My first year in college is just right on the corner. I passed four universities and took Business Management, I actually wants to take architecture but since my father wants to pass the company me, I have no choice. I guess I just need to learn how to love this program.
"Hoy Serenity, saang university ka?" Tumingin ako sa screen ng phone ko ng magsalita si Abcd, my friend. We are in a group video call
"I guess sa Ateneo?" I said.
"For real? Dun din ako, I passed" masaya niyang tugon, narinig ko pa syang tumili sa kabilang linya.
"Unfair, magka-schoolmate yung dalawa" pagtatampo kuno ni Lei
"Kayo ba?" Tanong ko sakanila
"Not yet sure" si Luke, na naka off ang camera, for sure naka-higa na naman yan.
"Wag na mag college" pabirong sabi naman ni Matt na kumakain pa.
"Mga loko" rinig ko namang segunda ni Diamond "Pinaguusapan nyo? Mag aaral pa pala kayo?" Nakahiga rin siya at mukhang hindi pa naliligo.
"Etong Diamond na 'to, ang ganda ganda ng pangalan, very rare pero yung jokes very common" tumawa na lang kami sa sinabi ni Zip na kumakain rin.
"Hoy! Seryoso kasi ah" I called their attention
Panay lang ang iwas nila sa tanong ko na para bang isa 'yong malaking problema para sa kanila. Nauwi na naman sa biruan ang pag v-vc namin.
"I also passed Ateneo, UST and Up, gusto ko sana kayong sundan kaso gusto nila mommy sa UP ako" pagseseryoso ni Dj, short for Diamond Jewel.
Sa aming lahat, siya itong pinakamasunurin sa magulang at para bang kailangan niya laging maging perpekto sa mata ng mga tao lalo na sa mga magulang niya, pero kapag kami kami na lang, lumalabas ang totoong siya, ang walang pagpapanggal na Dj.
"Sayang" sabi ko "What courses are you taking pala?"
"Accountancy" I smiled, talagang gustong gusto ni Abcd maging Accountant
"HRM ako" Si Zipporah
"Inang yan, bat nabalik college ang usapan? Natulog lang ako, paggising ko courses na usapan" pag singit ni Luke.
"Tanga ka, wag ka nalang mag aral, matulog ka na Lang" asar ni Lei sa kaniya
"Mag accountancy ka na rin Luke, total mukha ka namang pera" asar ko rin sa kaniya
At nauwi na naman sa asaran ang mga mokong. Our short kamustahan went for 3 hours of call. Bumangon na ako sa kama ko pagkatapos naming mag video call mag kakaibigan, at lumabas ng kwarto.
As usual panay maid ang nakikita ko pagkababa. Asa office pa si daddy, while si tita Jane ay nasa California pa rin. Bumaba lang ako to get some water, baka magpa-luto na rin ako ng meryenda ko kay yaya pasing mamaya.
"Ma'am Serenity, may gusto po kayong kainin?" Kabubukas ko palang ng ref ay nagtanong na sa akin ang isang katulong namin.
"Mamaya ate, tawagin ko na lang kayo kapag may gusto po ako" I said with my eyes fixed inside of the fridge to look for something to drink except for water.
Paalis na sana ang katulong ng tinawag ko ito ulit. "Asaan pala si Yaya?" I asked.
Sa lahat ng katulong dito, si yaya pasing lang ang tinatawag ko na yaya, ayaw nya ng tawagin ko syang manang eh, sya rin ang naging kasama ko sa paglaki kaya parang mas pangalawang ina ko pa sya kesa kay tita Jane
"Namalengke po ma'am, may bisita raw po kasi kayo mamaya" tinanguan ko na lang siya bago ibalik ang mata sa loob ng ref.
Kinuha ko na lang ang isang can ng coke at nag slice ng cake bago ako pumasok ulit sa kwarto ko. Three-story ang bahay namin, at nasa second floor ang kwarto ko. Modern ang style ng bahay, lahat ng gamit sa loob ay talagang modern din. Grey, black and dirty white ang theme ng bahay, kung sinong may pakana? Natural ako, kahit na ang theme talaga ng bahay ay old style mansion, pinapalit ko talaga kay daddy dahil ito ang gusto ko.
YOU ARE READING
Our Promise (Friends' series #1) On-going
RomanceSerenity Aeyah Mignonette Alvarez, lumaki na nasa puder ng ama, hiwalay na ang mga magulang simula noong bata pa siya. She used to believe in fairy tales, in happy endings, even though her parents doesn't have one. Hindi siya pinanghihinaan ng loob...