Tagu-taguan

50 1 0
                                    

Tagu-taguan usually play at Night. Mas damang-dama daw kasi ang presensya ng laro sa ilalim ng bilog na bilog na buwan.

***
Tagu-taguan Maliwanag ang buwan!
Wala sa Likod,Wala sa harap.
Pagkabilang kong sampu nakatago
na kayo.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

"Hoy! Kayong mga bata kayo. Gabing-gabi na naglalaro pa kayo! halina't pumasok na kayo dito sa loob ng bahay at baka mapaglaruan pa kayo ng Engkanto."-Sigaw ni Nana Belen sa kanyang mga apo na kasalukuyang naglalaro sa labas ng kanilang bahay

"Alas Syete palang naman ho Lola. nandito lang naman po kami sa loob ng bakuran, hindi napo kami lalabas ng gate."

"Nako Kayo talagang mga bata kayo! Ang titigas ng ulo nyo."

"O Diana ikaw naman ang taya ngayon ha? Nahuli kita e. Hindi mo manlang binilisan ang takbo mo para maka base ka e."

"Kuya Naman! ako nalang lage"

"Sige na Diana. Kung ayaw mo Edi wag kanalang sumali sa amin"

Napilitan Noon ang pitong taong gulang na si Diana sa kuya nya dahil ayaw nyang hindi siya isali sa kanilang laro. Malawak naman ang kanilang bakuran kaya sapat na para makapaglaro sila ng tagu-taguan.

humanap si Diana ng pinakamalapit na puno at doon nya niyupyop ang mga braso nya pati nadin ang kanyang ulo.

"O Sisimulan ko na ha?"

Tagu-taguan Maliwanag ang buwan!
Wala sa Likod,Wala sa harap.
Pagkabilang kong sampu nakatago
na kayo.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

"Game na?? Kuya Game na?"

"GAME!"- Sigaw naman ng kuya ni Diana at ng mga pinsan nito.

Nagsimulang maglakad si Diana at nagsimulang mag hanap.

"Boom Ate!"

Nag-unahan silang tumakbo sa Base at nauna si Diana.

"Boom Kuya!"

Nagtaka si Diana dahil hindi umalis sa pwesto ang kanyang kuya. kaya inunahan padin nya ito sa base!

pero Laking pagtataka nya ng makita nya ang kanyang kuya na nandun na pala sa base nila.

"San ka dumaan kuya?"

"Haha. San ka ba galing Diana? Kanina pa ako nandito O."

"Kuya nakita kita sa likuran ng Poso. dun ka nagtago diba?"

"Ano ka ba diana di ako pumupunta dun. Dito lang ako nagtago sa likod ng pintuan. Anong pinagsasabi mo?"

"Pero kuya nakita talaga kita dun."

"Bakit ba mas maalam kapa saken?"

Nanakbo si Diana sa loob ng kanilang bahay dala ng sobrang takot. At agad na ikwinento sa kanyang lola ang kanyang nakita.

"Apo may Nakikipaglaro sa inyo. Halika na't magsipasok na kayo dito sa loob ng bahay. ang titigas kasi ng ulo nyo, di kayo marunong makinig sa matatanda"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon