I never realy believe in love, and I'm pretty sure dad knows that. Hindi pa ba sya natuto at gusto niya pa na pati ako ay maging biktima? I really don't know dad's reasons but I know that he won't do such things that'll hurt me.But for once, seems like my father who deeply cares for me, for my feelings, disappeared in just a snap. For him, I always comes first before anything else, but what is he doing now? He's not even considering my feelings about this engagement.
Do they plan everything? From chatting me, enrolling to the same school and course as me? Did they?
"Upo ka, hijo" napaiwas ako ng tingin nang magsalita si daddy. "Now we're complete" pinatong niya ang baba niya sa pinagsiklop niyang palad at tinignan kami isa-isa.
"So kumpadre- we can call each other kumpadre already right?" Tumango si daddy "So kumpadre, what do you think of your future son-in-law?"
"What?" Napatayo ako nang ituro nito si Achilles. "I heard it wrong, right?" Baling ko kay tito Philip.
"No, hija" nakangiti nitong sabi.
"Serenity, sit down" may diing sabi ni dad. Ginawa ko naman ang sinabi niya kahit pa naiiyak na ako sa inis. "Pasensya ka na sa anak ko" napairap na lang ako sa sinabi ni dad.
"Ayos lang po" awtomatiko akong napalingon ng mag salita ito.
Hah! Marunong naman palang gumalang kahit papaano.
So siya pala? Mas lalo lang akong nainis!
Wala na akong ganang kumain, kaya nanahimik na lang ako at walang balak makinig sa pinag-uusapan nila. Etong Achi- wait, hindi ba't Ace ang sinabi ng daddy niya? Paanong naging Ace ang Achilles Clyde? Diba dapat Ac lang-
"Serenity!" Napalingon ako kay daddy nang tawagin niya ako.
"Po?"
"Kanina pa kita tinatawag, mukhang wala ka sa sarili mo, anak" napansin ko ang mga tingin nila kaya ngumiti na lang ako.
"May iniisip lang, dad. Ano po 'yon?" Tanong ko
"Sabi ko bakit hindi mo muna yayain itong si Ace sa labas para makapag-usap naman kayo"
"Ho?" Nanlalaking mata kong tanong. Nilingon ko ang lalaking abala sa pagkain at parang walang naririnig. In the end I just sigh and nodded.
Tumayo ako "Alika, dun tayo sa garden" walang ganang sabi ko bago naunang lumabas at tumungo sa garden.
Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. Naupo ako sa isang swing dito sa garden, dito ako madalas tumambay noong bata pa ako.
"Upo ka" aya ko sa kaniya na ginawa naman niya agad.
Pareho kaming tahimik na nakaupo sa swing, wala akong balak kausapin siya oh ano. Bahala siya jan, magsawa ka sana sa ugali ko at ikaw na mismo ang mag retreat sa kalokohang-
"Why do they call you Sam but your name is Serenity?" Nilingon ko siya nang magsalita ito, tinaasan ko pa ng dalawang kilay, hindi makapaniwalang sa dami niyang pwedeng itanong, bakit yan pa?
"My Acronym" I heard him humm "You? Why Ace?"
"My Acronym" panggagaya niya sa sagot ko
"Pero wala namang E sa-"
"They include the last letter of my name" pagputol niya sa sinasabi ko.
Muli na namang nanahimik sa pagitan naming dalawa. Mahina ko nalang na dinuduyan ang swing habang pinapanood ang mga bituin sa langit. Malamig ang simoy ng hangin, very comforting, sumabay pa ang mga naggagandahang bulaklak, talagang alagang-alaga.
YOU ARE READING
Our Promise (Friends' series #1) On-going
RomantizmSerenity Aeyah Mignonette Alvarez, lumaki na nasa puder ng ama, hiwalay na ang mga magulang simula noong bata pa siya. She used to believe in fairy tales, in happy endings, even though her parents doesn't have one. Hindi siya pinanghihinaan ng loob...