Panel 17

2 0 0
                                    

"Ha?" I tilted my head with my brows furrowed. Ano raw'ng sabi niya? Ano? Gusto niya ako?

He said it in a way that'serious that's why I took it so serious. Minsan lang kasi maging seryoso si Lazarus, and if he became serious it means he mean it.

Sa sandaling katahimikan naming dalawa, he decided to break the silence.

"That's the first line," he left me empty, "Actually, gusto kita — sulat mo." I quickly wrote it down. Iyon lang naman pala ang unang linya, bakit kasi seryoso ang pagsabi niya? Namali tuloy ako ng akala.

We continued writing, untill recess nga ay nagsusulat pa rin kaming dalawa. Nasa quads kaming dalawa ngayon, kakabalik lang niya galing sa cafeteria. Hindi ako kakain ngayon dahil busog pa naman ako at nagbabalak ako na bumili ng bagong damit ng gitara ko.

Sira-sira na kasi dahil ilang taon na iyong bag na 'yun sa'kin. My guitar was given as a Christmas gift from my mom back in 2018. The first 2 years of having my guitar, kahit ni isang kanta ay wala akong natutuhan — ni hindi ko nga alam paano mag-strum ng tuloy-tuloy.

Hindi ako masiyadong tutok sa pag-aaral ng gitara noon dahil nag-mo-model ako noon. Being a model was my dream before — it's like a moon that's so hard to reach. Mahaba ang kuwento kung paano ako natutong tumugtog at nagsulat ng kanta.

I named my guitar, Pinky. Dahil pink ang kulay niya, favorite color kasi ng nanay ko 'yun. Ayoko ng pink, masiyadong girly ang kulay although hindi ko naman sinasabi na men can't wear pink because it's girly. It's just that, I don't want it for me dahil hindi siya bagay sa personalidad ko.

Lazarus's writing on my notebook — para nga siya ang gumawa ng kanta dahil halos sakaniya lahat ng recommendations.

When he handed me the notebook I read what he wrote.

Words that light up in your device
Will never in a million years suffice
The only way to make you understand
Is to actually hold my hand

I decided na sumabay na kay Lazarus, ayaw niya raw mag-drive dahil baka mahuli siya. Student license palang kasi ang meron siya, so he called his driver to pick us up at ibaba kami sa bahay.

Gusto niya raw kasi bisitahin si Flo dahil matagal na rin noong huling punta niya.

— 📸 —

"Flo!" Sigaw ko pagkapasok ng bahay. Wala kasi siya sa living room pero nakabukas ang TV at Spongebob pa nga ang palabas.

I heard a noise inside the kitchen kaya naman agad akong tumakbo roon. I halted when I saw Crishanne and Flo on the floor at naglalaro ng lutu-lutuan. I glanced at the guy who's standing at nagbubukas ng kalan.

He's wearing a plain white t-shirt and denim shorts above his knee, napansin ko rin ang leather watch niya sa right wrist dahil hawak-hawak niya ang spatula.

"Ate!" I heard Flo yelled at tumakbo para yakapin ang binti ko. Crishanne also ran towards me at niyakap ang isa ko pang binti and now I'm stuck to the both of them.

Lumingon kaagad ang lalaki — it's Lucius. My brows furrowed dahil bakit naman siya nandito? I mean, Crishanne's here so why is he here also?

"Hi," he uttered and smirked at me at nilagay na ang tatlong chicken nuggets sa pan. Lumayo siya ng kaunti dahil tumatalsik ang mantika sakaniya.

"Ba't nandito ka?" I asked him. I sounded mataray kaya lumapit ako sakaniya. Napansin kong hindi siya sanay na matalsikan ng mantika dahil napapatalon pa siya.

"I drove the kids home, Flo invited Shanne here. We're not supposed to go here since wala raw tao but they both cried to me — I had no choice," he explained himself. Kinuha ko ang spatula sakaniya para ako ang magtuloy ng pagluluto. "I messaged you, did you receive it?" Umiling ako dahil hindi ko naman in-open ang cellphone ko mula kanina dahil gumagawa kami ng kanta.

Lazarus tapped Lucius's shoulders at tumabi sa'kin. Lazarus's lips formed into a smirk at hinarap ako nito pagkatapos ng sandaliang titigan nila ni Lucius.

"Let me do that," Lazarus uttered at kinuha ang spatula sa'kin. Bakit? Hindi naman siya marunong magluto ha? Kasambahay nga lang nila ang nagluluto ng itlog at hotdog niya.

"Ako na," kinuha ko ang spatula sakaniya. Akmang aagawin niya uli ang spatula kaya nilayo ko sakaniya. Hindi naman kasi siya marunong magluto, bakit siya nagpre-presinta?

Isang talsik nga lang ng mantika sakaniya ay para na siyang mamamatay.

He kept reaching the spatula but he stopped when Lucius grabbed the spatula.

"The nuggets are burned," Lucius uttered habang hawak-hawak ang spatula. Nag-aamoy sunog na nga kaya kinuha ko sakaniya ang spatula at binaliktad ang nuggets.

I looked at Lucius, bakas sa mga mata niya ang pagkainis. The way he stares at me ay parang naiinis siya but he's hiding it with his smile. On the other hand, I looked at Lazarus who look like he lost the battle at napakalalim ng titig niya kay Lucius — ang talim!

"Linisin mo 'yung sala," utos ko kay Lazarus. Hindi siya nagreklamo dahil ihahampas ko sakaniya ang spatulang may mantika kapag hindi niya sinunod. He immediately grabbed the broom and dustpan.

Lucius and I are left inside the kitchen, sumunod kasi ang dalawa sa sala dahil naiinitan na raw sila sa kusina.

I served the nuggets to the kids, pinapalo ko nga ang kamay ni Lazarus kapag kukuha siya dahil niluto ko iyon para sa mga bata at hindi para sa kaniya.

Flo and Crishanne invited Lazarus to play with them, may gagawin daw sila kay Lazarus at sabi pa nga ng dalawa ay matutuwa talaga siya.

I went upstairs para magpalit ng presko na damit. I changed to a black muscle tee na may print ng bandang KISS sa gitna at nag-black shorts lang. Karamihan sa damit ko ay puro banda ang print, galing pa kasi 'to sa nanay ko pero ako ay ginupit ang mga manggas.

Kinuha ko ang gitara ko para ituloy na ang kantang ginagawa namin. I ran downstairs dala-dala ang gitara ko.

"Lazarus tara na!" Aya ko sakaniya, pagkalingon niya sa'kin ay bigla akong naglabas ng tawa. Bakit may lipstick ang bibig niya? Lagpas pa ang eye shadow niyang kulay blue at pink. He looks like he's asking for a help.

"Ate, can we play with Kuya Lazarus pa?" Crishanne asked me at nagpa-cute pa ito sa'kin. I nodded habang tawang-tawa dahil sa ginawa nilang dalawa. Lucius's just watching them play on Lazarus's face habang may ngiti sa mukha niya — Alam kong gusto niya ring tumawa dahil kitang-kita ang pagkagat niya sa ibabang parte ng labi niya tuwing napapatingin sakaniya si Lazarus.

I sat on the carpet dala-dala ang gitara't notebook ko, Lucius sat beside me while I'm flipping the papers inside the notebook.

"What's that?" Lucius asked. I handed him my notebook and he read it seriously. "Is this a confession song?" He asked and I nodded. He asked for a ballpen and I immediately gave him my ballpen. Tumabi ako sakaniya para tingnan ang sinusulat niya.

His smell! I secretly sniffed onto his shirt, he never leave the house na mabaho! I love this man for smelling expensive!

My head's on his left shoulder, ang bango talaga niya! Hindi nakakahilo ang amoy. He handed me the notebook and I quickly read the last part dahil iyon lang naman ang kulang.

All the notes inside this song
Are arranged to make you long
For someone who'd be there all the way
For someone who will actually stay

─────  ⋆⋅📸⋅⋆ ─────

Captured ChordsWhere stories live. Discover now