FREE RIDE

65 1 0
                                    

''When you walk at night, your weight is heavier than in the morning. it's because some spirits is hanging on your shoulder for a free ride''

Yung Quotes sa itaas ay may kaugnayan sa kwento ng Pinsan kong si Eduard.

Bata pa noon si Ed, Nasa ikalawang baitang siya sa Elementarya ng mapagtanto ng kanyang magulang ang madalas na idaing sa kanila ng kanilang anak. Madalas daw kasing mabigat ang Balikat nito Kaya't mabilis na nangangalay..

Dinala sya sa Doctor pero wala namang nakitang sintomas ng sakit sa kanya.

Isang araw napatawag sa Eskwelahan ang Nanay ni Ed sapagkat nanaksak daw ito ng lapis sa kamay ng Kaklase at pinagpupunit ang mga Notebook nito.. Nung araw na yun, Di nila mapigilan ang ikinikilos ng pinsan ko kaya napagdesisyunan itong dalin sa albolaryo..

Dun nila napag-alaman na may Masamang Elemento ang madalas na naka saklang sa balikat ng pinsan ko at dun din namin nalamang lahat ng masamang kinilos ng pinsan ko nung araw na yun ay sya ring binubulong ng Engkanto. Makailang beses naulit ang pangyayaring iyon dahil nahirapan silang paalisin ang Engkanto dahil masyado daw itong malakas.

Makalipas ang ilang buwan, Matapos dasalan at paalisin ni Ka Ine sa katawan nya ang Engkanto e sya ring pagbalik ni Eduard sa kanyang sarili..

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon