya at sinalo siya.

Bale, hawak hawak ko siya ngayon. Tapos sobrang lapit ng mukha namin. Pareho kaming nabigla. Unti unti kong inilapit ang mukha ko sakanya. Pinikit naming pareho an gaming mga mata nang biglang…

 "Kuyaaa!! Gusto niyo magmeryenda? Naghanda po ako ng makakain natin!!OOOPPSSS!"

[a/n: next chapter nalang po yung katuloy nito. Wait lang. ^___________^]

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon