10

1 1 0
                                    

A/N: Sorry for the super late update. I am still a student and have my own busy and exhausting days. Hope you understand. Thank you!!

Here's an update, enjoy reading :))

------------------------

"Anong nangyari sa'yo?"

Tinignan ko si Abcd at umiling. Alam ko namang mukha akong sabog dahil anong oras na akong nakatulog kagabi. Bwisit naman kasi na Achilles 'yan eh.

"Nga pala, pinayagan ako nila dad na mag karoon ng sariling condo unit" kinikilig na sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango. Wala ako sa hulog ngayon. Sabay kaming nag lunch nila Abcd at Luke.

Hindi ko pa pala nasasabi kay dad ang plano naming mag condo na lang. Mamaya na siguro pagkauwi. Hindi ko mapigilan ang sarili at pumipikit-pikit na ako, talagang inaantok ako. Si Abcd na lang naman ang kumakain kaya dumukdok muna ako sa table habang nagkwekwentuhan silang dalawa about sa discussion nila kanina, I can't relate, tho I have some knowledge about accounting since we all took Abm during our senior years together with Zipporah.

Nagtaka ako nang nanahimik silang dalawa at may naramdaman akong umupo sa tabi ko, hinayaan ko na lang dahil baka si Abcd or Luke, pero nagtaka ako nang sinimulan nitong laruin ang buhok ko. Hindi naman si Abcd dahil ramdam ko ang laki ng kamay. Si Luke? Pero tamad ang isang 'yon. Hindi ko na natiis at inangat ko na ang ulo ko para tignan.

"A-aki?" Utal kong sabi bago tumingin sa mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin din sa amin at nagtataka.

"Sam, sino yan?" Nginuso ni Luke si Aki "Aki, my friends. Abcd and Luke" pagpapakilala ko sa dalawa. "Uhm... Guys, this is Ak- Ace." sinenyas ko si Aki na nangisi na ngayon.

Ngumiti si Luke kay Aki at tumango, si Abcd naman ay hindi maintindihan ang nangyayari, napabuntong hininga ako "My fiance" dugtong ko.

Gulat ang itsura nilang dalawa, parehong nakanganga. "Gaga ka, kailan ka pa na engage?! Hindi mo man lang sinabi sa amin" sabi ni Abcd nang makarecover sa pagkabigla.

"I was planning to, but I don't know how. I'm sorry!" nahihiyang sabi ko.

"Ayos lang" singit ni Luke "Hi tol, welcome to the family" pinalo ko ang kamay ni Luke na nakaabang para makipagkamay. "Aray!" Hinimas himas niya ang kamay niyang pinalo ko "Pre, oh! Yung fiance mo" pagsumbong pa niya. Inirapan ko na lang siya bago bumaling kay Aki.

"What are you doing here?" Mahina kong tanong.

Lumapit naman siya sa'kin para bumulong rin "Nothing, just checking up on you" 

"Guys, excuse us" paalam ko bago tumayo at hinatak na si Aki paalis.

Nang makalayo na kami sa kanila ay hinarap ko na siya at masamang tinitigan. "Anong ginagawa mo?" Inis na tanong ko.

Nagtataka niya akong tinignan, sinisipat ang itsura ko bago ibalik ang tingin sa pinanggalingan namin at nakakunot ang noong binalik ang tingin sa 'kin, "Why?"

"Anong 'why?'"

"Don't tell me, your friends don't know?" Humakbang siya palapit sa akin.

Lumunok ako ng madiin at napaiwas ng tingin, "Y-yeah." Binalik ko ang tingin sa kaniya at mahina siyang tinulak palayo. "Now, how am I able to explain everything to them?" 

"Fine, I'll do it" aalis na sana siya pero hinila ko siya pabalik, dahilan para mas mapadikit pa siya sa 'kin. 

"Aki!" Inis na singhal ko. "Tsk, Ano ba'ng gusto mo?" 

"A date?" I looked at him in disbelief, but it felt weird that I am not protesting. 

Iniwas ko ang tingin ko bago mahinang umubo at dahan dahang tumango. "S-sure" 

Our Promise (Friends' series #1) On-going Where stories live. Discover now