Dalawang Dekadang Paghihirap

412 16 28
                                    

 5 

Naranasan mo bang dalawang dekada ka nag-aral, pumapasok ng lima o anim na beses sa isang linggo, gumagawa ng assignments sa linggo?

Dun sa dalawang dekada na yun, wala akong masyadong maalala sa academic lessons na pilit ipinapasok sa'kin ng iba't ibang uri ng guro na nakasalamuha ko.

I'm just an average student. Wala sa honor list, although minsan nang nakapasok sa top rankings. Minsan lang naman yun, tapos bumalik na ulit ako sa noramal kong pamumuhay. Hindi pala enjoy dun. haha! Nakatanggap ng 'Best in Math' ng kinder tapos wala na. Sa Highschool may nasa top 10 pero ayon nga.

Hindi talaga ako proud pero nagsasabi lang ako ng totoo.

TAMAD PO AKO.

Lalo na pag sinasabihan ako dito sa watty ng "UD na po."

Gusto kong ibigay yung timeline nga mga storya ko sabay sabi nang, "Oh, ikaw na magtuloy."

Proofread nga kinakatamaran ko na rin.

I really don't like people pressuring me kaya lalo akong pinepressure, lalo akong tinatamad.

So, Back to this shit, naalala ko tuloy kung saan ako nagsimula. Yung unang unang pasok ko sa eskwelahan.

Kindergarten

Kala ko dati kindergarden ang tawag, hindi pala. Saka yung episode, akala ko episold. Ewan ko ba, bingi ako eh.

Unang pagtungtong ko sa classroom, bigla agad akong tumakbo sa nanay ko. Kasi naman ang daming tao sa loob ng classroom, nataranta ako saka natakot. Hanggang sa pumasok na rin ang nanay ko sa loob ng classroom dahil hindi ako bumibitaw sa kanya hangga't hindi sya pumapasok kasama ko.

Kumonti yung mga tao.. natira na lang yung mga bata. May mga umiiyak din katulad ko sabay sabi ng nanay ko sa labas langdaw sya dahil magagalit ang teacher ko. Umiling ako pero umalis pa rin sya. Pinandilatan ako ni teacher sabay sabing wag ako aalis sa kinauupuan ko pero hindi ako nakuntento. Hinila ko yung upuan ko papunta sa tapat ng pintuan dahil sa maliit at mataas yung glass window ng pinto. Kahit na anong tingkayad ko at hanap ng gamit na pwedeng tungtungan, hindi ko pa rin nakita ang nanay ko.

Ang alam ko buong klase wala akong ginawa kundi umiyak at umupo sa silya ko na nakadikit sa pintuan. Paglabas ko sabi ko sa nanay ko ayoko nang bumalik do'n.. naiiyak din kasi ako pag nakakakita ako ng batang umiiyak.

Pero syempre hindi nangyari 'yon.

Hanggang sa nasanay na 'ko at nag-enjoy.  Madalas nga pinapaalis ko na yung nanay ko tapos sabi ko wag na sya bumalik.

Dun ko naranasang maging 'iba' sa klase. Yung nabili kasing libro ng nanay ko na si bantay, kulay blue, tapos yung lahat ng kaklase ko kulay yellow. Pang advance level na daw yung librong nabili ng nanay ko. Kumbaga sa laro, level two na ko, level one pa lang sila. Pakyeah.

Ang Utak ni Erin *Pakyeah*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon