One year later. . .
Sunny's POV
"Class dismissed."
Sa wakas, ito ang salitang kanina ko pa hinihintay na sabihin ni Maam Niña. Kagaya ng dati, nag-overtime na naman siya ng thirty minutes sa klase kaya heto kami at parang kakainin na ng small intestine ang big intestine sa gutom.
"Sunny! Sabay na tayo umuwi!" rinig kong tawag sa akin ni Sarah kaya napatigil ako sa paglalakad papalabas sana ng pintuan.
Hinintay ko siyang makalapit sa akin bago kami sabay na naglakad papalabas. At kagaya ng inaasahan ay nadatnan ko si Keifer na nakasandal sa may pader habang nilalaro ang ballpen sa mga daliri n'ya.
Tumayo siya nang tuwid sa oras na mapansin n'ya kami.
"Tara na?" tanong niya bago ngumiti at kuhanin ang bag ko.
"Sasabay si Sarah sa atin," tugon ko.
Tumango lang siya bago na naunang maglakad.
Last day na ngayon ng school year, bakasyon na naman ngunit parang hindi ako masaya. Siguro dahil gagawin lang na naman namin ang paulit-ulit naming ginagawa kapag bakasyon. . . ang bisitahin sina lola.
Wala man lang thrill. Hindi kagaya noong huling bakasyon, masasabi kong nag-enjoy ako kahit malungkot sa pag-alis niya.
Nakalabas na kami ng gate ng school. Malapit lang naman ang bahay namin kaya hindi ako namomroblema kung late man magpalabas si Maam Niña.
"Alam mo, mag-iisang taon nang nanliligaw 'yang si Keifer sa'yo. Bakit hindi mo pa sinasagot?" biglang tanong ni Sarah.
Napatingin ako kay Keifer na tahimik lamang na naglalakad. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagtapat ng nararamdaman n'ya sa akin noong bakasyon.
Parang mas gusto ko pa 'yong mga panahon na inaasar n'ya 'ko kaysa sa ganitong napakatahimik n'ya kapag magkasama na kami.
"Wala pa sa isip ko ang mga gan'yang bagay, Sarah. Hindi naman 'yan minamadali," tugon ko at saka kinuha ang digital cam mula sa bulsa ko.
"Asus, eh college naman na tayo. Wala namang masama kung mag-boyfriend ka 'di ba? Payag naman ang parents mo, at saka gwapo naman si Keifer, mabait, masipag, saka mukhang seryoso sa'yo."
"Hindi mo kasi naiintindihan. Paulit-ulit na natin 'tong pinag-usapan 'di ba?" Binuksan ko ang digital camera at muling tiningnan ang mga litrato namin ni Philip noon.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa sinabi n'ya sa akin na babalik s'ya. Gustong-gusto ko na siyang makita ulit.
"Asus, ang sabihin mo may hinihintay ka lang na iba."
Pagtingin ko sa kan'ya ay nakasilip na rin siya sa digital camera ko. Napakachismosa talaga.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi n'ya at tinuloy ang pagkutingting sa camera.
"Uy, si Philip!"
Mabilis pa sa alas kwatro kong iniangat ang tingin ko upang lingunin ang tinitingnan n'ya.
"Nasaan?!" Para akong isang patay na halaman na biglang nabuhay dahil sa narinig.
Wala naman akong makita!
Mayamaya ay narinig ko ang tawa ni Sarah kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Grabe, hindi ka na mabiro." Nakahawak pa siya sa t'yan habang humahagalpak ng tawa.
"Hays! Tigilan mo na nga ako, Sarah!" angil ko at nauna nang maglakad habang nakatingin sa camera ko.
"Teka, si Philip ba 'yon?" rinig kong tanong n'ya muli sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Every Summertime
Fiksi RemajaSummer ang paboritong panahon ni Sunny. Isa siyang masiyahing babae na mahilig kumuha ng mga litrato lalo na kapag sunset. Nakilala niya ang masungit na binatang si Philip na nagbabakasyon sa tita nito na kapitbahay lamang nila tuwing bakasyon. Tuw...