Kaluluwa sa katawan ng Pusa

137 2 0
                                    

''Ghost have sense of humor and love to hear human laugh. The more you laugh, the more you attract ghost''

A/N: This Story is from my Cousin. (Itago nyo nalang sya sa pangalang Tinay) . Nga po pala, Maikli lang ang kwentong ito :)
-
-
-
-
-
Maganda at masayahing dalaga ang pinsan kong si Ate Tinay. Di Mapagkakailang maganda sya dahil madaming lalake ang humahanga sa kanya. Hanggang sa isang araw ay napag desisyunan ng kanyang Mama at Papa na mangupahan muna sa apartment malapit sa kasalukuyan nilang bahay. Sapagkat lumalaki na ang kanyang mga kapatid at hindi na nila kayang magsiksikan pa sa maliit at maingay na bahay.

Malaki at maganda ang Bahay, Ngunit nakakatakot ang may pagkaluma nitong itsura. Bawat sulok ng bahay ay nilagyan nila ng asin. Maging sa Dalawang Kwarto at Dalawang banyo doon. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nararamdaman ko nung mga araw na yun, Pero habang nag-aayos ng mga gamit sila ate Tinay e bigla nalang akong kinilabutan nung mapasok ko ang Kubeta na pumapagitna sa dalawang Kwarto. Malawak yun. May maliit na lababo at may may Maroon na Bathtub sa bandang dulo na talagang nakakatakot ang kulay at itsura.

''Ate tinay, Nakakatakot naman dito sa dating bahay nila Ka Celine. Malaki nga nakakatakot naman.''

''Magpapa bendisyon naman e.''-Sagot nya sa akin.

''Ate..Ateee Kinuha ko na yung mga pusa natin dun sa Shop''-humihingal ang kapatid nyang si yeye habang bitbit ang kahong may lamang mga pusa.

''Lagyan mo sila ng mantika sa ilong para di na umalis dito''-Narinig kong sigaw ng Mama nila. At gnawa naman yun ng pinsan ko.

-----

Lumipas ang mga araw, Nakapagbedisyon nadin Sila. Ngunit kasabay ng paglipas ng araw ay sya ring pagbabago ng ikinikilos ng pusa nilang si Puti. Napaka ilap na pusa nun, Ngunit ng Lumipat sla sa bhay na yun e bigla nalang itong nagbago. Naging Malambing sya sa pinsan kong si ate tinay. Ngunit sa amin walang pagbabago. Kahit saan pumunta ang pinsan ko sa parte ng bahay na yun ay sinusundan sya ni Puti. Nung una natutuwa pa sila sa kalambingan na ipinapakita nito. Ngunit simula nung nahirapan ng matulog si ate at madalas bangungutin ay nagdesisyon silang magpatawas kay Nana Ine. Napag-alaman sa tawas na pusa daw ang may kagagawan neto. pero di Literal na pusa dahil ang pusa daw na iyon ay may saping maligno na siya ring nagkakagusto sa pinsan ko.

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon