I can't believe he's my schoolmate.
Not just SCHOOLMATE.
"Huy, Umaga! Si Lucius pala," pagpapakilala ni Merc sa kaibigan niyang nakaupo sa tabi niya at may hawak na lapis.
I let out a sigh.
"Kilala niya 'yan!" Sigaw ni Pru at um-echo sa loob ng classroom nila. Napasandal nalang ako sa pader, Gosh! Hanggang dito ba naman talag sa school na 'to eh nandito siya!?
Kaya pala mukhang mayaman — isa palang Lasallian!
"Kayo ha~!" pang-aasar ni Pru sa'kin. Ano nanaman? Pinapunta niya lang ba talaga ako rito para lang makita itong pagmumukha ni Lucius?
My brows furrowed and rolled my eyes heavenwards because I was vexed buy his actions right now!
I glanced at Lucius who's wearing his jacket, his leather watch, the ring on his middle finger and a black framed glasses. Dahil sa glasses niya ay nagmukha siyang mabait at masipag. May hawak din siyang lapis at mukhan may dino-drawing sa sketchbook na nasa harapan niya.
Pru grabbed my wrist again at hinila para umupo sa tabing upuan ni Lucius. I spread my legs and my hands are on the back of the chair.
"The rizz bro!" Sigaw ni Merc sa likuran ni Lucius ng nanahimik ang kwarto dahil sa tinginan naming dalawa. Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil hindi ako natutuwa sa mga titig niya.
I clicked my tongue before talking, "Ano ba 'yon? Bakit mo ba 'ko tinawag, ha?" masungit kong tanong kay Pru na ngayon ay nasa ibabaw ng lamesa.
"Ito naman! Highblood ka kaagad!" I raised a brow at him, "may gig na kasi tapo—" agad naman akong naptayo dahil sa tuwa.
YES!
"Huy! Wait! 'Di pa tapos e!" umupo naman ako kaagad, "tapos, sponsor ng boss natin. I mean — hindi si Boss Marco ibang boss." Ha? Kailan pa kami nagkaroon ng ibang boss? Since then si Boss Marco lang naman ang nag-ha-handle saamin. I mean — we're just a covering band lang naman e pero he's the one who's helping us out.
"Ha? Sino? At saka bakit may bagong boss tapos hindi ko nalalaman?" Deretsa kong tanong sakanila. Napakamot naman sa batok niya si Pru dahil sa rami ng tanong ko.
Banda kami e, dapat alam ko rin hindi 'yung silang dalawa lang ang may alam. Ano ako? Kaibigang napag-iwanan sa trio friendship?
"Umaga, ayaw kasi niyang sabihin sa'yo kung sino siya pero sabi niya araw-araw raw tayo mag-gig o kaya kung kailan natin gusto," agad naman na nabawi ang emosyon ko dahil doon, "basta! mabait 'yun si boss. Mamaya g ka ba?" tanong ni Merc at agad naman akong tumango sakaniya.
"G!" I pasted a smirk on my face. Yes! Magkakapera nanaman ako!
Nag-aya sila ma pumunta sa canteen at tumambay muna saglit sa quads habang nagpapaturo si Merc kay Lucius about daw sa english lesson nila kanina.
Nasa quads kami, naka-upo lang kami ang katabi ko si Pru habang ang kaharap ko naman ay si Lucius at nasa tabi niya si Merc na seryoso sa pagsusulat ng essay.
"Gusto mo?" Tanong ni Pru at inalok ako ng belgian waffle niya. Umiling ako at nag-proceed sa pag-scroll sa facebook — bigla akong nabusog kaya hindi ko muna kinain 'yung tapsi kanina.
Hindi ko ba alam! Bakit gano'n ang tsan ko. Kapag nagugutom ako gusto ko ng ganito — ganiyan pero kapag nandiyan na parang nawawalan ako ng gana tapos biglang nabubusog.
As I scroll up, biglang dumaan ang isang video sa reels. Familiar 'tong lalaking to ha.
"So guys may nakita akong babae na bagay para sa theme ng shoot natin ngayon." He walked towards a girl who's standing and wearing a red-turtle neck top and maong skirt.
Wait...
That's me.
He uploded it already? GOSH. Makikita 'to nila Charlotte at sure akong aasarin ako ng mga 'yon. Kaya pala inaasar ako nitong si Pru dahil siguro ay nakita niya na.
I watched myself look different sa camera niya, ganito pala ang itsura ko? Parang hindi naman ako 'yan o baka siguro ay naninibago ako dahil babae ako noong araw na 'yan.
I continued watching the video and I saw how good Lucius was in socializing with people. He has a smile on his face the whole video at ako naman ay halatang inis sa mga sinasabi niya infront of the camera.
"What the fuck?" I cussed when the clip of us kissed showed. Sinama talaga niya 'yun? Kadiri!
Ramdam ko ang mga tingin nila sa'kin, napalakas ba ang sigaw ko? Naphinto si Merc sa pagsusulat at si Pru at Lucius naman ay naphinto sa pagkain ng belgian waffles nila.
"You okay?" Lucius asked me. His brow raised at napansin ko ang pagkagat niya sa pisngi niya.
Ako? Okay? HINDI! I just saw our clip kissed! Mapapamura nalang talaga ako sa clip na 'yon!
"Napanood mo na ba?" Kalmado kong tanong sakaniya. He looked more bewildered dahil sa tanong ko. I showed him my phone and I saw how his face changed.
Tarantado talaga.
"Oh, that... I already watched it," he uttered at kumagat sa waffle niya. Napanood niya na? So, why is he acting like nothing shit happened?
"Alam mo," he stopped eating, "tara nga!" Umalis ako sa pwesto ko at naglakad papalayo sa pwesto nila Pru at Merc. Ayokong makipag-away sa harapan nila.
Lumingon ako at nakitang hindi pa siya tumatayo, I rolled my eyes heavenwards. Ano bang gusto nito!? Nakakainis!
"Hoy! Ano!? Bubuhatin pa kita!?" Galit kong tanong sakaniya. Pru and Merc put their hands on Lucius's arm at parang may sinabi pa.
Umalis si Lucius sa kinauupuan niya at nilapag ang pagkain sa table at uti-unting lumakad papunta sa'kin.
"What's the matter?" He asked.
"Alam mo ikaw— how can you act like nothing shit happened!? Normal lang ba sa'yo na humalik ng isang babae!? Marami ka sigurong chicks 'no?" Sunod-sunod kong tanong sakaniya.
He just gave me a chuckle at tumindi pa lalo ang tingin niya sa'kin habang ako naman ay nag-iinit na dahil sa inis ko sakaniya.
"Oh kita mo! Nakuha mo pa talagang gumaganiyan!" I sighed out of frustration. Lumingon ako pakanan para iiwas ang tingin sakaniya.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang paghawak niya sa chin ko para iharap sakaniya.
Tangina, saglit.
───── ⋆⋅📸⋅⋆ ─────
YOU ARE READING
Captured Chords
RomanceAfter her dad passed on, Allegra Musica Formentera entered a covering band to support her sibling's medicine. She's a music paragon, assidous, distant, family and objective situated individual. A day came, she got picked by a well known photographic...