Bisperas ng Undas.

275 6 0
                                    

Story By: Shane Lope & Gina Leido ..

October 31, 2012
A/N: Si Shane at Gina po ay Bestfriends ko.
-
-
-
-

Third Year High School kami noon , at kasalukuyang Pang gabi ang uwian namin dahil alas dose Ng tanghali ang simula ng Klase namin. Habang nagtuturo ang Guro namin na Si Mrs. Madonna Campo ay Bigla nalang nag brownout .. Nagkatakutan kami dahil bisperas iyon ng Undas . Samantalang ang iba naman sa mga kaklase ko ay pumunta sa unahan at nakipagkwentuhan sa teacher namin tungkol sa mga multo. Pero Bago nila Simulan yun ay nagpabili muna si Ma'am ng kandila sa isa sa mga kaklase ko. Ng makabalik sya bitbit ang kandila ay kasalukuyan ng Nagsisimula ang Kwentuhan nila. Samantalang Kaming tatlo ng Bestfriends ko ay nakikinig Lang sa kanila .. Napansin namin na nagtake ng Pic. ang mga kaklase namin kasama nadin dun ang guro namin at di manlang naisip na mag-uundas na at bka may mahagip sila sa litrato. Hndi kami nagkamali dahil ng Tignan nito Ay may nahagip na liwanag sa tabi ni Ma'am at Nagmistulang hugis tao.. Napaka imposible naman na kandila iyun dahil Puti ang Liwanag samantalang madilaw ang kulay ng ilaw ng kandila .. At imposible din na mag reflect ang flash ng Cellphone na gnamit .. Nagkatakutan ang mga kaklase ko ngunit itinuloy padin nila ang pagkwekwentuhan .. Habang ang iba naman sa mga kaklase kong lalake ay nagkwekwentuhan at nagkukumpulan .. Narinig ko si Mark na sinbing Magrecord daw sila .. At nung nagrecord sila Ay may nahagip na boses ng isang babae ang parang nag Whisper Lang. imposibleng kami yun ng mga kaibgan ko dahil tahimik lang naman kami sa isang tabi ..

At ng sumapit na sa Alas Syete ng Gabi nagpasya na si Ma'am na pauwiin ang mga Studyante nya .. Napansin ko ang iba sa mga kaklase namin na nagmamadali sa pag-labas dahil sa Urban padaw sila dadaan ..

'' Shane bilisan mo naman maglalakad lang kaya tayo! '' Sabi ni Ginalyn na halatang natatakot.

Malayo-layo din kasi ang lalakadin nila ngunit ayaw naman nilang mamasahe dahil nagtitipid sila at madami naman daw silang makakasabay sa Paglalakad.

'' Beth Tara na Baba na Tayo '' Sbi nilang dalawa sakin saka kami Lumabas ng Gate.

Nung malapit na kaming mag hiwalay ng daan ay nag Babye sila sakin tyaka nila ako isinakay sa tricycle.. Nung makarating ako sa amin Ay nakatanggap ako ng Text message mula sa Bestfriend ko na si Gina.

1Messaged Received
From: BFF Gina.
Uy Beth natatakot Kami ni Shane. May ikwekwento ako sayo :/

Nagtataka naman ako kung ano ung sasbhin nila. Napaisip naman ako at dahil magulo ang Imahinasyon ko ay Bka napagtripan kako sila ng Adik sa Kanto. Kaya naman agad akong nagreply sa kanya at tinanong ko sya kung ano ang nais nyang sbihin sa akin.

1Message Received
From: BFF Gina.
E kasi Beth diba naglakad Lang Kami ni Lope ? Sa Cattleya Street kami dumaan. Habang naglalakad kami may kasbay kami sa may unahan namin.. Tapos nung malapit na kami sa Urban Nag iba sila ng Way kaya kaming dalawa nalang ni Shane ang naglalakad. Habang naglalakad kami may napansin kaming Babaeng nakaputi sa may Puno ng Sampaloc. Akala panga namin nung Una Prank lang Kaya nagtatawanan pa kami ni Shane.. Pero nung nilingon ulit namin yung Babae nakalutang Sya Beth. Nakakatakot kasi Wala namang Bahay malapit sa may Puno na yun.. Beth Multo Ata yung nakita namin. kaya nagmadali kaming tumakbo ni Shane .. Sa sobrang pagmamadali namin nagka hiwalay kaming dalawa dahil sa iba sya dumaan. Kinilabutan ako at hanggang ngaun nakatatak padin yun sa isip Ko ..

Madali Lang naman para sa akin ang maniwala sa kanila dahil nakaranas nadin ako na makakita ng multo. Maraming Sabi-sabi na madami daw talagang nagpapakita na multo sa Urban Tatala Binangonan Rizal lalo na kapag pasapit na Ang Undas.. ganun din kasi ang nangyari sa tito ko na mula trabaho dumaan sa Urban at may muntik masagasaang Bata kaya sya nasemplang ngunit nung Hnanap nya ung Bata upang tignan kung Ok lang at di ba nasugatan ay Hndi nya naman ito nakita. Isa lang itong patunay na ang Batang nakita nya ay isang mapaglarong Multo.

A/N: Keep On Voting po Salamat. Follow me if you want too. Wait for more Chapters of My Story Thank You So Much ♥

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon