Re: Moving on or Moving Forward Feat. Banyo Chronicles

392 12 13
                                    

Walanghiyang entry, banyo chronicles talaga? Hahaha!

Eh kasi naman yung ikukwento ko nangyari sa banyo. hehe. Pero bago yon, magrereply muna ako sa journal entry ni Maui (wyngardium_leviosa) sa Moving on Vs. Moving Forward.

Kung may EX ka, o mabigat na pinagdadaanan, Ikaw ba ay nakaMOVE ON o MOVE FORWARD? I-justify. :)

I've had a fair share of painful moments and one of the was the loss of someone I cared deeply. Actually, that was an understatement pero okay na yan, baka may maiyak. Haha!

Moving on is accepting the fact that all is in the past and forgiveness is already done.

After his death, Everyone's telling me.. no, pushing me, saying "Move on ka na, wala na sya." just a week after he died. Na akala nila files lang yung mga memories na ginawa namin na pwedeng ilagay sa recycle bin sa isang bagsakan tapos click mo lang yung 'permanently delete' tapos masaya na ulit, wala na kong maaalala.

Na akala nila sa sobrang 'strong' ng personality ko, kaya ko lahat ng ibato sa'kin at hindi ako natitinag. 

Na porke maayos ako kausap at tumatawa sa harap nila, kaya kong basta basta na lang tanggapin at patawarin lahat ng nangyari at lahat ng may fault.

Lahat na lang sinasabi sa'kin, "Kaya mo yan." Parang kumakain lang ng balot.

Even Superman had Kryptonite. Ironman had Pepper. In my case, I had him.

Lagi ko ngang sinasabi noon, "Kung kayo ang nasa kalagayan ko, kahit move on, hindi nyo kayang sabihin. Pustahan tayo."

It felt like everyone wants to tear me apart everytime na sinasabi nila na 'kaya ko 'to'.

Sa sobrang irita ko sa mga paulit-ulit na salitang 'Move on' ayoko nang makita kahit nanay ko. Sobra akong napepressure sa salitang move on na parang pipino na pilit pinapakain sa'kin kahit hindi ko pa naman kayang kainin noong mga panahon na yon.

Sa totoo lang, feeling ko minamadali nila akong magmove on noong mga panahon na yon. Hindi nila ako binigyan ng interval para magluksa kaya ako na mismo ang nagbigay sa sarili ko. I've been in hell for a year. Everything I felt was pain. Nothing more, nothing less. Even smiling was a pain back then.

Sobrang hirap magmove on lalo na pag walang closure. Na feeling mo naiwan ka sa ere ng walang pasabi. Anong gagawin mo? Hahanap ka ng less painful way di ba?

Moving forward. Ignoring how it hurts and just go on with your life like nothing happened.

Ang Utak ni Erin *Pakyeah*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon