KUBO

71 1 0
                                    

Nag Overnight noon ang mga kaklase ng pinsan ko sa kanilang bahay upang gumawa ng kanilang proyekto.

Kwento sakin ng pinsan ko na hindi daw mapakali ang isa sa mga kaklase nya noon, Kaya naman daw tinanong nya ito kung ano ang bumagabagag sa kanya.. Tumahimik lang daw ito at tumingin sa kanya ng Diretso.

Binulungan daw sya ng kaklase nya ng ganto ''Sa Kubo nyo!''  Naguluhan ang pinsan ko kaya inalam nito kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kaeskwela ..

Napag alaman naman nyang may Third eye ito at kung ano-anong elemento daw ang nakikita nito sa Kubo.. May mga itim at puti daw na kaluluwa roon na Tumira simula nung di nakikilusan ng mga tao. Ang sabi pa nga daw nito ay di naman daw ito nananakit basta daw e wag itong gagambalain.. at isa narin daw na mabisang paraan e yung pagpapa ensenso sa bahay kasabay nadin ng taimtim na pagdadasal..

Kaya naman pala sa tuwing umaakyat ako doon para isara ang ilaw at pinto ng kwarto e nakakaramdam nalang ako ng kakaibang kilabot .. Kung minsan panga e may naririnig akong kaluskos doon ..

Ghost True Stories..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon