"Grabe parang isang taon ata tayong hindi nagkita, ah!" Exaggerated na sabi ni Lei.
Kumakain kami ngayon sa mcdo, dito na namin napagdesisyunan magkita-kita ulit matapos ang isang linggong sembreak. Mabuti at kumpleto kami ngayon.
"Oa mo" pabirong sabi ni Matt.
"Kamusta sembreak niyo?" Tanong ni Zip.
"Ayos lang, masaya naman sa bahay, na explore ko bawat sulok" sagot ni Luke, humawak pa sa dibdib na parang damang dama
"Yucks, 'di man lang lumabas ng bahay" asar ni Lei
"Oh eh ikaw?" Hamon ni Luke
"Lumabas, ang ganda nga ng backyard namin eh" natatawang sabi ni Lei. Mga kalokohan talaga neto
"Kayo?" Tukoy ni Zip sa amin nila Matt, Dj at Abcd
"Paano ako lalabas? Busy sa politics ang parents, tsk!" Napatingin ako kay Abcd, alam kong sanay na siya na laging wala parents nya pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot para sa kaniya.
"Ayos lang" maikling sagot naman ni Matt.
"Same" sabi ko
"Korni naman ng mga 'to" sabi ni Zip bago humigop sa coke float nya. "Ikaw, Deej?"
Matagal na natahimik si Dj kaya alam namin agad na malalim ang iniisip nito. Malalim siyang bumuntong hininga bago kami tignan isa isa.
"Gusto kong mag condo"
"Ha?!" Gulat na tanong ni Lei
"Sabi ko, gusto kong mag condo, gusto kong bumukod na sa parents ko" casual niyang sabi bago sumubo sa fries.
"May problema ba?" Tanong ko, umiling lang naman siya.
"Actually, that's a good idea. I'm also planning to separate myself from my parents" malayo ang tingin ni Abcd habang nasa bibig ang straw ng float.
Napaisip ako sa mga sinabi namin, sa aming lahat si Matt at Luke lang naman ang nakabukod at may sariling condo na bago pa man mag start ang college. Kung ako ang tatanungin, parang gusto ko na ring mag condo na lang, tutal palagi naman akong mag isa sa bahay, so parang wala lang pinagkaiba. Marunong naman ako sa gawaing bahay, hindi nga lang ako marunong mag luto.
"Parang gusto ko rin... Try kaya natin, Abs?" Nakangiting tanong ko kay Abcd.
"Sam, parang awa mo na, stop calling me that nickname, ang bantot" ngumiwi pa si Abcd. Umirap na lang ako.
"Hoy, seryoso ba kayo?" Pagsingit ni Matt.
"Hindi, tol. Nagjojoke lang sila, tawa tayo" segunda ni Luke. Hinampas naman siya ni Lei na na'sa tabi niya.
"Seryoso ako" pagseryoso ni Dj. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may problema siya, specially sa parents niya.
"Call ako" desididong sabi ko.
"Wow, papayagan ka naman kaya ng daddy mo? Lalo na ni kuya Yvhan?" Tinignan ko si Zip. Tama siya, kailangan ko pa magpaalam.
"Hayst..." madramang buntong-hininga ni Luke "buti pa tayo, tol. Hindi na problema ang pagbubukod" tinapik-tapik niya pa ang balikat ni Matt.
"Ulol" sagot ni Lei.
We've been friends since highschool, kaya kilalang kilala na namin ang isa't isa, pero may mga parte pa rin sa amin na hindi namin ma-open up sa grupo. We all feel comfort to one another, we have proved ourselves to each other long time ago.
Alam rin namin ang mga status namin sa buhay, sa aming lahat si Dj ang may pinaka pressured life, kaya siguro gusto niyang bumukod dahil baka gusto niya ng space from her parents. Sa aming lahat, siya ang pinakamadalang magshare.
YOU ARE READING
Our Promise (Friends' series #1) On-going
RomanceSerenity Aeyah Mignonette Alvarez, lumaki na nasa puder ng ama, hiwalay na ang mga magulang simula noong bata pa siya. She used to believe in fairy tales, in happy endings, even though her parents doesn't have one. Hindi siya pinanghihinaan ng loob...