Selfie

66 1 0
                                    

Last Year pa ito nangyari. Undas din noon (Nov. 1, 2014)

Nabansagan ako noon na adik. ADIK DAW SA SELFIE .. Dahil wala atang araw na di ako nag capture sa sarili ko.. Ngunit ang pagiging Selfie addict ko ay nagbago simula nung araw ng undas.

Kumuha ako noon ng salamin at suklay tyaka ako pumasok ng kwarto, Alam ko kasing mapapagalitan ako ng Mama ko pag nalaman nyang magseselfie na naman ako Lalo na't undas at maraming nagkalat na kaluluwa sa paligid at tyaka ho yung likuran ng bakod namin ay sementeryo. Umakyat ako sa Double dec Bitbit ang Cellphone ko Nakailang take din ako ng pictures nun..

Pero nung tiningnan ko na isa-isa yung mga picture. Napatalon nalang ako sa double dec ng mapansin ko yung picture kong nagmukhang  Bloody .. at nung sinubukan kong baliktarin yung cellphone ko napansin kong may mukhang nakapabaliktad sa mukha ko.. nagmukha syang Mash-up pero naka baliktad lang .. Lalake ito na matalim ang tingin, duguan at mahaba ang balbas ..

I was about to delete the picture pero Biglang nalobat yung Phone ko.. at nung nag charge ako Pinakita ko iyun sa Mama ko .. Miski sila natakot. Binalak ko nga din na iupload yun sa Fb pero napagalitan lang ako.

Hndi to biro.. Totoong may Lalakeng duguan sa picture.. Sa una di mo sya manonotice agad kasi blurry at shadow lang yung Lalake.. Pero pag tititigan mo, talagang makikita mo yun. Di lang iyon, The same day, the same selfies may isa pang picture na naka agaw ng pansin ko.. Kasi sa likuran ko may batang nakaupo at nakayupyop sa mga tuhod nya.. Naka T-shirt syang puti at kalbo sya..

Simula nun.. Hindi na talaga ako nagselfie sa kwarto namen..

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon