4★
May gulay.
Sumakit yung ulo ko kakatawa sa nabasa kong bash. Nagsisi tuloy akong nagrandom clicking ako sa wattpad kanina sa office. At sa sobrang tawa at asar ko, nagcomment pa ‘ko dun sa mismong shit.
It’s about Alesana Marie’s book ata but damn. Kumulo dugo ko, lumapot ang utak ko at hindi ako nakapagtrabaho ng maayos.
Bakit?
1. Kung mangbabash kayo, galingan nyo naman. Basic punctuation, grammar and other technicalities.. pwede pakitama? Kasi kaya nga kayo nangbabash, para maitama ang mali. Para maialis yung mga patapon na storya dito sa watty. Kung tama yung sinasabi nyo, kaso mali naman yung grammar nyo, pagtatawanan lang kayo dito sa wattpad tulad ng ginawa namin ni Maui. Tangina naman kasi, sobrang tanga nya para mangbash ng writers. Parang nakahiwalay yung utak nya sa katawan nya. Inilalagay pa ata nya sa garapon yun pag natutulog tapos nakalimutan nyang ikabit ulit paggising. Quote ko lang yung mga sinabi nya ha?
‘then you is nothing but a famewhore!’
‘stupid! And you is selfish! why do you do selling book? you doesn’t have jobs!’
‘just wait. i will topped you’
‘you is pride already?’
My fucking brain can’t fathom these things young lady. Like I said, basic punctuation, grammar, and use the fucking tenses properly. Kahit yung microsoft word nga nagpupula na, sana dun ka man lang nagtype bago mo inilagay sa wattpad. Nakakahiya naman kung itinatama mo pa yung nambabash sa’yo.
2. Kasi dinamay nya ang mga Pilipino. Yan talaga yung nagtrigger sa punyetang pagkatao ko para maasar nang todo. I’m not a patriotic shit pero respeto lang sa kultura at lahi natin.
Ito ang totoong dahilan kung bakit bumabagsak ang Pilipinas.
Pagmamahal sa sariling bayan.
Kung makasabi tayo ng ‘Proud to be Pinoy’ pag nanalo si Paquiao o may pinoy na pumasok sa American Idol, akala mo mahal na mahal ang Pilipinas.. pero kung papansinin mo, anong silbi no’n kung tuwing eleksyon may nagbabayaran, nagpapatayan, o kaya nagsisiraan?
Imbis na tayo tayo na lang ang magtulungan para umangat, naghihilahan tayo pababa para isa lang ang magaling. Mga makasarili.
Tapos yung rant na nabasa ko, kung makapag generalized ka ng mga ‘filipino’ (kasi nga tanga sya. Akala nya isa lang ang Filipino kaya walang ‘s’.) na poor at lazy, akala mo lahat ng tao nakatanga at nakahilata lang dito sa Pilipinas. Para mo na ring sinabi na pag niloko ka ng lalaki, lahat na ng lalaki manloloko. Ang tangang logic lang. Kung sa bagay, logic mo yon.. tanga talaga.
Dun ka na kung saan mang lupalop ng mundo ka naroon. Wag ka nang babalik, parang awa mo na. Susustentuhan pa kita kung gusto mo, wag ka lang bumalik dito. Hindi kailangan ng Pilipinas ng isang katulad mong walang ginawa kundi mang-away nang mang-away at manghila ng tao pababa para lang masabi mo sa sarili mo na magaling ka.
Konting utak naman Bashers.. kahit konting utak lang.. parang awa nyo na. Wala akong pasensya sa mga taong makikitid ang utak at walang inisip kundi ang sarili nila. Hindi lang kayo ang tao sa mundo..
Kung gusto nyo, gumawa kayo ng sarili nyong mundo.
Guidelines for bashers: Hindi lang kaming mga writers ang may guidelines, dapat kayo din. Sana sundin nyo rin ‘to.
Think before you speak. You are responsible for all of the things you said. Either good or bad, your words reflect on you. At dun sa nabasa kong rant, para syang pinaglihi sa sama ng loob o kaya sa namumuong madilim na kalangitan. Parang nung nabuo sya, poot at galit ang nararamdaman ng nanay at tatay nya, kakabad vibes.
At kung mangbabash, check your credibility. May nagawa ka na ba na ipagmamalaki mo? O kaya natapos mo ‘tong kurso na ‘to.. o kahit ano para mapatunayang nasa tamang landas ka ng panghuhusga. Napakatigas naman ng mukha mo para laitin ang gawa ng iba kung ikaw sa sarili mo eh wala pang nagagawa o wala sa tamang direksyon ang sinasabi mo.
May tamang approach sa pagbibigay ng opinyon. Lahat naman nadadaan sa maayos na pananalita. Kung hindi kaya mag-english, tagalugin mo. Pwede naman yon, walang nagbabawal as long as tayo-tayong mga pinoy ang nag-uusap. (Please lang ,wag conyo. Quotang quota na ‘ko dyan. hahaha!) Hindi yung pinipilit mo pang mag-english eh hindi naman kaya ng mapurol mong utak. Gagaguhin ka lang ng mga taong nagsusulat dito dahil hindi lahat ng utak ng mga tao dito sa watty eh kasing purol ng iyo.
Be sensible, guys. Don’t prove to me that your birth certificates are printed apologies from the condom factory.
Act based on what you know, not on what you pretend you know. Feeling mo magaling ka pero hindi naman. Kuha din ng opinyon pag may time. hahaha! At kuha din ng honest friends. Yun lang. Wag mag-asal matalino kung bobo ka naman talaga. Dahil kung buong buhay mo magmamagaling ka, then stay the hell away from me. Papatulan talaga kita.
Sa totoo lang, mapagpatol talaga ako sa mga taong wala sa lugar. Dahil kung hindi nila malalaman na wala sila sa lugar, ipagpapatuloy nila yung ginagawa nila. I’m just helping them.
Be a critique, not a critic. Not sure how the word 'critique' is used as pertaining to a person pero yan yung tao na nagbibigay ng mga suggestions or comments na makakatulong para sa isang storya. Kumbaga, they aim to improve the work that they are critiquing. On the other hand, critics are the one who only judge the work. Wala lang, sinabi lang nila na pangit tapos bahala ka namang gumawa ng paraan kung pa'no gaganda yung gawa mo. Wala na silang naitulong, ginago ka pa. Idol ko yang mga yan eh. Minsan nga gusto kong sampalin ng CD ni Willie Revillame at batuhin ng cherry mobile sabay sabing, "OH! Salamat sa walang kwentang paglapastangan sa gawa ko! Sa laki ng naitulong mo, papamanahan kita ng utak!"
Okay na siguro yan, sana naman wala na ‘kong mabasang ga’nun. Makapagcritic ka akala mo credible sya para sabihin yung mga bagay na ‘yon, eh wala pa nga syang maipagmamalaki na nagawa nya.
Imbis na gumagawa ako ng UD, naiwan ko yung draft ko sa office, eto tuloy yung ginawa ko. Leeeechhh!! Kinikilig na 'ko tapos naiwan ko yung draft? Ayon, nakapagmura sa sinasakyan ko ng de oras.
# 01 04-11-2013