CELLPHONE

92 1 0
                                    

(A/N: Dedicated to: madamebabywannabe)

Sino dito ang na Curious din sa nausong Gimik sa Blue and Black and White and Gold na dress na nag viral sa Social media? May iilan sa atin na Blue and Black ang tingin doon at may ilan namang White and Gold..

Sa totoo Lang White and Gold talaga ang tingin kong kulay ng Dress nayun. Buhat ng sobrang pagka curious ko e may na click akong Video.. At di ko naman inaasahang sa hulihan ng Video ay may Prank! alam nyo yung mga video na may pang gulat sa dulo? Well, Ganun po yung na click ko kasi ang buong pag-aakala ko talaga tungkol lang iyon sa White and Gold/Blue and Black Dress.

So Eto po ang Kwento..

Nung mahimasmasan ako e inulit kong panuorin yung Video, Kasama ko panga noon ang kapatid ko sa panonood. Pero di namin inasahang ang Prank sa Video ay tatakutin kami ng Literal. Hndi na gulat kundi takot..

Nung makaramdam kami ng Kilabot ng Kapatid ko ay Inoff ko yung cellphone ko, Pero Laking pagtataka namin ng kapatid ko kung bakit muli naming narinig yung nasa Video samantalang naka Off nanga yung Cellphone ko, Nagturuan pa kaming dalawa na bka kako sa kanya yung tumunog. Pero napaka imposible talaga dahil nung mga oras na yun e nakasalpak ang Earphone ng kapatid ko sa kanyang Cp, At isa pa wala syang ganung Video..

Nung muli kong kunin yung Cellphone ko, dun na kami kinilabutan ng husto pagkat hindi na ito naka Off. At Nasa may mismong Video pa ito nung dress nung in-unlock ko..

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon