03

100 7 0
                                    

Mission 3: Stalker

Shiela’s POV

Matalim kong tiningnan ang babaeng kakadating lang mula sa ibang bansa at kasama pa si Zhangwei, akala mo kung sino para pagbantaan ako, akala niya siguro natatakot ako sa kanya. She's just like me an Eagle, what a show up of her.

Hindi nila ako napansin kasi medyo nasa malayo nila ako, may pinag-uusapan ang kasama nitong babae at si Zhangwei na nakikinig lang naman din sa kanya at tango lang ng tango, while this woman just crossing her arms and watching the two.

Napasulyap ako sa laptop ko na kanina pa nag s-scanning, malapit na naman din matapos. I wanted to know who are they, makapag-asta akala nila nasa sariling bansa sila.

Scanning done..

Agad kong binawi ang tingin ko sa kanila at kinuha ang laptop ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang profile information ng dalawa. It said here that Maven Jade Alcazar is an heir, a mix blooded woman, studied in Harvard University in Medicine and have a latin honor as a Summa Cum Laude. She's a license lawyer and have her degree, sa Spain sya nag aral ng abogasya at nakakuha muli ng latin honor, a summa cum laude again.

Really what kind of brain she have? Pero may ganon talagang tao na kayang kunin ang dalawang kurso,, kung kursonada nila.

Ibig sabihin hindi lamang sya isang doktor kundi isa ring abogada, a multilingual woman who can speak fifteen languages fluently. Binasa ko ang lahat na nakasulat sa kanyang profile information, halos magsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa kanya.

Tiningnan ko ang babaeng nagbanta sa akin kanina and I almost flinch when I meet her cold eyes, that green eyes, nakatitig s'ya sa gawi ko at biglang ngumisi ito. Yumuko ako upang iiwas ang tingin ko sa kanya at itinaas nalang ang bintana.

"I still don't like you," I mumbled while looking down to my laptop.

Ganon din ang nabasa ko sa Alison na iyan, she studied at Yonsei University in South Korea, she already know how to used computer kahit hindi niya ito pinag-aralan sa eskwelahan. She took a Medicine Curse and graduated as Highest Honors or a summa cum laude in Latin Honors.

The two are both dangerous agents from Spain, at dito na ako nagulat nang makita ko ang mga rangko nila. That damn woman is a Phoenix and a Phantom, while Alison is a Phantom but why Maven have a two rank? Hindi naman nakasaad dito.

"Bakit hindi nakalagay dito?"

Titig na titig ako sa screen ng laptop ko habang iniisip iyon, hindi din nakalagay ang pangalan ng mga magulang ni Maven sa kanyang profile information when in fact it's really needed. Wala ding address kung saan siya nakatira ngayon. Sinabi lang na isang tagapag mana ang babae pero wala ng ibang inilagay na kong ano.

Hindi kaya peke ang nakalagay sa profile information nilang dalawa? But Alison Andrade wrote that she have a brother who's also an agent and professional basketball player in Spain. Nakita ko naman iyon kasi may naka attach na mukha ng isang lalake and I know him.

I already saw him once, when I was in Spain with my parents.

"Nagsisinungaling ba ang Maven na iyon?" Tanong ko sa aking sarili.

Nag-iisip pa ako nang bigla nalang may kumatok sa bintana ko kaya napatalon ako at biglang nahawakan ang baril na nasa tabi ko lang. When I look who it was it's them, knocking on my window.

Binaba ko naman agad yung bintana para lang makita ko ang mga mata nilang nakatitig sa akin. Brandon is with them, nasa likod naman nila si Maven, habang yung Alison nasa gilid lang ni Zhangwei, halos umikot ang mata ko sa kanila.

NES #5: Million FingerprintsWhere stories live. Discover now