Chapter three: Music Box

212 5 0
                                    

Story By my Mother .
Year 1997 :)
Place: Taytay Rizal.
-
-
-

Pitong Buwang buntis daw noon si Mama sa akin. at Dahil nag-iisa sya sa Bahay at nagtratrabaho si Papa at ang Magulang nya naman at mga kapatid ay may pinagkaka abalahan naisipan nyang papuntahin noon ang Pinsan kong si Ate Nikki Para sa gayon ay mabawasan naman ang Lungkot nya. Dahil napaka masayahin at mabait na Bata ang Pinsan kong iyon Nasisiguro niya na malilibang sya kahit papaano.

Ipinakisuyo ni Mama na sunduin si Ate Nikki sa isa sa mga kapit bahay namin dahil masyado pang Maliit si Ate Nikki noon Para magpunta ng mag-isa kay Mama.

Ng makarating sa Bahay si Ate Nikki ay napansin ni Mama na hndi nito bitbit ang paborito nyang manika bagkos ay may hawak itong isang Music Box . Nagpaganda dito ang Kulay Pink at kulay Gold nitong Kulay na naka pukaw ng atensyon ni Mama.

'' Nikki nasan ang Paborito mong manika ? bkit hndi mo dala? '' Pagtatakang tanong ni Mama sa Pinsan ko.

'' Nasa Bhay po tita.. Eto nalang munang music box ang dinala ko '' Sagot naman ng Pinsan ko.

'' Eh ngaun ko nga lang nakita yan iha. Maganda sya san galing yan? ''

'' Padala daw po ni Lola Mama mula sa Canada. Natutuwa lang po ako dahil kada bubuksan ko ito ay nagagandahan ako sa tunog at may babae pang umiikot-ikot''

Third Persons POV:

Nung makita daw ng mama ko ang music box na iyon ay sobra syang namangha sa di maipaliwanag na dahilan samantalang napaka Ordinaryo lang nun at karaniwan na naman daw syang nakaka kita ng ganun. Pero parang may kakaiba daw talaga doon Kaya paulit ulit nya itong binubuksan dahil sa magandang tunog nitong nililikha. Pakiramdam nya daw kasi ay pati ang Baby nasa loob ng sinapupunan nya ay nag Eenjoy din kagaya nya.

Habang Masarap na nagkwekwentuhan si Mama at ang pinsan ko ay bigla syang nakaramdam ng gutom. Naalala nya na hndi panga pala sya nakakapag luto ng pananghalian dahil nakalibang sya sa Oras.

'' Iha iwan muna kita dito sandali ha? Magluluto lang muna si tita ng Kakainin natin :) ''

tumango lang naman ang pinsan ko kay mama bilang Sagot sa sinabi nya.

Habang nagluluto si Mama ay nakarinig sya ng mga yapak ng Bata sa taas katapat sa may kusina. Naisip nya na bka umakyat sa taas si Ate Nikki at dun naglaro. Kinabahan si Mama kaya umakyat sya ng hagdan upang tingnan si ate ..

Ngunit laking Gulat ni Mama nung Hindi nya nakita si Ate Nikki sa taas kahit sa mga kwarto ay wala ito. Napansin nya ang Music Box ni ate Nikki doon sa Rocking chair ni Lolo't Lola .. Hndi nya ito pinakelaman dahil Bka hanapin iyon ni Ate Nikki doon .. Ang Pinagtataka lang ni Mama ay may naririnig syang yapak mula sa taas pero wala naman palang tao dun.. Kaya naman bumaba ulit si Mama Para hanapin ang Pamangkin nya..

Dahil nga sa buntis si Mama ay nahihirapan na sya sa pagpanik panaog kaya Dahan dahan nalang syang bumaba ng Hagdan ..

Nakita nya si Ate Nikki noon sa Sala habang kumakain ng Ice Candy.

'' Nikki san ka galing? Diba sbi ko syo dito kalang muna dahil magluluto ako!'' Inis na tanong ni Mama sa Pinsan ko.

'' Sorry po tita .. bumili lang po ako ng Ice Candy kay Nana Belen ''

'' Eh bakit hndi ka nagpaalam sa akin? nag-alala ako sayong Bata ka .. Ako malilintikan sa magulang mo pag may nangyari sayo eh. ''

Napansin noon ni Mama na patulo na ang luha ni Ate Nikki kaya naman hndi na nya itinuloy ang panenermon dito.

'' Nikki yung Music Box mo naiwan mo sa taas . ikaw na ang kumuha't nahihirapan na akong umakyat ''

'' Paano naman po mapupunta yon dun? hndi naman po ako umaakyat dun? Eto po yung Music Box ko o. ''

Nagulat si Mama nung inilahad sa kanya ng pinsan ko ang music box nito. Kinilabutan si Mama dahil Hndi daw sya namamalik mata at malinaw nyang nakita ang Music Box ni Ate Nikki sa Taas. mas Lalo pa syang kinilabutan ng Maalala nya ang mga yapag na narinig nya mula sa taas. Napakunot noo si Mama at naisip na bka may mapaglarong kaluluwa ang nagpaparamdam sa Kanya ..

A/N: Madami daw po talagang mapag larong kaluluwa sa lumang Bahay na yun. Nakakita nga daw dun ang isa Sa mga kapit-bahay nila ng babaeng nakaputi sa Beranda.

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon