17

2 0 0
                                    

Did I mention how handsome this man beside me is? I mean, alam ko naman noon pa na gwapo talaga si Achilles, but he looked more handsome now that I am in love with him. Tulad ng sabi niya kanina, susunduin niya ako around 6. 

"Hi!" Bati ko sa kaniya nang makababa siya at salubungin ko sa entrance ng mansion. 

Nilibot niya ang mata niya sa kabuuan ko at napakunot ang noo. I also creased my forehead in confusion. 

"Why?" He looked at me. 

"'di ka pa ba ready?" He softly asked.

"I am, do I look like I am not?" Pinatagilid ko ang ulo ko at binigyan siya ng tamad na tingin. 

"No, I mean..." Natikom niya ang bibig niya at napatingin sa akin na parang natatawa na humihingi ng pasensya, " Fuck, I forgot... I thought I have told you already,"

Nagtaka naman ako, "Told me what?"

"That this is supposed to be a three-day out of town." Napanganga ako sa sinabi niya, handa na siyang bulyawan dahil hindi naman niya sinabi sa akin.

"Hindi mo-"

"I know, that's why I'm sorry, but I already have your dad's blessing, so..." He smiled apologetically.

I snob at him before turning my back on him, "Wait for me, I'll just pack my things." Nakakaisang hakbang palang ako nang lingunin ko siya ulit, "Achi," he raised a brow, asking. "Nakakainis ka," Pabiro kong hirit at narinig pa ang mahina niyang tawa bago ako tuluyang umakyat. 

I was busy packing my things when I remembered that I hadn't asked him the place yet. Lumabas ako ng kwarto, at mula dito sa taas ay tinignan ko siya na nakaupo na sa couch. 

"Achilles Clyde Hernandez!" He looked up at me.

"Yes, Serenity Aeyah Mignonette Alvarez-Hernandez?" Napairap ako sa itinawag niya sa akin pero deep down I am screaming my lungs out. His surname fits mine perfectly!

"I forgot to asked. Saan tayo pupunta?" Sigaw ko para marinig niya.

"Batangas!"

After hearing the place, dali-dali ang ginawa kong pag-impake. Since tatlong araw kami 'dun, nag dala ako ng tatlong swimwear, two 2-piece swimsuit and one 1-piece, that's batangas, malay ko ba kung saang place mismo sa batangas, maraming magandang resorts dun, nagdala rin ako ng casual wears of course. 

I was so much excited to arrive at the place before we drove off. Nag drop by kami sa drive-thru ng McDo dahil almost one hour ang byahe namin. Ang eksena sa sasakyan niya ay ako ang taga subo sa kaniya ng inorder niyang food dahil nga nag dr-drive siya. Wala namang kaso sa akin, it was actually a good time for us to create a memories and to bond more. After this, I may get comfortable living with him. 

"I hope that you're well aware that your stares are making it hard for me to concentrate driving" Sabi niya sabay lingon sa gawi ko.

Naiilang naman na iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. "Bahala ka d'yan, iidlip na lang muna ako" 

"Okay, I'll wake you up once we arrive," He said.  

Mabilis akong nakatulog sa biyahe, dala na rin siguro na maaga akong nagising para rito. After a long ride, nakarating na rin kami sa lugar. Nauna siyang bumaba nang maiparada na ang sasakyan at umikot para pagbuksan ako. Kinuha ko ang iniabot niyang kamay para alalayan ako. 

"Thank you!" 

Nang makababa na ako ng maayos, inilibot ko ang pangingin ko sa kabuuan ng lugar. Ang ganda!

"Where are we exactly?" I asked without looking at him. 

"We are at The Farm at San Benito, but here, we are in one of their famous villa, the Lakan Villa" I felt him walk near me and now he is grabbing my waist. 

Our Promise (Friends' series #1) On-going Where stories live. Discover now