Friday The 13th

151 4 0
                                    

Story Since 1993
-
-
-
Itago nyo nalang ako sa Pangalang Nessa. Araw iyon ng Biyernes ng magkayayaan kaming magkakaibigan na Magmovie Marathon sa Bhay ni Mikaella. malapit iyon sa bukid kung saan kaunti lang ang nakatirang tao kaya't napaka tahimik sa kanilang Baryo.

Habang naglalakad kaming magkakaibigan ay napahinto ako sa Tapat ng puno ng Acacia na tumutumbok lamang sa kanilang bahay. Nakaramdam ako ng kakaibang kilabot ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa aking mga kasama.

''Nessa Anoba. Ang Bagal mo talagang maglakad''- Sigaw sa akin ni Isang. Isa sa mga kasamahan ko.

''E Kasi masakit na itong paa ko. Ang layo ba naman ng nilakad natin e''- Pagdadahilan ko nalang sa Kanya.

Ng marating namin ang munting Kubo nila Mikaella ay sinalubong agad kami ng Nanay nya.

''O Sakto ang dating nyo. Katatapos ko lang magluto ng Ginatan. Halika't makakain kayo''- Pag-aalok sa amin ng Nanay nya.

Pumasok kami sa loob ng bahay at napansin kong madaming gamit ng isang Albularyo. May mga halamang gamot at mga inuming di kaaya-ayang tingnan .. Napansin naman ako ni Mikaella na minamasdan ang mga iyon kaya napa baling ang tingin ko sa kanya..

''Nessa bka iniisip mong Isang mangkukulam ang aming pamilya?''- Bulong nya sa akin.

''Ay Hndi Mikaella, Alam kong gamit ito ng isang albularyo .. Namangha lang ako dahil di ko inakalang nanggamot din kayo''- Sagot ko naman sa kanya.

''Bakit yan din ba ang trabaho nyo?''

''Si Lolo. Dati syang albularyo pero pumanaw na sya tatlong taon na ang nakakaraan''

''Kung gayon ang tinutukoy mo ba ay si Tata Syoning? Kilala namin sya dahil isa sya sa mga pinaka kilalang albularyo sa bayan ng San Carlos dati.''

''Oo siya nga.''

''Anak halika muna kayo dito. Lalamig ang niluto ko''-Pagtawag naman ng Nanay ni Mikaella sa amin.

Kaya't lumapit kami sa lamesa at nagsimula ng Kumain.

Habang kumakain kami ay biglang umihip ang malakas na simoy ng hangin, na ikinadahilan ng pagkalagas ng mga dahon sa puno. Hindi ko alam kung namamalikmata ako, Dahil kasabay ng pag bagsak ng mga dahon ay may nakita akong babaeng nakasuot ng itim na bandana sa may ilalim ng puno ng acacia. Ngunit ng ito'y aking muling lingunin ay wala na ito rito. Binalewala ko ang tinutukoy ko at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. kahit ang totoo ay sobra sobra na ang aking kilabot dahil sa kakaibang nararamdaman sa kanilang lugar.

''Hoy Nessa! Ano kaba. Ang lakas na ng hangin pinagpapawisan ka padin.''- Wika ni Nelson. Ang Bakla naming kaibigan

''Mikaella matanong ko lang, May matandang babae ba kayong kapitbahay na madalas tumambay sa puno ng Acacia?''-tanong naman ni Isang na ikinabigla ko.. Kung gayon e, Nakita rin nya ang nakita ko at di ako namamalikmata?

''Ha? Matandang babae?''- Pagtatakang tanong naman ni Mikaella.

''Oo, kada kasi pumupunta ako rito para gumawa ng ating proyekto ay madalas ko syang nakikita sa ilalim ng punong iyon, Ang ipinagtataka ko Lang ay laging iyon ang suot nyang damit at bandana sa tuwing makikita ko sya. Isa pa , matalim ang mga tingin nya sa inyong Bahay.''-Sagot ni Isang.

''Ngunit wala kaming kapitbahay na Matandang Babae, Dahil ang mga nakatira dito sa lugar nato ay karamihan kamag-anak namin. Isa pa ni minsan wala akong nakikitang matandang babae sa ilalim ng puno nayan.''-Sa sinabi nyang iyon ay muli nanaman akong kinilabutan. Kaya't di na ako nakapagpigil at sumabat nadin sa kanilang usapan.

''Nakita kodin. Kani-kanina lang''- Pagdugtong ko sa kanilang usapan.

''Kung gayon? kayong dalawa lang ang nakakita?''-Urirat ni Nelson.

''Kilala ko sya''- Sagot sa amin ng Nanay ni Mikaella.

''Ano Po Ma?''

Umupo ang nanay ni Mikaella sa tapat namin at nagsimulang magkwento.

''Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero totoo itong ikwekwento ko sa inyo, Ang Matandang Babaeng nakikita nyo ay ang aking Ina na anim na taon ng Patay. Malaki ang galit nya sa akin dahil isa ako sa dahilan kung bakit sya namatay. Araw iyon ng Biyernes August 13 1993, Lumapit ako sa kanya kasama ang kapatid kong si Lucilia na sa kasamaang palad ay buntis ng 3 weeks. Ipinagtapat namin iyon kay Ina at inasahan na naming magagalit sya kay Ate na nagbuntis sa di wastong edad. Dahil isa syang Aborsyonista ay ninais nyang ilaglag ang dinadala ni ate dahil masyado padaw itong bata at masisira daw ang reputasyon nito sa ibang tao. Ayaw pumayag ni Ate dahil kasalanan daw sa Diyos ang gagawin sa kanya ng aming ina. Ngunit pinipilit syang hilahin nito kaya't naitulak ko si Ina na ikinadahilan ng pagkabagok ng kanyang ulo. Natulala ako sa sobrang takot. Namatay si Ina at hanggang ngayon ay hindi nya padin ako napapatawad. Kaya pag sasapit ang friday the 13th ay madalas syang nagpapakita habang matalim ang tingin at tumutulo ang luha. Hindi lang sya sa akin nagpapakita, Kung minsan ay nakikita din sya ng ibang tao. Ilang beses ko nang pinagdasal ang kaluluwa nya pero hndi padin nya ako nilulubayan. Noong araw nga na pinagbubuntis ko si Mikaella ay Madalas syang magpakita sa akin at halos pinapatay ako sa takot at binibingi sa mga salitang binibitawan nya katulad nalang ng ipalaglag ko daw ang anak ko. Hindi ko na tuloy alam kung kaluluwa pa iyon ni ina o isa na iyong Diablo.''

Kinilabutan ako sa sinabi ng nanay ni Mikaella at doon ko lang napagtanto na araw pala ng biyernes at natapat pa sa ika trese. Kahit si Mikaella ay walang ka alam alam dito. dahil inilihim ito sa kanya ng mahabang taon at ngayon lang inungkat sa amin.

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon