08

71 4 0
                                    

Mission 8: Professor

Brandon’s POV

"Sabay na lang akong uuwi sa'yo, I don't have any car." I put down my pen and looked at Shiela. Tiningnan ko sya ng maayos, mukhang takot parin ito sa nangyari sa kanya pero pilit na pinapatatag ang sarili nya.

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang sa kanya and it's been hours since I am sitting here while watching these three girls discussing. Maven, Alison and her, they look so peaceful, hindi katulad kahapon o noong isang araw na kahit tinginan lang ay parang papatayin na ni Shiela ang dalawang babae.

Maayos ang kanilang pag-uusap, lumabas naman si Wei dahil nag order si Maven ng chicken joy sa Jollibee, hindi literal na nag order sa kanya, nagbubulungan lang sina Alison pero sabi nya, narinig nya daw. Mukhang gutom na si Maven pero hindi lang nito sinasabi.

"Paano natin papalabasin lahat ng to? I'm sure someone is watching us right now because, I-I'm here." Napatingin naman kaming tatlo kay Shiela nang mautal sya sa kanyang huling salita.

"Don't worry about them, if they can see us then they can see us but they can't hear us." Sagot naman ni Maven sa kanya ilang segundo lang ang nakalipas.

"Pagnalaman nila ito, pwede nila tayong itumba." Narinig ko ang alanganin sa boses ni Shiela but the two don't even care about it.

Didn't even spare a glance to her.

"Then we rise if that's what happens." Nagkibit balikat si Maven sa kanya, mukha talaga syang walang paki-alam sa buhay nya.

Tama naman si Shiela eh, baka hindi pa sila nakakagalaw ay wala na sila, pinaglalamayan at pwedeng baliktarin lahat ng kanilang nalalaman ng congressman na iyon, hindi naman sa kinikwestyon ko ang kakayahan nila, I am just concerned about them.

"We won't help you if we can't fight, Shiela, we have something that they don't have." Nakita ata ni Maven ang mukha ni Shiela kaya nagsalita na naman ito.

"And what is that?" Narinig ko ng kaunti ang boses mataray ni Shiela na pilit nyag tinatago.

Pero mukhang naramdaman naman iyon ng dalawa na mukha lang ding walang pakialam doon. Lagi naman silang ganyan kaya hindi ko masasabi kong may paki ba sila o wala at talagang ganyan lang talaga sila kong naka rest face

"You don't need to know, you will just know if the man is already falling into his graveyard." Kinilabutan ako bigla doon.

Nakakatakot din kaya minsan yung mga sinasabi ni Maven sa harapan namin. Mas lao kaming natahimik nang pumasok sa loob si Wei na may dalang tatlong bucket ng chicken joy ng Jollibee, yung isa agad nyag binigay kay Maven.

"Eat.." may binigay pa syang isang bottled juice sa kanya.

Yung isa naman binigay nya sa akin hati daw kami ni Shiela habang yung isa naman ay hati naman daw sila ni Alison. Habang kumakain kami ay patuloy naman yung tatlo sa pagpaplano kong paano nila mapapabagsak yung lalake ng unti-unti.

"I want it slow, yung makikita ko kong paano sya bumagsak ng unti-unti at mag makaawa." Paalala ni Shiela pagkatapos ilunok yung kinain nya.

"We can't promise, we don't actually like slow kill, such a waste of time." Tanging saad ni Alison sa kaniya.

Kami lang ni Wei ang na nahimik, kumakain at nakikinig sa kanila. This is when I realized that there's nothing more ruthless when you planned something with your enemy for your enemy too.

Pagkatapos ng ilang oras ay nagpasya na din kaming umuwi dahil malapit na mag gabi. May kanya-kanya kaming sasakyang dalawa at tinupak ang dalawa kaya nagkarerahan ang dalawa. Wala namang sagabal sa kanilang daanan dahil walang masyadong sasakyan. Wala ding mga pulis na nagbabantay.

NES #5: Million FingerprintsWhere stories live. Discover now