13

46 5 0
                                    

Continental Agents

ZHANGWEI

"Roosevelt sister.." natood kami ni Brandon sa kinatatayuan namin nang makita ang dalawang babae sa harapan ng tatlong director, nakikipag-usap.

"New Zealand based sila diba?" Napatingin naman kami kay Shiela na naka police uniform pa

Si Brandon na ang tumango sa kanya, of course we know those two. Sila lang naman ang muntik kaming patayin bong pumunta kami sa Australia dahil pareho kami ng misyon and they mistaken as also an enemy. Hindi kasi sinabi ng Philippine Agency na tatapak kami sa kontinente ng Oceana o Australia.

Buti nalang may pumigil sa kanilang dalawang babae na mukhang kasama din nila, because of them we're alive. I don't know if those two knew na nandoon kami but still thankful to them. Pang ilang buhay ko na to.

"I thought ipapadala na naman nila yung taga Australia." Nag krus ang braso ni Shiela. Naalala ko na naman yung mga sinabunutan nyang mga babae.

Hindi ko alam kong bakit nangyari yun, I have no clue but I don't have any reason to asked her. Sa kanya na iyon.

"Yung muntik ka ng ihulog sa tulay sa kamalditahan mo." Nagulat ako sa sinabi ni Brandon. Tama ba narinig ko? "Kaya inunahan mo ng sabunutan para umuwi sa bansa nila."

"Kaya siguro hindi na sila bumalik dito." Shiela smirked with her remarks "Magaling nga, makitid naman ang utak."

Tiningnan ko si Brandon but he just shrugged off, dismissing me. Anong klaseng kaibigan to! Minsan na nga lang ako magiging chismoso hindi pa ako pagbibigyan! Naneto! He even pat my shoulder consoling me.

"Magagaling din yan." Alam ko Brandon, muntik na nga tayong mapatay diba? "Magaling na nasa eagle parin."

"They're both phantom now." Tumingin kami sa likod namin kong saan kakarating lang din ni Alison.

Wala si Maven dahil kailangan nya ng pahinga para sa mabilis na ikakagaling nya. Sa misyon namin na hindi, pwede naman na sya lang ang mag plano o mag bigay ng mga utos para kami na ang magtrabaho dahil yun naman talaga ang gawain ng isang Phoenix eh.

Sa misyon din ito, diretso na kami sa direkto hindi na kami dadaan sa higher-ups wala din kaming higher-ups para sa misyon na ito. Kami nalang ang gagawa para sa gusto ni Maven at para makauwi narin sya sa Spain. I heard she really wanted to go home but she can't because of this mission.

"How did you know that?" Tanong namin, sinundan namin sya doon sa may bakanteng cubicle kong saan ang temporary seat nya.

Nasa loob kami mg malaking futuristic room kong saan nangyayari ang lahat ng gawain ng isang IT experts, trackers, hackers and apprentice na gustong maging hacker. Diro ginagawa ang pagkuha ng mga information, deep information. Katabi naman nito ang mga invention labs at ang silid kong saan inilalagay ang mga imbensyon ng ahensya.

"I know everything.." tanging saad ni Alison sa amin at pabagsak na iniupo ang sarili sa swivel chair. "Well, mas maraming alam si Maven kaysa sa akin but yeah."

"Gaano ka lalim ang alam mo tungkol sa kanila." Nanghahamon na tanong ni Shiela sa kanya.

Ayan na naman sya tapos kong bumalik sa kanya ang pagsusuplada nya magagalit. Hindi ata na isip nito na tinutulungan pa sya ng babaeng ito sa stalker nyang si Oliveros na nagtatago ngayon at hindi mahanap.

NES #5: Million FingerprintsWhere stories live. Discover now