05

1 0 0
                                    

Umalis na siya sa harapan ko, iniwan akong nakasandal pa rin sa pinto, nanghihina ang tuhod ko dahil sa ginawa niya. I watched him grab the things that is lying on top of my table and went straight to the bathroom.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang mawala siya sa paningin ko. Nilingon ko ang kama, malaki naman yun at kasyang kasya kahit apat na tao pa ang mahiga, pero pakiramdam ko ay masyadong masikip yun para sa aming dalawa.

Naglabas ako ng tatlong extra na unan at inihanda iyon sa gitna ng kama, nagsisilbing boundary namin.

"Ayan" pinagpag ko ang dalawa kong kamay at nakangiting tinignan ang ginawa kong set up.

Naramdaman ko na ang paglabas niya sa banyo, nilingon ko ito pero agad ding napaiwas ng tingin nang makitang naka-topless lang siya habang pinupunasan ang basang buhok.

Jeez, why does he looks so hot! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi at tenga ko.

"Magbihis ka nga!" Bulyaw ko. Hindi siya nagsalita "N-nakabihis ka n-na?"

"I'm done" lumingon na ako sa kaniya at naka suot na siya ng white t-shirt.

Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na ako sa study area, binuksan ko ang laptop. "Matulog ka na, tatapusin ko lang 'to" sabi ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

"Concern now?" Masama ko siyang tinignan "Kidding" umirap na lang ako at tinutok ang mata sa ginagawa.

"May bukas pa naman, continue that tomorrow"

"Concern now?" Pambabalik asar ko sa kaniya.

Abala ako sa pagaayos ng PowerPoint namin, nagulat na lang ako nang bigla niyang sinara ang laptop ko. Nakatayo na siya ngayon sa gilid ko.

"Ano ba?!" Singhal ko.

"Take a rest" mahinahon niyang sabi pero naiinis pa rin ako.

"I said mamaya na- Aaah! Ibaba mo ako!" nagpupumiglas ako nang bigla niya akong binuhat, bridal carry.

"Ano ba, Aki! Ibaba mo ako sabi eh" pinaghahampas ko pa siya pero wala siyang balak makinig sa akin.

Ibinaba niya na ako sa kama, kinuha ko ang isang unan sa ginawa kong boundary at ibinato iyon sa kaniya. Hindi pa ako nakuntento ay kinuha ko pa ang isa, sumisigaw ako habang binabato siya ng unan.

"Nakakainis ka! Nakakainis! Umalis ka na!"

Nakatayo lang siya sa gilid at sinasalo ang mga bato ko. Kinuha ko pa ang isang unan at pinaghahampas sa kaniya, panay lang ang pagsangga niya.

"Ahhh!" Natili ako nang sumampa na rin siya sa kama at sapilitang inaagaw sa akin ang unan na hawak ko.

"Stop shouting, woman!"

"Woman mo mukha mo, I hate you" singhal ko at tumigil na ako sa panlalaban, hingal na hingal ko siyang tinignan ng masama.

"Stop shouting or else I will kiss you"

Parang isang magic word ang sinabi niya at awtomatikong nagtikom ang mga bibig ko. Masama pa rin ang tingin sa kaniya.

"That's better" umalis na siya sa harap ko at umusog sa pwesto niya.

Now that I've noticed it, nawala na ang boundary na ginawa ko. Nanatili akong nakaupo sa kama habang siya ay nakasandal sa headboard. Bumuntong hininga na lang ako at akmang tatayo na para bumalik sa ginagawa ko kanina nang bigla niya akong hatakin sa bewang pahiga.

Nasa ibabaw ko siya habang ang kaliwang braso nya ay nasa likod ko, nanlaki ang mata ko.

"A-ano ba" sisigawan ko sana siya pero bigo ako dahil nanghina ang boses ko.

Our Promise (Friends' series #1) On-going Where stories live. Discover now