It's seven o'clock in the morning and our call time is nine o'clock. I just wore a simple white top na naka tuck in sa brown high waisted straight cut trouser and white shoes. Nakatali rin ang buhok ko pataas, nagsuot na rin ako ng black cap dahil for sure mainit dun.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Aki na naghahain na sa kitchen. Nakabihis na rin siya, blue polo-shirt at black shorts lang ang sinuot niya, he looks nice. Nagtataka akong lumapit dito at pinanood ang pagluluto niya.
Nang mapansin ako ay ngumiti siya sa'kin saglit "Good morning" bati niya.
"Morning"
"Let's eat" nakaprepare na lahat. Hotdogs, bacon and ham ang nakahanda with fried rice. It smells good pero hindi ako kumakain ng breakfast.
"I-"
"Eat" putol niya sa sasabihin ko.
Nilagyan niya na ang plato ko ng tatlong scoop ng fried rice konti lang naman 'yon, saka naglagay ng ulam. Nakakainis dahil ito na naman siya. Hindi nga ako mahilig kumain kapag umaga eh.
"Eat before we go" napangiwi na lang ako ng makita ang mga na sa plato ko bago nilantakan iyon.
Mabilis kaming nakarating sa barangay Sawang pagkatapos naming mag agahan. Narito na rin ang ibang staffs at ang ibang representative galing sa ibang company, konti palang naman sila.
May mga truck na nakapark sa gilid ng kalsada, at may mga taong nagbubuhat ng boxes papunta sa gym. Mamaya-maya pa naman magsisimula kaya naghahanda palang ang ngayon. Tumutulong na rin si Aki na magbubat pagkarating palang namin. Wala naman akong magawa kaya imbes na tumunganga at panoorin sila, I decided to at least help carry some boxes. Ibinaba ko muna sa loob ng kotse ni Aki ang shoulder bag ko para mas komportable akong tumulong.
"Ma'am, kami na po" sabi ng isang tauhan at akmang aagawin na niya ang kahon na hawak ko pero iniwas ko sa kaniya.
"Ako na po, kaya ko naman" maliit na box lang naman at hindi ganon kabigat kaya ayos lang.
Napansin ako ni Aki at lumapit sa akin, may buhat pang dalawang maliit na box. "Kaya mo?"
"Yeah" I said bago lagpasan siya at ilagay ang buhat kong box sa gym kasama ang ibang kahon.
Nakailang boxes rin ako pero puro maliliit lang naman at hindi mabibigat, sinubukan pa akong pahintuin ni Aki pero hindi ako nakinig. Matapos maibaba ang mga kahon ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina kung saan ako nakaupo.
"Here" inabutan ako ni Aki ng bote ng tubig.
Kinuha ko naman iyon at mabilisang uminom, sobrang pagod sa pagbubuhat at pabalik-balik na pagkuha at pagbaba ng mga kahon tapos mainit pa. Naupo rin si Aki sa upuan na nasa tabi ko, naglabas siya ng panyo sa isang maliit na backpack na hindi ko napansing dala niya pala. Sinilip ko ang laman nun at nakita ang dalawang extra shirts and towels.
Napaatras ako ng kaunti nang lumapit siya sa akin at alisin ang cap na suot ko saka dinampian ng pamanyo ang noo ko. Hinayaan ko na lang siya habang pinupunasan niya ang pawis sa noo at ibang parte ng mukha ko. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya, napalunok pa ako nang mapatitig ako sa labi niya. Napaiwas rin agad ako ng tingin nang matapos siya. Ilang beses ko na bang pinagnasaan ang labi na 'yon?
"Yung likod mo basa" he said bago ibalik ang cap sa ulo ko.
"Ow" naramdaman ko nga ang basa sa likod ko dala ng pawis "right"
"May extra shirt ka bang dala?"
"W-wala"
Hindi pa nagsisimula pero sobrang pawis ko na, buti na lang hindi pa ako nag make up dahil masisira lang iyon. Nilabas ni Aki ang isang white na t-shirt at inabot 'yon sa'kin.
YOU ARE READING
Our Promise (Friends' series #1) On-going
RomanceSerenity Aeyah Mignonette Alvarez, lumaki na nasa puder ng ama, hiwalay na ang mga magulang simula noong bata pa siya. She used to believe in fairy tales, in happy endings, even though her parents doesn't have one. Hindi siya pinanghihinaan ng loob...