4th Summer

42 17 12
                                    

Sunny's POV

Nagdidilig ako ng halaman ngayon sa bakuran namin. Hindi naman gano'n kalawak ang kinatitirikan ng bahay namin pero may espasyo pa rin naman para sa mga halaman.

Tulala lamang ako simula pa kahapon. Hindi ko makalimutan ang nangyari. Kaya nga simula pagkagising ko kaninang umaga ay hindi pa ako lumalabas ng gate dahil baka makita ko pa siya at hindi lang panggigigil sa balikat ko ang gawin n'ya.

"Sunny!"

Natigil ako sa pagdidilig nang marinig ko ang boses ni Mama. Kaagad ko namang ibinaba ang hawak na ragadera bago ako pumasok.

"Po?" tanong ko nang makalapit ako sa kan'ya na ngayon ay nagtutupi ng damit na sinampay n'ya kahapon.

"Mamayang gabi ay mag-empake ka na. Bukas ng tanghali ay luluwas na tayo sa probinsya," saad niya.

"Sige po," sagot ko naman sabay tango.

Akmang aalis na ako nang tawagin na naman n'ya ako.

"Anak, may sakit ka ba? Ang tamlay mo simula pa kaninang umaga, ah," may pag-aalala niyang tanong.

Tipid naman akong ngumiti kay Mama at saka umiling. Sakit siguro sa balikat ay pwede pa.

"Wala po akong sakit, excited lang po ako para bukas," sagot ko sa walang gana na tono.

Sana naman ay nakumbinsi ko siya.

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Mama, tila naninimbang kung maniniwala sa sinabi ko. Hindi kasi siya sanay na matamlay ako, iisipin n'ya hindi ko nagustuhan 'yong niluto n'yang ulam kaninang tanghali.

"S-Sigurado ka ba anak?" kandautal niyang tanong.

"Opo, magdidilig lang po ako."

Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa akong bumalik sa bakuran. Baka kasi kapag nagdilig ako na ganito ang timpla ay baka mas lalong malanta ang halaman.

KInahapunan ay nagpunta ako sa rooftop ng bahay namin at muli ko na namang nasaksihan ang napakagandang paglubog ng araw sa kabundukan. Mabuti na lang at may ganito, ito na lang yata ang nagpapagaan ng kalooban ko.

"You love sunset?" Isang malalim na boses ng lalaki ang nagsalita mula sa likod ko.

Agad ko itong nilingon at nabigla ako nang malamang si Philip pala iyon. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at brown short. Napakalinis n'yang tingnan.

"Ahh... oo. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Your mom said that you're here during this time of the day. I just want to talk to you." Naupo siya sa tabi ko at napatingin din siya sa magandang tanawin.

"Tungkol saan?"

Kahit na may hula na ako kung tungkol saan ang gusto niyang pag-usapan ay gusto ko pa rin marinig mula sa kan'ya.

"About what happened yesterday," saad ni Philip.

Pareho kaming natahimik pagkatapos n'ya iyong sabihin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Bigla kasing naging awkward ang atmosphere rito.

"I just want to say sorry for scaring you. I couldn't control myself," basag niya sa katahimikan.

Ngumiti ako sa kan'ya. 'Yon lang naman ang hinihintay kong marinig mula sa kan'ya, eh. Hindi ko naman siya matitiis.

"Okay na 'yon. Bakit ka ba nagalit sa 'kin?"

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Dinukot niya ang phone mula sa loob ng bulsa n'ya at saka nagkutinting doon. Pinakita n'ya sa akin ang isang litrato.

"This is my mom," wika niya.

Picture iyon ng isang matangkad na babae na nakasuot ng bestida tapos sa tabi nito ay isang maliit na batang lalaking nakasuot ng uniform at may ribbon. Base sa itsura ng bata ay mahihinuha kong ito ang batang version ni Philip.

Naguguluhan ako kung bakit niya pinapakita ang picture ng mama niya sa akin.

Mayamaya ay zinoom niya ang picture sa leeg ng mama niya.

"This is my mom's necklace. It actually looks exactly like yours."

Namilog ang mga mata ko nang malamang gano'n na gano'n nga sa suot ng mama niya ang kwintas na nasa akin.

Natutop ko ang bibig ko at saka ako napatingin sa kan'ya na nagulat naman sa naging reaksyon ko.

"S-Sa totoo lang, Philip, hindi ko naman talaga 'to nabili, eh. May magnanakaw kasi sa palengke kahapon tapos 'yong nanakawan niyang babae ang nagmamay-ari nito. Basta mahabang kuwento," amin ko.

Biglang kumislap ang mga niya.

"Really? The lady, is this her?" Muli niyang pinakita ang picture sa phone niya.

At doon nga ay nakumpirma kong iyon nga ang babaeng nakausap ko kahapon. Medyo tumanda lang ang mukha nito at nagkaroon ng kulubot sa noo ngunit nasisiguro kong ang mama ni Philip at ang babaeng tinulungan ko kahapon ay iisa!

"Oo, siya nga!" bulalas ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Saglit lamang iyon at humiwalay siya sa akin ngunit nanatiling nakahawak ang kamay niya sa balikat ko.

Sa pagkakataong ito ay hindi na iyon mahigpit.

"Do you know where she is?"

Napakamot ako sa ulo.

"Ayon lang, hindi ko na kasi siya naabutan. Pero 'wag kang mag-alala, tutulungan kitang hanapin siya," wika ko.

Hindi na mabura ang nakapaskil na tuwa sa mukha niya. Parang sa isang iglap ay nabuhayan siya ng loob.

"Finally, God answered my prayers." Tumingala siya.

Bumaba ang tingin niya sa akin.

"Thank you, Sunny. You don't know how much you made me happy."

Ngumiti ako sa kan'ya.

Ikaw rin, hindi mo alam kung paano mo ako napapasaya.

Ito ang mga salitang nais kong sabihin ngunit mas pinili ko na lang na hindi isatinig.

**

Kakatapos ko lang maligo. Madilim na sa labas ngunit nakatatak pa rin sa isip ko ang nangyari sa rooftop namin kanina.

Pagkakuha ko ng damit sa aparador ay napatingin ako sa salamin. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na nakasabit sa leeg ko.

Iniisip ko kung bakit ibon ang nakalagay rito. Siguro dahil kagaya ng isang inahin na ibon, kahit gaano pa man kalayo ang marating niya para humanap ng pagkain, makababalik at makababalik pa rin siya sa kan'yang anak.

"Promise ko sa'yo, Philip, tutulungan kita. Kahit suyurin ko pa ang buong baryo para sa mama mo ay gagawin ko." Napahagikgik naman ako dahil doon.

Ang corny!

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako sa sala. Naabutan ko roon si Papa na nanonood sa TV habang si Mama ay nasa kusina at naghahain.

Hindi naman kalakihan ang bahay namin. Isang cabinet lang ang nagsisilbing hati sa kusina at sala tapos dalawang kwarto lang ang meron kami.

"Oh, Sunny, tapos ka na ba mag-empake? Double check mo 'yang gamit mo at baka may maiwan ka na naman," saad ni Papa na hindi inaalis ang tingin sa telebisyon.

Hala, nakalimutan ko na bukas na nga pala ang luwas namin.

"Ah, hindi pa po, Papa," tugon ko.

"Ay ano pang hinihintay mong bata ka? Ayusin mo na at nang makakain na tayo," wika ni Mama na hindi inaalis ang tingin sa inaayos na mga kubyertos.

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ako magsalita.

"H-Hindi po ako sasama."

Pareho silang napatigil sa ginagawa at sabay na tinapunan ako ng tingin.

Every SummertimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon