Epilogue

28 9 12
                                    

Sunny's POV

Tumayo siya at saka nagpunas ng kamay sa kan'yang daster bago ako lapitan.

"Anong maitutulong ko sa iyo, hija?" tanong niya habang nakangiti.

"Ako po si Sunny. Hindi ko po alam kung natatandaan n'yo pa ako pero ako po 'yong babae sa palengke," turan ko.

Sandali n'yang pinakatitigan ang mukha ko hanggang sa manlaki ang mga mata n'ya.

"Naku! Ikaw 'yong tumulong sa akin? Aba'y halika, pumasok ka sa loob at ipaghahanda kita ng meryenda."

Kaagad n'ya akong sinamahan sa loob ng bahay nila.

"Maupo ka," anyaya n'ya sa akin.

Naupo naman ako sa kahoy na upuan nila sa sala. Umalis s'ya saglit ngunit mayamaya ay bumalik din na may dala ng sandwich at juice. Nilapag n'ya iyon sa lamesa.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong n'ya bago naupo sa tabi ko.

"Mahabang estorya po, eh. Pero, pwede ko po bang malaman kung anong pangalan n'yo."

"Ellen. Ikaw ba? Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Sunny po."

Ngumiti siya. "Sunny, napakagandang pangalan."

Sandali akong napatingin sa kan'ya. Mabait naman pala ang mama ni Philip.

"H-Hindi naman po ako magtatagal. Gusto ko lang pong ibalik 'to sa inyo." Kinuha ko ang kwintas mula sa bulsa at saka ko iyon binigay sa kan'ya.

Biglang nawala ang ngiti n'ya nang makita iyon. Napatingin siya sa akin bago muling binalik ang tingin sa kwintas na kaagad naman n'yang tinanggap.

"Matagal ko nang hinahanap 'to. Akala ko ay nawala na."

"Pasensya na po. Sa totoo po n'yan, ang kwintas na 'yan ang dahilan para matagpuan po kayo ng isang taong matagal na kayong hinahanap," wika ko.

Napatingin siya sa akin.

"Si Philip po."

Hindi siya nakaimik agad. Napaawang ang kan'yang labi at mayamaya pa ay pumatak ang isang luha mula sa kan'yang mata.

"Ang anak ko. . . k-kilala mo s'ya?" may pananabik na tanong n'ya.

"Opo, magkaibigan po kami. Sa totoo po n'yan ay nanggaling na kami rito pero natakot po siyang tumuloy."

Bumaba ang tingin n'ya at napangiti siya nang tipid.

"Naghiwalay kami ng daddy n'ya dahil hindi na kami nagkaintindihan. Matagal ko nang gustong bisitahin s'ya pero. . . wala pa akong pera para makaluwas."

"Nandito po siya sa probinsiya."

Mabilis siyang nag-angat ng tingin.

"T-Talaga? Kamusta naman siya? Inaalagaan ba s'ya nang ayos ni Michael?" sunod-sunod n'yang tanong.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang kondisyon ng anak n'ya ngayon. Pero ito naman talaga ang ipinunta ko rito.

"M-May leukemia po si Philip," wika ko.

Ang nananabik n'yang mga mata ay napalitan ng pag-aalala.

"At gusto n'ya po kayong makita ulit kung sakali mang h-hindi na n'ya kayanin."

Natutop n'ya ang bibig at nagsimula nang humikbi. Umagos ang luha n'ya na tila ilog.

Naabala ang usapan namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko naman itong sinagot nang makita ang pangalan ni Mama sa screen.

Every SummertimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon