Tinignan ko ng may pangdududa ang lalaking katabi ko bago tinuon ulit ang tingin sa mama niya, nakangiti lang ako at tumango bago siya nagpaalam sa amin at may aasikasuhin pang ibang bisita. Nakita rin naman agad namin sila daddy at tita Jane kasama ang ibang business partners siguro sa iisang table, pati si kuya ay kasama rin nila.
"Let's go over there" aya ni Aki sa isang table.
Lumapit kami sa table kung nasaan ang kuya niya, if I'm not mistaken, his name is Hercules?
Kasama ng kuya niya ay ang dalawa pang babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin, may hawig din kay tita Felicita ang isa at kay tito Philip naman ang isa. Kapatid ata ni Aki ang mga ito.
"Guys, this is Aeyah" napatingin ako sa kaniya dahil sa pangalang binigkas niya. "Ae, this are my siblings" pagpapakilala niya sa kanila. Sabi na eh!
Agad akong ngumiti nang lumingon sa kanila at inilahad kamay "Hello, I'm Serenity"
Nagtataka pa ako sa kanilang dalawa dahil nagkatinginan muna silang dalawa bago tumingin sa akin ang isa at ngumiti ng malawak.
Ang isa naman sa kanila ay parang nakakita ng multo at biglang nanlaki ang mata na para bang nagulat pa na nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko.
"Omg! You're THAT ate Aeyah that kuya always tells us-"
Hindi na niya natapos ng isang mukhang nagulat ang sasabihin nang akbayan siya ng babaeng katabi niya at tinakpan ang bibig habang nakatingin sa akin at awkward na ngumiti, si kuya Hercules naman ay ngingiti-ngiti lang din.
Awkward akong ngumiti sa kanila bago pilit ng tumawa saka tumingin kay Achilles na napaiwas ng tingin sa akin. So kwinekwento mo pala ako ah.
"Ako nga, nakwekwento pala ako ni Aki?" Inosente kong tanong. At pasimpleng tumingin sa katabi ko.
"Ah oo-" naputol ang sasabihin niya ng siniko siya ng babaeng katabi niya kasabay ng kaunting pagubo ni Aki.
"It's so nice to hear you calling him Aki" singit ni kuya Hercules na pinagtaka ko.
"By the way, I'm Amanda, and this is Heriah our youngest and the most madaldal" pagpapakilala nila. Ngumiti na lang ako at kinamayan sila.
Si Heriah pala yung nambuking sa kuya niya. She's 15 years old while Amanda is 17. Inaya na nila kaming umupo na ginawa naman namin. Mag katabi kami ni Aki at sa kanan ko naman ay si Heriah na mukhang tuwang-tuwa sa presensiya ko.
"Ate Sam... can I call you ate Sam? Kuya said kasi na only your close friends and relatives can call you that" mahaba niyang sabi.
Natawa ako sa kadaldalan niya at tumango "Yes, you can call me ate Sam, and don't believe everything your kuya tells you" sabay tingin kay Aki na umirap lang.
"Nice hehe, so ate Sam gusto mo ng cake?" Alok ni Heriah.
"No, thanks" mahinhin kong tanggi.
"Riah, stop bothering your ate Aeyah" sita sa kaniya ni Aki.
Sinamaan ko ito ng tingin at inirapan bago bumaling kay Heriah "Don't listen to him, I'm fine... Riah" lumawak ang ngiti nito at impit na tumili.
Madaldal talaga si Heriah, ang dami niyang kwinekwento sa akin na kung ano ano, si Aki na lang ang sumisita sa kaniya kapag naiinis, ayos lang naman sa akin yun, masaya nga siyang kausap eh. Habang sina kuya Hercules at Amanda naman ay nakikinig lang at paminsan-minsang sumasabat para kontrahin si Riah. May mga nag serve na rin ng food kaya habang nagkwekwento siya ay paminsan-minsan akong sumusubo.
"The player cousin has arrived" napatingin ako kay Amanda ng magsalita ito.
Sinundan ko ang tinitignan niya nakita ang isang lalaking bagong dating na may malapad na ngiti sa labi. Magaganda talaga ang mga lahi ng Hernandez. Nakipagkamustahan pa siya sa lahat ng madaanan bago nilibot ang paningin at nahinto ang tingin sa table namin.
YOU ARE READING
Our Promise (Friends' series #1) On-going
RomanceSerenity Aeyah Mignonette Alvarez, lumaki na nasa puder ng ama, hiwalay na ang mga magulang simula noong bata pa siya. She used to believe in fairy tales, in happy endings, even though her parents doesn't have one. Hindi siya pinanghihinaan ng loob...