Panel 2

16 2 0
                                    

"Boyfriend pala niya, ikaw? Sino ka?"Mayabang na saad niya sa kausap niya.

What the fuck?!

My eyes panicked when he said that he's my boyfriend. Siya? 'Yang mukha na 'yan, mukha bang papatulan ko 'yan? Mukha lang nasa banda 'yan pero G chord nalang hindi pa magawa ng maayos.

I rolled my eyes heavenwards at Lazarus. How dare he!? Mali tuloy ang maiisip ni Lucius! I saw how Lucius's face became gloomy at para bang nawalan ng pag-asa.

"I'm Nathaniel Lucius Claveria." He offered a hand at him at tinanggap naman ito ni Lazarus. He put a smile on his face that made his face glow again. Iba talaga kapag ngumingiti ang mga intimidating na tao, mas lumiliwanag sila.

"Nathaniel? As-in 'yung batang bumaba galing langit?" Biro ni Lazarus sakaniya. Hindi ko napigilan ang tawa ko at napatalikod ako para tumawa. Ilang sandali lang ay humarap uli ako. Ang babaw ng kaligayahan mo Alle! I heard him clicked his tongue before answering.

"No, bro. Nathaniel doesn't cuss," He uttered. His phone started ringing at napahinto ako sa pagtawa nang nakita ko ang cellphone niya.

Tangina.

"Wait a minute," he uttered and walk not so far from us and answered the call.

His skinny hands made it look more expensive; he's using the new iPhone 14 pro in silver! Clear case lang ang gamit niya kaya naman nalaman ko kaagad. Pambayad ko na ng medicines ng kapatid ko ang cellphone niya e! Saang school kaya 'to nag-aaral? I bet he's studying in prestigous school.

"I'm gonna go na!" Paalam niya at tinapik si Lazarus sa balikat niya. Tinapik niya rin pabalik and his face shone when our eyes met — his lips started to curve into a smile and his left eyebrow raised as his head tilted. He waved at Czyrine and Willa who's inside the coffee shop — drinking their frappes.

Marahas kong tinanggal ang braso ni Lazarus sa'kin. "Gago! Kadiri!" I acted like I'm throwing up sa isang bowl habang papasok kami ng coffee shop. Sino ba naman kasing mag-aakala na siya'ng boyfriend ko? Sa mukha niyang 'yon.

"Bakit? Anong nangyari?" They synced. Agad naman akong umupo sa isang bakanteng upuan at pinipigilan ang malakas kong tawa. Whenever I reminisce that moment parang gusto kong sumuka.

"Upuan ko 'yan, love!" Lazarus uttered. Tangina talaga nito, hindi titigil e. Sana alam niyang nakakadiri siya!

"What the fuck? Tumigil ka, rockstar outfit ka pa ngayon e G chord nga lang hindi mo magawa." He scoffed and sipped on his drink. Czyrine and Willa elegantly laughed — Ito ang mga nakakahiyang kasama e! Kung tumawa akala mo'y nasa sinaunang panahon!

Kami lang talaga ni Lazarus ang hindi normal sa grupong 'to, kami kasi palagi ang nagbabangayan at minsan tandem sa katarantaduhan. Sa kabilang banda, 'yung dalawa naman ay mahinhin pero iwasan mong magalit dahil baka ilang math equations ang ibato nila sa'yo; swerte ka kung magaling ka sa math pero hindi ka parin makakatakas sa init ng ulo nila.

Si Willa, kaibigan ko since grade 5. Siya lang ang nagtagal sa'kin kaya hindi ko na pinakawalan. Si Czy naman nakilala ko lang dahil sa k-pop at si Lazarus naman... 'wag mo ng itanong! Lalamunin lang ako ng hiya kapag inalala ko nanaman 'yon.

Ako ang nagsama-sama saamin, ang akala ko nga noong una ay hindi nila magiging close si Lazarus dahil they're sensitive when it comes to boys. Good thing nalang at close friends na rin sila.

"What happened na roon sa kausap mo? Ang pogi ha!" Sabi niya at tinapik ang braso ko. Gwapo nga... tama naman pero hindi — babaero mga gano'ng itsura. Parang wala lang sakaniya na nag-kiss kami!

Iwas at baka masaktan.

"Mukhang koreano!" Czy uttered at akala mo'y nai-inlove kay Lucius. I scoffed at pinagkrus ang binti. Siguro may gusto 'to kay Lucius, sabagay, sino ba naman kasing hindi?

"Hand me your phone." She gave it to me at tinipa ang buong pangalan ni Lucius sa search bar ng facebook ni Czy. Lumabas kaagad ang account niya at agad ko namang pinindot iyon.

Aesthetic pala 'to e.

His profile picture is his side profile at ang background ay isang sunset, I bet this photo was taken using a film camera. It's grainy at parang k-pop ang istilo ng film nito. He's wearing a white t-shirt na may nakapatong na sky blue long sleeve polo, mahaba rin ng kaunti ang buhok niya rito because of the hair on his nape reached his shoulder. Wala siyang cover photo at masiyadong information about him pero ang link ng instagram at twitter niya at naka-embed doon. Marami rin siyang facebook friends, lampas isang libo at maraming public tag post sakaniya.

I clicked Add and Follow sa social media accounts na naka-embed sa facebook profile ni Lucius, "Ako na nag-add para sa'yo. Alam kong magiging stalker ka lang." When I handed her phone to her ay akala mo'y yelo dahil naninigas ang katawan dahil sa ginawa ko at bakas sakaniyang mukha ang pagkagulat.

"Moves," Willa whisphered. I smirked.

"In-accept niya 'ko!" Czy stood up because of saccharine.

That fast?

— 📸 —

I groaned when I got to sit on the couch in our home. Grabe ang pagod ko, ubos ang social battery ko at para bang ang likod ko ay sumasakit kaya humiga ako saglit.

Pagkatapos kasi namin sa coffee shop ay kung saan-saan kami dinala ni Czy, hindi naman kami umangal dahil birthday naman niya. Mabuti nalang at may dalang kotse si Lazarus at kung hindi ay pudpod na ngayon ang sapatos ko.

"Ate!" Agad akong napa-upo sa pagkakahiga, "pasalubong ko?" sinalubong niya 'ko ng maganda niyang mga mata na nag-beu-beutiful eyes pa.

"Oh, gift namin sa'yo 'yan!" Binigay ko sakaniya ang isang paper bag ng miniso. Umupo siya sa couch at habang binubuksan ay may nakapaskil na ngiti sa kaniyang mukha.

"WOW! Si Grizzly!" His eye smile formed at agad na kinuha ang stuff toy mula sa loob ng paper bag. He looked at me with sparkling eyes at ang ngiti niyang kitang-kita ang maliliit niyang mga ngipin. He gave me a tight hug at ng hindi ko marinig ang boses niya ay agad kong inalis siya sa pagkakadikit sa'kin.

"Floyd! Floyd!" Natatarantang sigaw ko ng makita siyang nakahawak sa dibdib niya at pinipilit na kumuha ng hangin. His sparkling eyes swipped away and replaced it with tears.

Hang on, Floyd.

───── ⋆⋅📸⋅⋆ ─────

Captured ChordsWhere stories live. Discover now