02

4 0 0
                                    


"Tangina! Tangina! Tangina" paulit ulit kong usal.

"Sabihin mo na kasi, ano ba yun" tanong ni Abcd habang abala sa pagnguya.

Lunch time na at andito kami ngayon sa mini park nakatambay at nauna na ring kumain dahil wala naman na kaming last subject ganon din sila Abcd, pero hindi namin kasabay si Luke ngayon.

Kwinento ko sa kaniya lahat, matapos yun ay nakanganga na lang sya, ewan ko ba kung nagulat or ano eh. Hanggang sa ang pag nganga nya ay gumawa na ng tunog at himiyaw habang pinapalo pa ako.

"Abcd ano ba, masakit" tatawa tawa kong sabi.

"Bakit nag chat?"

"Aba ewan ko!" Giit ko "Baka namali lang"

"Hi? Tas namali? Buti sana kung nilike ka teh" sabay subo sa kinakain nya

Uminom nalang ako at nanahimik.

"Pero in fairness, ang galing ng acting mo, paniwalang paniwala siguro sya na nagsusulat ka lang" sarcastic nyang dugtong

Inirapan ko na lang sya at hindi na nag abalang mag salita, inubos ko na ang kinakain ko habang sya ay nasa kalahati palang. Sa aming pito si Abcd ang pinakamatagal kumain.

"Ahy Sam, yung crush mo noong Senior high tayo nakita namin kanina" Abcd said out of nowhere

"Oh ngayon?" Kunwari ay wala akong paki

"Wala lang, naisip ko lang na baka need mo ng update sa bebe mo" inirapan ko na lang si Abcd.

Alam ko namang si Adrian ang tinutukoy niya, totoo ngang matagal ko na siyang crush at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapansin, kaya kapag nandiyan siya sa paligid, todo asar sa akin ang mga kaibigan ko. Kaya minsan nagpapanggap na lang akong hindi na siya crush.

Natapos na rin ni Abcd ang kinakain, matapos yun ay nagkayayaan na kaming pumasok dahil limang minuto na lang ay time na for our next subject for this afternoon.

As usual, ganon pa rin naman. Pagpapakilala ng bawat teachers sa hapon, nakakaboring na nga rin eh. Sa lahat ng subject na ginagawa namin to, ganyan lagi ang pagpapakilala nya, minsan naman ay babangitin nya ang edad. This time kay miss Daqiaug ay nagpasubmit ng index card. Ayan na naman sa index na yan!

"Achilles Clyde Hernandez, miss" saad ng lalaking kakaupo lang matapos magpakilala.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang mapansing nakatingin na siya sa akin, nangunot ang noo nya at tinaasan ako ng dalawang kilay, saka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kaniya. Nag iwas ako ng tingin.

Pangalawa na yun ngayong araw...

Ganon ganon lang ay natapos ang araw ko, umuwi ako agad dahil yun ang bilin ni daddy. Nagpaalam ako sa gc na hindi na ako makakapunta sa gala namin ngayon dahil maaga akong pinapauwi.

May usapan kasi kaming magkikita sa mall para mag celebrate at magshare ng first day namin sa isa't-isa, mukhang absent ako for today sa gala namin.

Wala paring katao-tao sa mansion nang umuwi ako, wala pa si dad kahit si kuya.

Tsk! Papauwiin ako ng maaga pero sila wala pa.

Binati ako ng ibang mga katulong na nakakita sakin bago ako pumanhik sa taas para mag shower at mag palit. I just wore a simple white top and high waisted shorts.

Mag si-six palang ng hapon. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para sana kumuha ng mamemeryenda. Pagkababa ko sa kusina, napansin kong busy lahat ng katulong, napatingin ako sa niluluto nila.

"Ya, bat ang dami naman ata ng iluluto niyo?" Tanong ko kay yaya pasing.

"Ah kasi, Hija-"

"Mom please, stop! Pagod ako" hindi na natuloy ni yaya ang sasabihin nang may isang boses ang nagsalita na nanggagaling sa living room

Our Promise (Friends' series #1) On-going Where stories live. Discover now