2★
Just before holidays, dumating ang Lolo Anghel ko. Yan talaga pangalan nya. Nakakatandang kapatid sya ng lolo kong tunay na namatay dahil sa colon cancer siguro three or four years ago.
Sa samar talaga sila nakatira ng asawa nya pero bumibisita sila rito kapag may pamasahe. Wala silang anak.. pero okay lang kasi may ampon sila at swerte sila sa naampon nila. Si kuya daniel at kuya nat-nat. 80 yrs old na si Lolo Anghel pero tatlong beses na silang nagpakasal ng asawa nyang si Lola Daria. By the time na pangatlong kasal nila, bulag na si Lola Daria dahil sa diabetes. At after a year, naputulan ng isang paa si Lola dahit din sa sakit na iyon kaya simula noon si lolo Anghel na lang ang bumibisita sa’min. Minsan kasama nya si Kuya Nat-nat.
Pakiramdam ko tuloy noon ang sarap mainlab. Hahaha! Eh kasi naman, ang sweet ng labstori nila. matanda na sila pero nagkikiss pa din? Ang kyot. Haha.
Simula bata ako, may naging routine nang nabuo sa’kin, subconciously. pag dumadating si Lolo Anghel, magmamano ako sa kanya at yayakapin na naman ako. Ngingiti yon sa’kin since ako ang una nyang apong babae at yung dalawang anak nya eh lalaki.
“Kamusta apo?” Magtatanong sa’kin yon.
“Okay lang po.” sagot ko naman.
“Ang lolo?”
Tatakbo naman ako sa loob ng kwarto o kung saan mang lupalop ng bahay namin nandun ang lolo ko para tawagin sya since lagi akong nasa sala ng bahay namin, nanonood ng TV.
Lagi kong kasama ang lolo ko since birth. Sya ang naghahatid sa’kin sa school simula kindergarten hanggang grade six. Pitong beses sa isang linggo, gumigising kami ng 4:00 ng umaga para patakbuhin ako sa malawak na bakanteng lote sa’min. Kailangan ko yun kasi may hika ako dati. kaya pag laki ko, wala na ‘kong hika, ambilis ko pa tumakbo. hahaha! Pati sa kalokohan, kasama ko yun. Binibigyan kasi kami ni Mama ng 50php. magtricycle daw kami papuntang school para hindi ako malate at mapagod. Ayon, binibigay ni Lolo sa’kin yon tapos naglalakad na lang kami. Hahaha! Hindi naman kasi ako binibigyan ng pera dati, baong pagkain lang. Tapos nagugulat yung mama ko kasi ang dami kong pera. Nangungupit daw ba ‘ko. Sabi ko galing kay Lolo. hehe.
Pagtungtong ko ng high school, gusto pa rin ako ihatid ng lolo ko pero sabi ni mama kay ko na daw. Gusto ko rin naman para libre pamasahe pero naisip ko din na matanda na si lolo. Papaakyatin ko pa ba sa jeep yon? pero lagi pa rin kaming nag-uusap pag-uwi ko. Sa buong pamilya namin, sya lang yung nagtatanong kung kamusta na ‘ko. haha.
Nang tumuntong ako ng college, John Lloyd naman ang peg ng lolo ko. Tuwing umaga ngingiti yun sa’kin at sasabihan ako ng “Ingat!” With matching John Lloyd’s tone and gesture. Kaya umaga pa lang, tawa na ko ng tawa. Tapos pag-uwi ko nakaupo yun sa tapat ng pinto namin, hinihintay ako at tatanungin ako ng kamusta ang pag-aaral ko.
Hanggang sa nastroke ang lolo ko. Nagpacheck up tapos bigla naging colon cancer. Ayaw magpachemo ng lolo dahil magastos daw kahit pinipilit sya nila Mama na magpagamot. Matanda na daw sya kaya okay lang. Actually yung doktor ng Lolo eh may cancer din. Nagpapaunahan sila sa kareka at ayon, nauna pa yung doktor ng lolo ko sa kanya. Hahaha.
Ganun pa rin ang routine namin ng lolo ko. Ako lang medyo naging busy dahil sa punyetang pinasok kong course. Haha.
Nahihirapan na syang kumain kasi hindi na makagalaw ng maayos yung kanang kamay nya.
Hanggang sa isang gabi, pag-uwi ko, nakita kong nakahiga sa sofa yung Lolo ko, may nakatakip na basang twalya.
“Nanay, itigil mo na nga yang pagluluto mo! Hindi daw makahinga si tatay!” Galit na sigaw ng nanay ko.
Hindi ko nakausap nun ang lolo ko dahil sa sobrang daming ginagawa sa school. Siguro mga dalawang araw na.
Hanggang sa ayon, nadedo na nga. baka pag tinuloy ko pa, maiyak pa kayo. Ayokong maiiyak kayo eh. hahaha! (Parang hindi naman. XD)
Ngayong nagtatrabaho na ko, nakita ko ulit ang Lolo Anghel. Nalayo na nga ako sa kwento ko. haha. Nagulat sya nang makita ako.“Apo! Ikaw na ba yan?”
“OPO!” kailangan kong sumigaw kasi mahina na ang pandinig ni Lolo Anghel.
Niyakap nya ako ng mahigpit at tinanong ako. “Kamusta apo?”
“OKAY LANG PO.”
“Ang Lolo?”
Natigilan ako at napatitig kay Lolo Anghel. Gusto kong tumakbo kung saan mang lupalop pero hindi ko na makikita yung hinahanap ko. Pain struck me in an instant. Oo, kahit matagal nang wala ang lolo ko, masakit pa rin. Hanggang ngayon.
Ngumiti ang lolo Anghel ko sa’kin. “Wag ka mag-alala, nakikita ko ang lolo. Masaya na sya.”
Napangiti ako ng pilit kahit anytime alam kong tutulo na yung luha ko. “Oh sige na apo, magpalit ka na ng damit at kumain. pagod ka sa trabaho.”
Hindi na ko sumagot at tumakbo na ko papasok ng kwarto ko.
He's my hero. Brave and tough. Ngayon wala na sya..
Ang drama ko, punyeta. Haha. Ayaw kasing matanggal sa utak ko. Tapos na ang holy week, hindi ko pa rin makalimutan.
Minsan nga gusto ko gumawa ng kwento na may cancer yung isang bida. Alam ko kasi kung anong pinagdadaanan talaga nila dahil may nakasama ako sa bahay na cancer patient at may isa pa kong kilala na may cancer din. Yun naman nagpachemo theraphy. Actually dalawa sila, yung isa kapatid ng kaibigan ko, yung isa kaklase ko. Hindi lang yun basta pagsikip ng dibdib, pagsusuka o pagkahimatay. Hindi lang yun pag-iyak o pagsigaw. Hindi lang yung epekto ng sakit sa pisikal na aspeto.. pati sa emosyonal at spiritual.
Mahirap. Pero wala kang magagawa. Baka sa susunod makilala naman ako ng may STD, ang astig nun. Seryoso. Ginagawa ko kasing teacher ang mga nakakakilala ko kaya madalas nakikinig lang ako kaysa nagsasalita. Ang cool na may natututunan ako sa bawat taong nakikilala ko. Gusto ko yun.
Panoorin nyo yung Perks of being a wallflower, maganda. Sa sobrang ganda, napaisip ako. hahaha!