Homeless

14 0 1
                                    

Yesterday, my longest relationship ended. Ang hirap pala ng ganito na walang cheating, abusive shits, or ano pang masamang bagay na nangyari. Wala, we just realized na na-outgrow na namin ang isa't isa. That he fell out of love and can't come back anymore, no matter how much we tried. I spent months questioning myself, my worth. Na kung may hindi ba ko nagawa o dapat gawin. Kahit na sinabi niyang walang mali sa'kin. Na siya yung may problema.

Gusto niyang ipagpatuloy ang relasyon namin. Ako pa rin daw ang pangarap niyang makasama hanggang pagtanda namin. Na hindi niya mararating lahat ng meron siya kung wala ako. Na hindi niya kayang mabuhay ng wala ako. 

Tinanong ko siya, "Paano natin gagawin 'yon kung hindi mo na ako mahal?"

Hindi siya kumibo. Yumuko. Tumulo ang luha. Humagulgol.

Nakipaghiwalay ako. Isa. Dalawa. Tatlong beses. 

Ang sakit maramdaman na lahat ng ginagawa niya para sa'kin, it's all out of duty. So anong nangyayari? Bumibigat. But not if out of love.

Deeds made out of love will never be heavy. At sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, kahit kailan hindi ako nabigatan. I did it all because I love him.

But each time he came running to me. And I welcome him with open arms. Marupok, I know. Pero sino bang hindi? For someone who's your home? Someone who's my everything? My fiancé, my bestfriend. My knight in shining armor. My Gomez Addams. My favorite human.

And he stayed. Then when became heavy, nawawala siya. Again, and again, and again. He tried his damned best to stay and change. Sinuong niya pa ang bagyo, mapuntahan lang ako. Kita ko sa mata niya na nasasaktan siya sa nangyayari. Sinisi ko siya, tinulak, sinigawan ng paulit-ulit sa mga buwan na yon pero nilunok niya lahat. Kinomfort ako. Umiyak kasama ko. Inalaagaan ako hanggang sa huling sandali ng relasyon namin.

Pero sino bang niloko namin? Ako? Hahaha. Kasi kahit sabihin ng puso ko na okay lang, pinaninindigan ka pa rin, sabi ng utak ko ang unfair. Unfair na i-trap siya sa relasyon na ako na lang ang nagmamahal. Unfair na may katabi na ko sa gabi matulog pero pakiramdam ko mag-isa lang ako.

Matagal na pala akong mag-isa sa relasyon na 'to. Ayaw ko lang tanggapin lahat ng nangyayari. 

How I wish makita niya ulit ako; yung babaeng nagustuhan at minahal niya. How we'd go on dates and look at me like I'm the only girl he's seeing. Hindi lumalagpas ang araw na hindi niya ako nasasabihang maganda ako, with those eyes who only inexplicably adored me. Hindi ako maganda pero yung fact na mukha akong dyosa sa paningin niya, nakakakilig. I remember my friends would gush about him, aasarin ako na, "In love na in love siya sayo 'no?"

And I'm always confident in saying yes to them. Always. Hindi niya ako mahal. Mahal na mahal niya ako.

But seasons changes, as well as people. Hindi lang siya ang nagbago, pati ako. Naging busy sa work. Nagpatong-patong lahat ng stress, pagod, anxiety on uncertainties, clashing of opinions, preferences, and dreams. All of those changes over time. We're so in-sync before? Hindi ko alam kung anong nangyari.

I could accommodate everything. But not when he's not in love with me anymore. I refuse to stay in a loveless relationship. I do not feel emotionally safe anymore with him. Balik na lang siya kapag mahal niya na ulit ako. Tignan namin kung nandito pa ako. Kaso hindi naman siya nagri-risk sa isang bagay na alam nyang mas malaki ang chance na mabalewala efforts niya. Mas malaki ang takot niya kaysa sa paniniwala niya sa'kin.

I knew him like the palm of my hand pero ngayon hindi ko na siya kilala. I am in a relationship with a man I barely knew.

Malay ko baka malakas na ang loob niya ngayon. Na kaya na niyang sumugal nang hindi natatakot sa kakalabasan. Na lahat ng effort niya worth it, magwork man ang isang bagay o hindi basta binigay niya ang best niya. Pero baka hindi na para sa'kin.

Bakit ko ba sinasaktan sarili ko? HAHAAHA Sabi ko nga sa kanya, "Nagsimula tayo sa 'parang kilala na natin ang isa't isa' at natapos sa 'parang hindi na kita kilala.'"

I was really enchanted to meet him. Seryoso. Hindi ako hopeless romantic pero shit. First time kong maramdam 'yon. But it that's a story for another time. Maybe a new plot? HAAHHA

Anyways, now I feel lost. Homeless. Bestfriendless. Gomez Addams-less.

Tapos hindi ko pa masulat yung ending ng Viper 2. Ang saya kasi nina Alice at Vincent. Sulat na lang yon, wala na akong iisipin kundi emotion na lang. Pero lahat ng makuhang words ng utak ko malungkot. Masakit.

So iiyak muna ako araw-araw. Hanggang sa lumuwa mata ko. Charot. Hahaha! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Utak ni Erin *Pakyeah*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon