Panel 14

4 0 0
                                    

Nasa labas ako ng Jess and Pat's para magmuni-muni at mag-vape. Ang dalawang arms ko at nakapatong sa railings, ang isang kamay ko ay mag hawak na vape. Gabi na at nagliliwanag ang ilaw ng buwan sa itaas.

Humipak ako sa vape ko at binuga ang makapal na usok sa kalangitan at huminga ng malalim bago kausapin ang langit.

"Tay, tama pa ba 'tong ginagawa ko? Paramdam ka naman oh." Tinitigan ko ang lumiliwanag na buwan at iniisip na iyon ang tatay ko. Kahit madilim ang langit, nakikita ko ang tatay ko na nag-aalala sa'kin.

My tears are producing at para bang naninikip nanaman ang dibdib ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, parang hindi lang nadadagdagan ng tinik ang puso ko kundi parang pinupukpok ito ng martilyo dahil sa sakit.

My tears kept falling down onto my cheeks, nanlalabo na ang mga mata ko dahil doon. Humipak uli ako sa vape ko at binuga ang makapal na usok.

My dad died 11 months ago, sabi nila ang tagal na at bakit hindi pa ako nakaka-move on. No one will understand how I feel right now, kahit ang mga kaibigan ko ay hindi alam na nanlulumo pa rin ako sa pagkawala ng tatay ko.

I'm closed with my father since birth, palagi kasing galit ang nanay ko sa'kin noon. Palaging mainit ang ulo niya at kadalasan pinapalo pa ako ng kung ano-ano. However, I love my mom, she went through a lot: physical and emotionally abuse and cheating. Ngunit kahit na naroon ako nung mga nangyari 'yun ay mas close pa rin kami ng Tatay ko -- may galit lang noon pero bago pa siya mamatay ay napatawad ko na siya.

I made a lot of memories with my father, we went to Ugbo sa Tondo, nightmarkets, and other restaurants. Mahilig kasi siyang mag-explore ng mga pagkain — akala mo nga isang chef dahil grabe kung mang rate ng pagkain.

"Alam mo tay, ANG KJ MO!" humipak ako sa vape bago ituloy ang reklamo ko sakaniya, "malapit na birthday ko, umuwi ka na. Huwag kang madaya!" Pang-aaway ko sakaniya kahit na hangin lang naman ang kausap ko.

I chuckled at tumingin sa baba, hindi ko napansin na tumutulo nanaman ang mga luha ko. I sniffed dahil tumutulo na ang sipon ko, humipak uli ako sa vape ko at inilabas ang makapal na usok.

"Tahana," narinig ko na ang pamilyar na boses ngunit hindi ito clear dahil may kumakanta sa loob at ang daming nag-uusap dito sa labas.

Nang maramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko ay lumingon ako ng kaunti sa baba para tingnan kung sino ba talaga at nakita ang soot niyang black pants at black shoes. Hindi naman siya si Lazarus dahil nakamaong na shorts si Lazarus.

Bigla ko siyang nilingon at kumabog ang dibdib ko ng makita si Lucius na nasa harapan ko. He has a smile on my face, but his eyes can't lie — para siyang nag-aalala.

"Ano?" His brows furrowed— mukhang hindi marinig ang sinabi ko. Lumapit ako sa tenga niya para marinig niya, "Sabi ko, Ano? Bakit ka nandito?"

"A-ano," he giggled at nilayo ang sarili sakaniya. He put his arms on the railings at nakatingin sa buwan. Tinabihan ko siya — nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya dahil may sasabihin ako. Nang mapansin niya na may ibubulong ako ay agad niyang pinalambot ang tuhod para maabot ko ang tenga niya.

"Hoy, 'wag mong sasabihin na nag-ve-vape ako. Kapag sinabi mo hindi ka makakauwi ng buhay," pagbabanta ko sakaniya at siniko siya dahil tawa lang ang binigay niya.

"Yes, boss. But..." humipak ako sa vape ko habang nakatingin sakaniya, ibinuga ko ang usok sa malayo dahil baka hindi siya makahinga sa usok, "Are you okay?" he asked me.

Okay nga lang ba ako?

I just gave him a giggle at humipak uli sa vape ko, tumingin ako sa malayo dahil pinipigilan ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hindi kami close para umiyak sa harapan niya — he will know me as mahina.

"Hey," naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, "are you okay?" hindi lang ang hininga niya ang mainit kundi pati ang boses niyang hindi masiyadong malalim ngunit manghihina ang tuhod mo kapag narinig mo.

Malapit ang mukha niya sa'kin, our eyes met and locked. Sa sandaling katahimikan, my eyes betrayed me by letting it fall my tears down. Agad akong napalingon at natawa nalang — itinaas ko ang vape sa lebel ng bibig ko at hinipak ito.

This vape's my only escape. Siya lang ang nandiyan tuwing kailangan at nahihirapan ako.

I looked down at doon na umiyak, tahan na. This man will remember and look at you as a weak person, the way they see you are more important.

"Wala—" I stopped when I realized na hindi naman niya ako maririnig kaya nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya, "wala namang aamin na okay sila!" nilaksan ko ang pagsabi.

Sino ba naman kasing aamin na okay sila? Wala naman 'diba? Kahit na sabihin nang isang tao na okay sila, it's not, their actions will speak.

Nanigas ako ng punasan niya ang pisngi ko gamit ang puti niyang panyo. Naramdaman ko uli ang daga sa dibdib ko, kinakabahan ba ako? Bakit naman? Pinunasan niya lang naman ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at inalis ito dahil nakakatakot na ang mga kilos niya. Baka mamaya paggising ko ay nababaliw na ako sakaniya.

"Yes but— if you open up, it will lessen the feeling."

"Ayoko, baka gamitin mo 'to laban sa'kin."

"You know, come with me," I raised a brow, "itatakas kita sa mundong ito."

Itatakas kita sa mundong ito.

Should I risk it?

───── ⋆⋅📸⋅⋆ ─────

Captured ChordsWhere stories live. Discover now