09

58 4 0
                                    

Mission 09: The Ortiz

BRANDON's POV

"Nagkakagulo na ang media ngayon sa labas ng bahay ng congressman." Nasa harapan ako ng table ni Shiela, alam ko namang may kinalaman na sila dito dahil nag plano na naman siguro. "Wanna say something?"

"Yeah, hindi ko naman naisip na ilalabas agad nila yung nakuha nilang impormasyon na ikasisira ng congressman." Sagot naman ni Shiela, kampante lang itong nakaupo. "Though, hindi ko alam na ganyan pala ka demonyo ang lalakeng iyan, I am also shocked about his wrong doings."

Napalunok ako nang makita ko ang balita, ang sabi ay may sa isang lote kong saan pagmamay-ari ng congressman ay mag mga inilibing dito na maraming tao, wala pang naging pahayag ang pamilya nito but I know for sure na e-dedeny rin naman nila iyan ang paid those tv networks just to end the issue.

Wala akong sinabi at pinanood ko lang ang magiging reaksyon ni Shiela, alam kong nagulat din sya pero pinabayaan nya nalang ang kanyang naging reaksyon.

"The real game is just starting." Tanging saad ni Shiela bago sya bumalik sa kanyang trabaho.

Umalis naman ako sa kanyang harapan nang makatanggap ako ng tawag mula kay Wei, kunot noo kong sinagot ang tawag mula sa kanya, walang kung ano-ano ang nagsalita agad ang lalaki.

[Come here at Lucia St. We've seen three dead bodies here.]

Agad kong pinatay ang tawag mula kay Wei at ibinalita sa kanila ang sinabi ni Wei. Agad kaming rumesponde sa tawag nito, pagdating namin doon ay agad na bumungad sa amin ang mga maraming tao, agad naman naming nakita si Wei sa may tabi.

"Bakit namatay?" Tanong ni Shiela sa tabi ko na ikinahinto ko sa gitna ng aming paglalakad papunta sa may pinagkakaguluhn ng mga tao.

"Bakit ako tinatanong mo? Ano ako manghuhula?" Sagot ko sa kanya, minsan talaga ang babaeng to hindi nag-iisip eh.

Ako pa tatanungin nya eh alam nya namang magkasama kaming dalawa, sinamaan nya ako ng tingin at muntik pang tamaan sa kanyang kamao kong hindi lang ako napaatras ng kaunti. Tama naman ako ah! Wala akong alam! Bakit nya ako tatanungin kong bakit namatay.

Natigil lang si Shiela kakasama ng tingin sa akin nang dumating na kami sa harapan ng tatlong lalakeng nakahandusay sa kalsada, naliligo ito sa sariling dugo but the blood is not fresh, may marka din ng dugong kamay sa tabi nilang tatlo.

"An arrow?" Tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang isang palaso na naka baon sa dibsib ng lalake kong saan nakalagay ang puso nito.

Dahan-dahan naman nitong kinuha ng SOCO at ginawang maliit na ebidensya para magamit sa kong sino ang pwedeng pumatay sa mga ito. Sinuyod din naman ang ibang kalapit na lugar kong saan nakahandusay ang tatlo, baka may makita kaming pwedeng dagdag ebedinsya sa kaso.

"Pamilyar.." tumingin ako kay Shiela na nasa likod ko lamang s'ya, inilibot nya ang kanyang paningin sa boung lugar.

"Anong ibig mong sabihin na pamilyar?" Parang may mali eh, parang may nakatingin lang sa amin. Pinagmamasdan ang bawat galaw namin ngayon.

"Naalala mo yung lalake na namatay at nirespondehan natin na may palaso sa likod nya na syang sanhi ng ikinamatay nito at may bloody fingerprints din which is the victims blood." Paliwanag nya sa akin.

NES #5: Million FingerprintsWhere stories live. Discover now