Sunny's POV
"Sigurado ka na bang ayaw mong sumama sa amin, anak?" tanong ni Mama na may lungkot sa mata.
Nandito na kami sa labas ng bahay kung saan nakahanda na ang mga bagahe nila. Gustuhin ko man na pumunta ng probinsya ay hindi na muna sa ngayon dahil kailangan ko pang tulungan si Philip.
"Opo, desidido na po ako. At saka 'wag na po kayong mag-alala sa 'kin. Eighteen na po ako, kaya ko na po ang sarili ko," tugon ko naman.
Nagkatinginan sila ni Papa na parehong may sinasabi ang mga mata. Ito ang unang beses na mapapalayo ako sa kanila.
"Kung 'yan talaga ang desisyon mo, anak. Kung may kailangan ka kumatok ka lang dito kay Ate Margaret mo, ha. Tatawag din ako sa'yo." Pinahid ni Mama ang luhang kumawala mula sa mata niya.
Tumango naman ako.
"Tita, 'wag po kayong mag-alala, ako na bahala sa kan'ya," saad ni Keifer na nasa likod ko. Katabi niya si Philip at Ate Marga.
Ngumiti si Mama ngunit alam kong pilit lamang iyon. Hinaplos niya ang pisngi ko saka niya ako hinila papalapit upang yakapin.
Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan namin. Sumali na rin si Papa. Isang linggo sila sa probinsya kaya naman mami-miss ko talaga sila.
Ako na ang tumapos ng yakap.
"Sige na, 'Ma, 'Pa. Baka po gabihin kayo sa pagdating doon," saad ko.
Sumakay na sila sa van pagkatapos magpaalam sa amin. Kumaway pa kami sa kanila habang papalayo ito nang papalayo. Minsan lang ako mawalay sa kanila, siguro ay panahon na rin para matuto akong mamuhay nang mag-isa.
Naunang pumasok sa bahay nila sina Ate Margaret at Keifer. Nagtaka naman ako kung bakit nagpaiwan pa si Philip dito sa labas kasama ko.
"So, do you want to start our hunting today?" tanong niya. Marahil ang tinutukoy niya ay ang paghahanap sa mama niya.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Agad-agad?"
Tumango siya.
"I don't want to waste time. I want to find her immediately."
Natulala naman ako sa kan'ya. Wala man lang pagpaplano sa lalaking ito. Time is gold yata ang motto niya in life.
"The sooner the better, right?" Ngumiti siya sa akin. Alam na alam niya talaga ang kiliti ko.
Sa kabilang banda ay tama siya. Kung mas aagahan namin ang paghahanap ay baka mabilis kaming matapos. Malay natin ngayong araw pala namin makita ang mama niya, 'di ba?
"Oo na. Pero saan naman tayo sasakay?"
Bigla siyang umalis. Akala ko ay nagbago na ang isip niya pero mayamaya ay bumalik siya akay-akay ang e-bike ni Ate Marga.
"We will ride this," sambit niya.
**
"Ate, baka po kilala n'yo siya?" Pinakita ko sa ale ang litrato ng mama ni Philip pero kagaya ng mga nauna ay umiling ito.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Kung hindi ako nagkakamali ay mahigit singkwentang tao na ang napagtanungan namin ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakakilala sa mama ni Philip.
Nandito kami sa bayan ngayon. Limang oras na kaming nagtatanong at napakasakit na rin ng mga paa ko kakalakad.
"Philip, mukhang matatagalan tayo. Hindi ka pa ba nauuhaw?" tanong ko sa kan'ya na ngayon ay tagaktak na rin ang pawis.
"We can buy something to drink for a while. Let's rest first."
Kagaya ng sabi n'ya ay bumalik na kami sa tindahan kung saan namin iniwan ang e-bike.
BINABASA MO ANG
Every Summertime
Teen FictionSummer ang paboritong panahon ni Sunny. Isa siyang masiyahing babae na mahilig kumuha ng mga litrato lalo na kapag sunset. Nakilala niya ang masungit na binatang si Philip na nagbabakasyon sa tita nito na kapitbahay lamang nila tuwing bakasyon. Tuw...