Composing a story

1.4K 32 20
                                    

1

Tinatamad ako mag-UD kaya nagawa ko ito. Haha! At para rin siguro maintindihan nyo na mahirap mag-UD kapag pressured.. Hahaha!

Sisimulan ko sa kunwari wala pang storya para cool. Makakuha na rin kayo ng tip o idea na baka magamit nyo rin.. SANA. hahahaha!




Before writing:


--Kumain. Seryoso. Hindi ako makapag-isip kapag gutom. UD's, Simple thoughts.. Nawawala sila lahat kapag gutom ako. Grumpy at short-tempered din ako kapag kulang sa nguya.

Ihanda ang isip..


Flex my fingers.. oh yeah. Haha.

--Think a Theme.


Action, Drama, Fantasy, Romance, Horror, Humor.. Pwedeng halo pero syempre may isa na dapat mas mananaig. Mas maganda kung nag-eevolve yung story from one genre to another. Kasalukuyan kong ginagawa yun sa Viper.. Kaya kung nagbabasa kayo nun, action sya sa una pero nag-eevolve na sya into teen romance.. at mag-eevolve pa sya kaya kalma lang kayo. Haha.

Nag-eexperiment kasi ako. Gusto kong alamin kung anong genre ang kaya kong isulat. Kung saan ako komportable at may potential ako. Ayokong maging trying hard. haha!


--Think / Set up a major plot with ending.

May tinatawag kasi akong ‘Major’ at ‘Minor’ plot. Sabi ko sa inyo magulo utak ko eh. Hindi ko nga alam kung tama ba yung itinawag ko sa naiisip ko. (Correct me please.. -__-) hahaha! Kapag kasi nag-iisip ako ng storya na bubuoin, yan ang una kong iniisip. Ano ba yung ‘Major’ Plot?


Eksampol:

Maiinlove ba sila tapos hindi magkakatuluyan?

One sided love lang ba talaga at paasa lang yung isa?

Magkikita ba sila sa bus tapos happy ending?


‘Major’ plot yan. Tandaan: Ang Major Plot ay laging cliche. Wala nang plot na natitira sa mundo na hindi pa naiisip. Bakit? Kasi lahat ng Major plot galing sa realidad ng buhay.. lalo na pag love story. In short, cliche nga. Nasa ‘Minor plot’ nakasalalay kung papalalain mo yung pagka’cliche’ nung Major plot.

Saka ako pag nag-iisip ng storya, may ending agad. Ayoko ng walang patutunguhan.

Kapag ‘Minor Plot’ naman, ito yung mga detalye ng bawat chapter.


Eksampol:

Ano, madadapa ba sya tapos swak sa imburnal para magkakilala sila?

magkakabungguan ba sila sa parteng to para tanga tignan?


Hinihimay ko kasi yung bawat pangyayari sa istorya, hindi ako basta-basta naglalagay ng scenes. Madalas yung mga cliche scenes, binabaliktad ko. Wala lang, para maiba lang. Ampanget nang puro yun at yun ang nababasa ko, naaasar ako sa sarili ko. haha.

Ang Utak ni Erin *Pakyeah*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon