Sunny's POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng bahay namin. Kagaya ng palagi kong ginagawa, panonoorin ko na naman kung paano matapos ang isang buong maghapon.
Masama ang loob ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Philip. Ako lang pala ang hindi nakakaalam ng kalagayan n'ya, ako lang pala ang nag-akalang maayos lang siya, at ako lang pala ang nagtaka dahil sa biglang pagbagsak ng katawan n'ya.
Nakakainis ang walang alam 'no.
Mayamaya ay nakaramdam ako ng presensya ng tao mula sa likod ko. Pag-angat ko ng tingin ay tama nga ang hinala ko.
Nang malaman ko kung sino siya, binalik ko ang tingin sa malayo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I want to watch the sunset with you." Umupo siya sa tabi ko.
Parang nangyari na 'to. Noong huling beses na ginawa namin ito ay dahil may kasalanan din siya sa akin.
Sandali kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa hindi na siya nakatiis at nauna nang magsalita.
"I'm sorry for lying," wika ni Philip, halos pabulong na ito.
"Bakit mo 'yon ginawa? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang totoo, Philip?" Lumingon ako sa kan'ya, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha. "Ginawa mo 'kong tanga."
"Ginawa ko 'yon because I don't want you to worry about me," saad n'ya.
Tumawa ako nang mapakla bago umiwas ng tingin.
"Pero nagsinungaling ka pa rin. Pakiramdam ko ay hindi ako ganoong kaimportante para sabihin mo ang nangyayari sa'yo. Napaka-unfair mo naman."
Naramdaman ko ang palad n'ya na humawak sa kamay ko.
"You're important to me. I'm sorry if I made you feel like that. You can hate me as much as you want, hindi na rin naman ako tatagal," aniya.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kan'ya. Ano bang sinasabi n'ya? Hindi n'ya ba alam na ang sakit sa puso na marinig na parang tinatapos na n'ya ang buhay n'ya?
"'Wag mo ngang sabihin 'yan! Oo na, pinapatawad na kita. Alam mo namang hindi ko kayang magalit nang matagal sa'yo, eh." Ang mga huling salita na sinabi ko ay halos pabulong na.
Tumawa siya nang bahagya.
"I'm serious." Pagkatapos no'n ay tinanggal niya ang suot na bonet at bumungad sa akin ang manipis niyang buhok, kaunti na lamang ay makakalbo na siya.
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm dying, Sunny. I don't know if I will survive," wika niya na hindi tumitingin sa akin.
Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ko ito sa akin.
"Y-You will survive, okay? Naniniwala akong kaya mo. . . kakayanin mo, Philip. 'Wag kang magsasalita ng tapos."
Tinitigan n'ya ako ng ilang segundo bago unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi n'ya.
"I will, Sunny. I'll fight if that's what you want."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Kailangan n'yang lumaban, hindi siya pwedeng mawala dahil hindi ko kakayanin.
**
Kinabukasan. . .
"Ang ganda!" sigaw ni Sarah nang makarating kami rito sa riverside.
Napagpasyahan naming mag-picnic kasama si Philip. Napakaganda rito sa may tabing ilog dahil tahimik at presko ang pakiramdam. Berdeng-berde rin ang damo at sobrang linaw ng tubig.
BINABASA MO ANG
Every Summertime
Teen FictionSummer ang paboritong panahon ni Sunny. Isa siyang masiyahing babae na mahilig kumuha ng mga litrato lalo na kapag sunset. Nakilala niya ang masungit na binatang si Philip na nagbabakasyon sa tita nito na kapitbahay lamang nila tuwing bakasyon. Tuw...