Chapter 4: Bakanteng Lote.

217 5 0
                                    

Story po ito ng Author ツ
Year: 2006
Place: Antazo Subdivision Dalig Binangonan Rizal.
-
-
-
-

Ako si Jaya. Walong taong Gulang ako nung makaramdam ako ng Kilabot malapit Sa Tinitirahan naming Bahay.

Nagpaalam ako sa Mama ko na makikipaglaro lang ako sa labas Kasama ang mga kaibigan ko.. Ang sabi pa nya sa akin ay wag na wag daw akong Lalayo dahil masyadong delikado dahil medyo kalilipat lang namin. Sumagot naman ako sa Kanya ng Opo dahil alam kong mapapagalitan nya ako pag hndi ko nasunod ang gusto nya. ayaw nya kasi ng matigas ang Ulo..

Habang nasa Labas ako ng Bahay namin Kasama ang Kaloro kong si Dianne, Mariel at Joyce ay di ko maiwasang Mapatingin sa Bakanteng Lote malapit sa pinaglalaruan namin ng Piko at Chinese Garter. Napansin naman ako ni Mariel na Kanina pa tingin ng tingin doon.

'' Bakit kanina kapa tingin ng tingin don sa bkanteng Lote '' Pang-uurirat sa akin ni Mariel ..

'' May nakatira ba doon? May nakita kasi akong tao. '' Sagot ko naman sa kanya na halatang nagtataka dahil nga ang sabi nila ay Bakanteng Lote daw iyun.

'' Wala no! Kaya nga Bakanteng Lote '' Sagot naman ni Joyce na mas matanda ng Dalawang taon sa Akin.

'' E Sino yung -- ''

Di ko na naituLoy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Dianne.

'' Baka naman nangangalakal lang yun. Kasi madaming tambak sa loob nyan e ''

Pero kahit anong pagpapaliwanag ng mga kalaro ko ay hndi ko padin maiwasang ma curious. Kaya niyaya ko sila na bka Pwde nila akong Samahan sa loob dahil gusto kong makita ang Loob neto.

'' Punta tayo dun? tingnan lang natin. '' Pagyayaya ko sa mga kaibigan ko.

'' Ususyera ka panga! ang Baho kaya dyan '' Sagot naman ni Joyce.

'' Ikaw kahit kelan ka talaga ang arte arte mo. Gusto lang naman nya makita.. Edi kung ayaw mong Sumama umuwi ka nalang tutal e ayaw kadin naman naming kasama '' Mahabang Litanya ni Mariel dahil nabubugnot na sya kay Joyce.

Pero di naman naka tiis si Joyce at sumama naLang ito sa amin. Wala naman na syang choice dahil wala syang makaka sabay sa Pag-uwi nya..

'' May may-ari pa kaya ng Lote nato '' pagtatanong ni Dianne.

'' Sguro meron pero di lang nila nbibisita. '' Sagot naman ni Mariel.

'' Sayang No? Sana ibinenta naLang nila '' Sabat ni Joyce.

'' E bakit ba nangengealam kapa? '' Sagot naman ni Mariel.

Tong Dalawa talaga nato Hndi magkasundo kung minsan. Medyo mainit kasi ang dugo nila sa isat-isa.

Habang Nagtatalo Silang Dalawa ay may nakita kami ni Dianne na isang Malaking Pisara. May nakasulat dun na Luciper.. Napalingon ako sa Gilid ko nung may naaninagan ako na dumaang tao. Pero nung Lumingon ako sa likod ay magkakausap silang tatlo. Sino kaya ang taong dumaan sa may Gilid ko?

'' Ate Joyce may tao pbng iba dito bukod sating apat? '' Tanong Ko kay Joyce.

'' Diba sbi mo may nakita kang tao dito kanina? bka iyun un. ''

'' Samahan mo ako tingnan natin sa may likuran ng Lote? ''

Naglakad kaming Apat papunta sa likod ng Bakanteng Lote kung saan nakita kong dumaan ang taong nakita ko sa Gilid ko Kanina. Ngunit ng Makarating Kami doon ay walang Tao at May Malalaking Kahoy at bakal na naka tambak.

'' Alam mo Bka namamalikmata kalang na may nakita ka. '' - Mariel

'' Hndi e. may nakita talaga ako. Posible Kaya na -- ''

Di ko naituloy ang sasabihin ko ng may marinig kaming isang malakas na kalabog mula sa Loob ng Bakanteng Lote. At nung pumasok kami ay nadatnan naming nakatumba ang pisarang Kanina lang ay tiningnan namin ni Dianne.

'' Tulungan nyo ako iangat natin bka Mapagalitan tayo ng may ari neto '' - Joyce

'' Osge tara! ''

Nung itinayo naming apat ang Pisara Nagulat ako ng Mapansin ko na malinis na ang Pisara na kanina lang ay may nakasulat na Luciper.

'' Dianne? ''

'' Bkit? ''

'' Diba nung tiningnan natin kanina tong pisara may nakasulat dito? '' - Pagtatanong Ko kay Dianne upang Linawin sa Kanya.

'' Oo nga no? Bkit kaya nawala! Eh imposible namang mbura agad agad yun. ''

Nagkatakutan Kaming Apat ng biglang Lumakas ang ihip ng hangin at biglang may Sumitsit sa amin. E Halos libutin nanga namin ang Bakanteng Lote kanina pero wala talaga kaming nakitang tao doon.

Napaiyak si Dianne ng magtakbuhan kaming tatlo at maiwan syang mag-isa. Hrap kasi syang tumakbo dahil may Hika sya. Nung tipong Babalikan namin sya napa atras ako ng makita kong mula sa likod ni Dianne Ay may nakatayong Matandang lalake.

Makaluma ang suot nito at nanglilisik ang mga mata. may dugo sa kaliwang Braso at Nakatutok ang mata nya kay Dianne. Kinilabutan ako nung makita ko iyon. Hndi pamilyar ang mukha nya sa akin.

Binalikan nila Mariel Si Dianne sa Loob ng Bakanteng Lote . Samantalang ako ay nag-intay nalang sa labas.

Ng Makita ko na silang papalabas agad kong Hnila si Mariel.

'' May nakita kang matandang lalaki sa loob? '' Pagtatanong ko sa kanya at Bakas sa mukha ko ang Takot.

'' Wala bkit? tayong apat lang naman ang tao dun kanina diba? ''

Mas Lalo akong Kinilabutan sa Sinabi nya. Kung gayon ay ako Lang Pala ang nakakakita dun sa Matandang lalake.

PS: Ang Bakanteng Lote na iyon ay nakatayo malapit sa Sapa na kung saan ay medyo malapit din sa Sementeryo .. Ang nakita kong Matandang Lalaki ay Hndi tao Kundi Isang mapaglarong-kaluluwa na nagbabantay sa Bakanteng Lote na iyon. Ang Pangalan ng Karakter ay Aking iniba upang Hndi maka apekto sa Kanilang buhay. Ang Iba sa mga detalyeng usapan ay Gawa ko nalang dahil hndi ko na tanda ang totoong Pinag-uusapan namin. Ngunit ang Karamihan dito ay Pawang Mga katotohan Kabilang na dito ang Multo ng Matandang Lalaki.

A/N: Wait for more Chapters. Add me On facebook at Jayamarcelodeleon@y.c You may Share your experience to me. at kung hahayaan nyo po sana ako na idagdag yun sa Compilation na ito ay tatanawin kong isang utang na loob.

Vote And Comment For the Next Chapter. Follow me if you want too. Thank You So much.

-Verlanceprincess ♥

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon